Zodiac sign ng nanay: Ano ang sign mo?

Iba-iba ang ugali ng mga nanay. Ngunit sino nga ba ang best sa kanila? Narito ang traits ng mga nanay base sa kanilang zodiac sign. | Lead Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zodiac sign ng mga nanay

Isang magandang halimbawa ng pagmamahal at sakripisyo ang mga nanay. Sapagkat habang lumalaki ang kanilang mga anak, hangga't makakaya, binibigay ng mga nanay ang pangangailan ng kanilang mga anak.

Mababasa sa artikulong ito:

  • 12 zodiac sign ng nanay
  • Iba't-ibang ugalig ng mga nanay na nakadepende sa kanilang zodiac sign

Iba-iba ang ugali ng mga nanay. Mayroong friendly at ang iba naman ay strikto talaga kapag anak na nila ang pinag-uusapan. Para sa kaalaman ng lahat, ang mga ugaling ito ay mababasa sa kanilang zodiac signs.

Kaya ano nga ba ang zodiac sign ng pinakamahusay na nanay? Isa kabang cool mom o strict mom?

Alamin natin.

Zodiac sign ng nanay | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Zodiac sign ng nanay: Ano ang sign mo?

Nakadepende ang ugali ni mommy base sa kanilang zodiac signs. Narito ang eksplanasyon:

Aries (March 21-April 19)

Hindi ugali ng mga Aries mom ang padalos-dalos na desisyon. Siya ay sobrang nakapokus sa isang bagay at career-oriented. Kahit na abala siya lagi sa kaniyang araw-araw na gawain, binibigyan pa rin nito ng oras ang kaniyang mga anak.

Laging present ang mga Aries mom sa ganap ng kanilang mga anak. Matinding suporta ang ibinibigay nila. Minsan, siya ay strikto lalo na kapag hindi umaayon sa kaniya ang panahon. Pero hindi naman nito na aapektuhan ang relasyon niya sa kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

5 bagay na sinasabi ng magulang na nakakasira ng mental health ng bata

Masama bang ipakita sa anak ang pag-iyak ng magulang? Ito ang kasagutan!

Epekto ng pagiging striktong magulang, maaaring magresulta sa pagiging alcoholic ng anak

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Taurus (April 20–May 20)

Ugali na ng mga Taurean ang pagiging mapagmahal at maalaga sa taong mahalaga sa kaniya. Matipid din sila pero nakakasigurado kang nabibigyan ng sapat na pangangailangan ang kanilang mga anak.

Minsan, sila ay strikto at gustong masunod ang kanilang mga nais.

Gemini (May 21-June 20)

Magaling naman makipag-usap ang mga Gemini mom. Sa halip na maghigpit, kinakausap nito ang kaniyang mga anak. Subalit may pagkakataon pa rin na authoritative sila lalo na kung gusto nilang disiplinahin ang kanilang mga anak.

Cancer (June 21–July 22)

Magaling makisama ang mga Cancerian sa kanilang mga anak. Pasok dito ang emosyonal at materyal na suporta. Minsan ay masyado silang emosyonal at sobrang protektibo. Ang ugaling ito ay maaaring nakakasakal sa kanilang mga anak.

Zodiac sign ng nanay | Image from Dreamstime

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Leo (July 23–August 22)

Malaya namang nakakapagbigay ng pagmamahal ang Leo moms sa kanilang mga anak. Lagi rin nilang ipinapaalala na sila ang pinuno sa loob ng bahay. Determinado sila sa pagbibigay ng kailangan ng kanilang anak.

Bilang Leo parent, sensitibo sila at labis ang pagiging emosyonal din.

Virgo (August 23–September 22)

Strikto at may sistema na dapat masunod ang mga anak ng isang Virgo mom. Sinisiguro nilang nabibigyan sila ng emosyonal at educational na pangangailangan. Bukod pa rito, hindi nila nakakalimutang gabayan sa paglaki ang kanilang mga anak.

Libra (September 23–October 22)

Pagiging malikhain, matiyaga at may mabuting asal ang mga Libra mom. Maituturing siyang isang role model at malapit na kaibigan ng kanilang mga anak. Nais ng mga Libra mom ang makabubuti sa kanilang mga anak. Ang pagiging kalmado nila ay isang dahilan kung bakit magaling silang tagapayo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Scorpio (October 23–November 21)

Ang mga Scorpio mom ay labis ang pagiging possessive sa kanilang mga anak. Halos ubusin na nila ang kanilang energy para lang maprotektahan ang mahal nila sa buhay. Dahil rito, may pagkakataon na kinatatakutan na sila ng kanilang mga anak.

Oo, strikto ang mga Scorpio mom ngunit sinisigurado pa rin nilang protektado ang kanilang mga anak.

Zodiac sign ng nanay | Image from iStock

Sagittarius (November 22–December 21)

Ang mga Sagittarius mom naman ay nais ng adventure at exploration. Masigasig sila at sinisigurado lagi na kabilang sa extracurricular activities sa school ang kanilang mga anak.

Capricorn (December 22–January 19)

Sobra ang pagiging praktikal at kilala sa katuwiran ang mga Capricorn mom. Matigas at malakas din silang nanay ngunit mabait ang pakikitungo sa mga anak. Kailangan nilang bawasan ang pagiging strikto para hindi magrebelde ang mga ito.

Aquarius (January 20–February 18)

Madaldal, futuristic at masiyahin ang mga Aquarius mom. Isa rin silang companion ng mga anak nila! Ang zodiac personality nila ay pagiging palakaibigan. Nakakatulong ito para malayang maihayag ng kanilang anak ang saloobin nila. Minsan ay mahirap silang mabasa ngunit maaasahan naman ang mga Aquarius mom.

Pisces (February 19–March 20)

Strikto at maunawain ang mga Pisces mom. Sila rin any relihiyoso, maasikaso at maparaan. Sinisigurado nilang ang mga anak nila ay culturally literate at hindi lang mahilig sa libro. May pagka-strikta subalit labis naman ang pagiging mapagmahal at mabait.

 

Kung tatanungin mo, kung sino ang pinakamahusay na ina? Ang sagot lamang ay lahat sila! May iba na strikta, may iba rin namang palakaibigan. Bawat zodiaac sign ay may kalakasan at kahinaan.

Ang pinakamahalaga pa rin sa huli ay kung paano ang magiging maganda ng takbo ng relasyon niyo ng inyong anak.

Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano

Translated with permission from theAsianparent Singapore

Sinulat ni

Mach Marciano