Epekto ng panonood ng telebisyon ng mga daddy? Maaring lumaking tamad si baby!
Mababasa sa artikulong ito:
- Paano tinuturuang maging tamad ng mga daddy ang kanilang mga anak na lalaki?
- Guidelines ng American Academy of Pediatrics o AAP sa screen time ng mga bata sa gadgets
Maliban sa negatibong impluwensiya ng panonood ng TV sa mga bata, napag-alaman ng isang pag-aaral na ang panonood ng TV ng mga ama ay isa sa itinuturong dahilan kung bakit mas tamad ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae.
Paano tinuturuang maging tamad ng mga daddy ang kanilang mga anak na lalaki?
Madalas sa mga gawaing bahay ay laging punong-abala ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
Epekto ng panonood ng telebisyon ni daddy? Lalaking tamad si baby! | Image from Unsplash
Ayon nga sa isang analysis na ginawa ng Pew Research Center sa US mas maraming “free time” ang mga lalaki kaysa sa mga babae.
Sa kanilang tala, lumabas na ang isang lalaki ay mayroong lima at kalahating oras na free time sa isang araw. Samantalang ang mga babae naman ay mayroong apat na oras na free time lang sa kada isang araw.
Ang ginagawa nga raw ng isang lalaki sa free time nito ay pakikipag-socialize, pag-e-exercise o pagre-relax na kadalasan ay sa pamamagitan ng panonood ng TV.
Ayon iyan kay Liana Sayer, isang sociologist sa University of Maryland.
Ang pahayag niya na ito ay sinuportahan ng isang survey na ginawa ng American Time Use Survey o ATUS na kung saan na-track nila na ang mga lalaki ay nanonood ng TV o movies ng nasa tatlong oras sa isang araw.
Samantalang ang mga babae naman ay nanonood ng TV ng dalawang oras at tatlumpung minuto lang kada araw.
Para sa mga batang lalaki at babae naman, napag-alaman na mas doble ang oras na iginugugol ng mga batang babae sa gawaing bahay gaya ng pagluluto, paglilinis at paghuhugas ng plato kumpara sa mga batang lalaki.
Epekto ng panonood ng telebisyon ng ama: Gender inequality sa tahanan
Ang paliwanag ng isang 2016 study sa pattern na ito ay ang gender inequity na itinuturo ng mga magulang sa kanilang anak ng hindi nila namamalayan.
Ayon kay Jill Yavorsky, isang sociologist mula sa University of North Carolina, ang mga magulang ay ginagaya ng kanilang mga anak.
Ang mga activities na ginagawa nila ay naiimpluwensiyahan sa kung anong nakikita nila sa kanilang magulang.
Para sa mga bata, ang mga magulang ang nagsisilbi nilang role model. Sila rin ang unang nagturo sa mga bata tungkol sa gender inequity. At kung ano ba dapat ang mga gawaing ginagawa ng lalaki at babae.
BASAHIN:
8 signs na addicted na ang anak mo sa gadgets
STUDY: Panonood madalas ng TV ng mga bata, stress ang dala sa mga nanay!
Ganito ang tamang paggamit ng gadget sa mga bata para sa kaniyang learning at development
Gaya nalang sa mga gawaing bahay na kung saan madalas ang mga nanay ang gumagawa na tinutulungan ng mga anak na babae.
Samantalang ang mga anak na lalaki naman ay kasama ng kanilang ama na gumagawa ng mga home improvement projects o di kaya naman ay mga leisure activities tulad ng panonood ng TV.
Ito ang sinasabing paliwanag kung bakit mas maraming batang lalaki ang mas madalas manood ng TV kaysa sa mga batang babae.
Dahil ito ang nakasanayan at kinalakihan nilang ginagawa ng ng ama ng kanilang tahanan, ayon parin kay Yavorsky.
Ang impluwensiya nga rin na ito ng mga magulang sa anak ay nadadala ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda.
Epekto ng panonood ng telebisyon sa mga bata
Dahil nga sa nakasanayan, maraming bata ang nahihilig manood ng telebisyon sa mura palang nilang edad.
Bagamat ang telebisyon ay isa sa mga epektibong paraan upang maturuan ang isang bata na matuto sa alphabet at iba pang educational topics, may masamang dulot at epekto ng panonood ng telebisyon naman ang maari rin nilang makuha o matutunan.
Ayon sa isang Canadian study, ang early exposure sa TV ng mga bata ay maaring maging banta sa kaniyang kalusugan, academic achievement at social development.
Natuklasan ng mga researcher ng naturang pag-aaral na ang isang oras na dagdag sa panonood ng TV ng isang bata na may edad na dalawa hanggang tatlong taong gulang ay mas nagpababa ng kaniyang classroom engagement, math achievements at oras para sa mga physical activity sa mga susunod na taon.
Nakakasama rin ito sa kalusugan niya dahil mas tumataas ang consumption niya ng softdrinks at junk foods habang nanonood ng TV.
Kaya naman bilang epekto ay mas nagiging mataba ang mga batang madalas na nanonood ng TV kapag sila ay tumungtong na sa gulang na sampu, ayon parin sa pag-aaral.
