“Hangga’t bata pa, ituro na ang tama.”
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 tips para sa epektibong potty training sa mga anak
- Payo sa mga magulang
Isang challenge sa ating mga magulang ang pagtuturo ng potty training sa mga toddler na anak. Mahabang pasensya at pag-unawa ang kakailanganin dahil madalas ay hindi pa nila kaya nang mag-isa, hirap sila sa pag-abot ng toilet, at maaaring maging makalat pa ito.
Pero worry no more parents and guardians! Para sa mas successful na pagtuturo ng potty training, narito ang mga iilang tips na maaari mong gawin:
4 tips para sa epektibong potty training sa mga anak
1. Maging physically and emotionally ready
Siguraduhing ang ating mga anak ay physically and emotionally ready sa inyong gagawin. Madalas nasa 2 years old pataas ang mga batang nagpapakita ng interes sa paggamit ng toilet, pero tandaang wala ito sa edad.
Hangga’t nagsimula silang maging curious, agad silang kausapin at turuan ng mga dapat gawin sa paggamit ng toilet. Huwag ring kalimutan na kung anuman ang gawin mo ay pwedeng gayahin ng mga bata, kaya maging maingat sa mga kilos.
Mga bagay na maaaring ituro:
- Tamang lugar kung saan dudumi at iihi.
- Pagsasanay sa kanila nang walang diaper.
- Kung saan dapat hubarin ang undergarments.
- Wastong pagbaba at pagbalik ng undergarments.
- Kalinisan sa sarili at sa banyo.
Maging handa rin sa mga pagkakamali sa unang try nila. Kaya mabuting hindi lang ang bata ang ready, kundi pati ang magtuturo. Hayaan nating silang ma-experience at matuto rito.
Mahabang pang-unawa at pasensya ang kailangan nang sa ganun ay maging maayos at enjoyable ang simula ng potty training. Kinakailangan ring lagi nating ulitin ang proseso hanggang sa ito ay maging routine na nila.
2. I-prioritize ang kalinisan
Nakabubuting i-prioritize ang kalinisan pagdating sa pagtuturo ng potty training sa bata. Ituro sa kanila ang tamang paghuhugas ng kanilang kamay at private areas, ganun din ang pagpapanatili ng kalinisan sa banyo para sa susunod na gagamit.
Ugaliin pa rin nating tingnan ang kanilang private areas kung ito ba ay nalilinisan nang maayos pagkatapos nilang dumumi o umihi. Sa ganitong pamamaraan, maiiwasan ang pagkakaroon ng infection o bacteria na posibleng magdulot ng UTI, rashes, at iba pa.
BASAHIN:
Engaging in potty training too early can cause problems for your child
Ito ang epekto sa bata kapag mabilis mo siyang nakakagalitan
Ito ang epekto sa bata kapag parating nanonood ng TV si daddy
3. I-acknowledge ang kanilang accomplishments.
Malaking bagay sa mga bata kung na-appreciate mo ang mga ginawa nilang tama. Ang simpleng pagsasabi ng “very good” or “good job” ay malaking bagay na sa kanila upang magpatuloy. Matatanim sa kanilang isip na tama ang kanilang ginagawa at ito ang dapat gawin.
4. Ihanda ang mga gagamitin
Siguraduhing nakahanda ang mga kakailanganin. Ihanda ang sabon, towel, at extra clothes kung sakaling sila ay mabasa. Kung gagamit ng arinola or diretsong toilet, dapat lang na ito ay abot ng mga bata. Ilagay ito sa banyo upang masanay silang pumunta rito. Pwedeng maglagay ng mat o basahin para hindi sila madulas.
Ikonsidera rin ang pag-install ng non-electric bidet, upang hindi na nila kailangang gumamit ng tabo o handheld bidet kung saan mababasa pa sila. Hindi mo na rin kailangan mag-worry sa kalinisan kung electric bidet ang gamit. Sa paggamit ng non-electric bidet, maiiwasan natin ang disgrasya.
Kung naghahanap ka ng recommendable na non-electric bidet, narito ang isang Japanese-inspired bidet, ang Como Bidet. Ito ay compatible sa 95% na toilet types sa Pilipinas. Mayroon itong front at back wash feature na swak na swak sa iyong mga anak.
Child-friendly ang Como bidet dahil madali lang itong gamitin. Iikutin lang nila ang knob, depende sa kung ano ang kailangan, para lumabas ang tubig. Counterclockwise para sa front wash feature at clockwise naman para sa rear wash feature. Mayroon din itong self-cleaning mechanism kaya ang kalinisan ay abot pa sa mga susunod na gagamit.
No more hassle rin dahil simple lang ang installation ng Como bidet. Kayang-kaya mo na itong gawin sa bahay gamit lang ang iilang tools.
Hindi na mahihirapan pa ang ating mga bagets at parents! Ang Como bidet ay iyong great partner para sa mas epektibong potty training experience. Nagdedeliver and Como bidet nationwide via cash on delivery.
Para malaman pa ang patungkol sa Como bidet i-click lamang dito!
Ang artikulong ito ay isinulat ni Crisyll Justine Torres