3rd chances sa relationship: "Once is enough, two is too much, and three? Abuse."

You deserve the best at karapat-dapat kang mahalin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3rd chance sa isang relasyon, kaya mo pa bang magpatawad sa pangatlong pagkakataon? Ang sigaw ng ating TAP moms, “Hindi!”

Mababasa sa artikulong ito:

  • 3rd chance sa isang relasyon
  • Signs na hindi deserving ng isa pang chance ang iyong partner

3rd chance sa relasyon, posible ba ito?

Sa isang relasyon, asahan mong hindi lagi ay happy moments. Maraming ups and downs na kailangang pagdaanan ang mag-asawa. Susubukan nito kung gaano kayo katatag at papatibayin pa ng todo ang pundasyon ng iyong pagsasama. Ngunit paano kung paulit-ulit na lang ang sakit na dala sa’yo ng partner mo?

3rd chance sa relasyon: Posible pa ba nitong maayos ang isang relasyon? | Image from iStock

Sa pangalawang pagkakataon ng kanilang pagkakamali, marami sa atin ang nagpapatawad agad, 2nd chance para sa kanila kumbaga.

Ngunit paano kapag inulit ito at nanghihingi ng 3rd chance ang partner mo? Ang tanong, papatawarin mo pa ba?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa usaping ito, nagtanong kami sa theAsianparent Community kung ano ang thoughts ng ating TAP moms tungkol sa pagbibigay ng 3rd chance sa kanilang partner.

BASAHIN:

“May relasyon ba kayo ng 2nd cousin mo?” 14 kinakatakutang tanong ng mga nanay kay mister

TAP Mom: Nagbakasyon ang mister ko kasama ang best friend niyang babae—dapat ba akong mag-alala?

#TAPMomAsks: Dapat ko bang malaman ang password ni mister sa kaniyang social media account?

May isang nagsabi na,

“Second chance is enough, first mistake is forgiven. So you gave him a second chance or a last chance to change, but not worthy anymore to gave him a third chance if he repeatedly do it again.”

Ganito rin ang sabi pa ng isang TAP mom,

“Give him the benefit of the doubt. Kung meron ‘edi hiwalay. Basta may third party wala nang usap-usap, hiwalay na kaagad. Period.”

Maraming moms mula sa theAsianparent Community ang nasa side na hindi na nila makukunsinti sa pangatlong pagkakaton ang kanilang partner. May isa pang nagsabi na, “Once is enough, two is too much, and three? Abuse.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3rd chance sa relasyon: Posible pa ba nitong maayos ang isang relasyon? | Image from iStock

May pagkakatulad ito sa,

“A big no!!!! First mistake is ‘di sinasadya pero ‘pag pumangalawa, sinadya na. Ano pa ‘pag third.”

Bukod dito, may ibang moms pa rin na nagsabing kaya nilang magbigay ng 3rd chance sa isang relasyon. May isang mom na nagbahagi na naranasan na niyang pagbigyan siya ng pauli-ulit, “Yes po. Naranasan ko na po kasi ‘yan. Ilang ulit na ako nagkamali sa partner ko at pa ulit-ulit na rin niya akong pinatawad. Hanggang sa magka baby kami soon.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa ibang TAP moms, ang desisyon na ito ay nakadepende sa sitwasyon at kung paano nila ito iha-handle ng maayos.

Signs na hindi deserving ng isa pang chance ang iyong partner

Hindi sapat ang dahilan na mahal mo siya para bigyan siya ng walang katapusang chance. Ngunit paano nga ba masasabi na hindi na talaga deserving ang iyong asawa sa isa pang pagkakataon?

Narito ang mga signs:

3rd chance sa relasyon: Posible pa ba nitong maayos ang isang relasyon? | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Walang pagbabago

Naranasan mo na bang balewala ang iyong pagpapatawad dahil hindi mo naman nakitaan ng sinseridad at pagbabago ang isang tao? Isang major red flag sa isang relasyon ang sign na ito. Madalas silang humingi ng isa pang pagkakataon sa nagawang kasalanan ngunit hindi mo naman makitaan ng pagbabago.

Maaaring itigil o magbago ngunit panandaliang panahon lamang.

Pagsisinungaling

Isa pang senyales na hindi na deserving sa isa pang pagkakataon ang iyong partner kapag patuloy pa rin itong nagsisinungaling lalo na kapag pinagtatakpan niya ang kaniyang sarili. Isang elemento ng magandang pagsasama ang honesty at pagiging totoo ng bawat isa.

Hindi humihingi ng tawad

Sa halip na ‘Sorry’ ang iyong matanggap narinig mo na ba ang mga katagang ito: “Wala ka kasing oras sa’kin kaya nagawa ko ‘yun.” Moms, kung narinig mo ito, this is a major red flag! It’s a kind of manipulation na karaniwang sinasabi ng mga taong walang pagsisisi. Alam nilang mali ang kanilang ginawa pero hindi nila tanggap na nagawa nila ito kaya naman pilit nilang ipinapasa ang kamaliang ito sa iba.

Tandaan, sariling aksyon at desisyon nila ito at wala kang kasalanan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Moms, you deserve the best! ‘Wag mag-settle sa isang sirang relasyon kung alam mong walang effort na ginagawa ang partner mo para sa ikakaganda ng inyong relasyon.

‘Wag gawing rason upang hindi bumitaw sa isang toxi relationship ang pagmamahal at tagal ng pagsasama. Dalawang tao ang nagpapatakbo ng isang relasyon, ikaw ‘yon at ang iyong partner. Hindi pwedeng isa lamang habang nagloloko naman ang partner mo. Karapat-dapat kang mahalin!

Sinulat ni

Mach Marciano