Ayon naman sa pediatrician na si Dr. Elana Pearl Ben-Joseph, ang mga batang nakakapanood ng violent acts sa TV ay ginagaya ito at nagpapakita ng aggressive behavior.
Epekto ng panonood ng telebisyon ni daddy? Lalaking tamad si baby! | Image from Unsplash
Dito rin nila natutunan ang mga bisyo gaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Kaya naman mahigpit na ipinapaala ni Dr. Ben-Joseph na siguraduhing magbigay ng limitasyon sa screen time ng anak.
Base naman sa guidelines ng American Academy of Pediatrics o AAP, narito ang recommended screen time ng mga bata depende sa kanilang edad.
Mga baby at toddlers na hanggang 18 buwang gulang: Walang screen time maliban nalang sa video-chatting sa mga kapamilya o kaibigan
Toddlers na 18 buwang gulang hanggang dalawang taon: Konting screen time na kasama ang magulang o caregiver
Preschoolers: Hindi lalagpas ng isang oras na screen time sa isang araw. Ito ay dapat tungkol sa educational topics na may gabay parin ng magulang at caregiver
Mga bata mula 5 to 18 taong gulang: Dapat nililimitahan ng mga magulang ang kanilang screen time sa lahat ng oras kasama na dito ang panonood ng TV, social media at video games. Hindi rin dapat nagiging dahilan ito upang hindi sila makakuha ng sapat na tulog at hindi maging physically active.
Ang kinabukasan ng iyong anak ay nakasalalay sa iyong mga kamay. Kaya naman laging isaisip na ikaw ang kaniyang role model habang siya ay lumalaki. Dapat lang na ituro at ipakita sa kaniya ang mga bagay na gagabay sa kaniya sa kaniyang maayos na paglaki.
5 parenting mistakes na nagreresulta sa tamad na anak
Narito naman ang iba pang parenting mistakes sa pagiging tamad ng bata.
1. Ginagawa mo ang task para sa anak mo kapag nahihirapan na siya
Hindi mo kailangang gawin ang task ng iyong anak kapag nahihirapan sila.
Parte ng paglaki ang mahirapan sa isang gawain. Katulad na lamang ng iyong anak. Kung nahihirapan sila sa isang chore, ‘wag maging malambot ang iyong puso at hahayaan na lang silang maglaro ng cellphone imbes na chore ang harapin. Maaari mo rin naman silang tulungan pero dapat ay may guidance ng kanilang gagawin.
Katulad na lamang kapag tapos na silang maglaro ng kanilang toys. Turuan sila na pagkatapos maglaro, dapat ay ibalik rin sa lagayan o tamang pwesto ang mga gamit na nilaro nila.
Kung nahihirapan bakit hindi mo sila i-cheer up?
2. Pagiging malambot at marupok
Mahalaga sa pagdidisiplina ang consistency lalo na kung kailangang mabago ang ugali ng iyong anak. Kung sila ay iiyak kapag pinagalitan mo o hindi nasunod ang kanilang gusto, ‘wag maging malambot at ibigay ang kanilang hinihingi. Ipaintindi sa kanila kung ano ang dahilan kung bakit mo sila dinidisiplina at hindi lahat ng kanilang gusto ay kailangang masunod.
3. Hinahayaan ang bata na walang physical activity
Makakatulong sa iyong anak na hindi lumaking tamad kung ito ay sasanayin mo sa mga pisikal na gawain. I-encourage siya na mag enroll sa mga sports sa school o sa inyong lugar. Makakatulong ito sa kanyang katawan para maging fit at magugol niya sa exercise ang kanyang free time imbes na sa gadgets.
4. Hindi tinuturuan ang bata ng gawaing bahay
Simulang bigyan ng parte ang iyong anak sa mga gawaing bahay. Katulad na lamang ng pagdidilig ng maliliit na halaman. Pwede rin ang pagliligpit ng kanyang laruan o kaya naman pag-aayos ng kanyang hinigaang kama. Ipaliwanag rin sa kanya ang kahalagahan ng kanyang ginagawa. Katulad ng makakatulong ito sa kanyang paglaki para masanay sa mga responsibilidad.
Epekto ng panonood ng telebisyon ni daddy? Lalaking tamad si baby! | Image from Unsplash
5. Unlimited ang pagbibigay ng gadgets
Sa panahon natin ngayon, hindi na talaga maiiwasan ang paggamit ng gadgets ng mga bata. Halos lahat na ng bahay ay may cellphone na kadalasang ginagamit bilang entertainment. Maaaring gumamit ng cellphone ang iyong anak ngunit limitado lamang. Ipalaro sa kanya ito kapag free time lang.
‘Wag na ‘wag ipapagamit ito kapag kumakain o oras ng pag-aaral. Mapapataas kasi nito ang tyansa na mahumaling ng todo ang anak mo sa mga gadget. At nagiging dahilan para mas unahin ito kesa sa ibang mas importanteng bagay.
Higit sa lahat, turuan siya na huwag sabay-sabay ang pag-gamit ng gadget. Hindi puwedeng gumagamit ng cellphone habang nanonood ng TV. Maging ehemplo din para sa kaniya at iwasan rin na gawin ito.
Sources:
The Atlantic, The Atlantic, WebMD, News.com.au
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!