Hair loss? 6 Best Anti-Hair Fall Shampoo Brands in the Philippines na Pwede Sa Iyo!

Para bawas stress at balik confidence, inilista namin ang 6 best anti-hair fall shampoo brands na mabibili mo dito sa Pilipinas!

Napapansin mo bang maraming nalalagas na buhok sa iyo sa tuwing ikaw ay nagsusuklay? O kaya nama'y kapag naliligo ay maraming buhok na naiiwan sa sahig? Hair loss 'yan!

Stressful talaga ang paglalagas ng buhok o iyong tinatawag na hair loss. Kaya naman para bawas stress at balik confidence, inilista namin ang 6 best anti-hair fall shampoo brands na mabibili mo online. 

Ano nga ba ang hair loss at bakit nagkakaroon nito?

Ang paglalagas ng buhok o hair loss (kilala rin bilang alopecia) ay isang disorder kung saan nagkakaroon ng interruprtion sa cycle ng hair production. Maaari nitong maapektuhan ang buong katawan mo at maaaring tumagal pansamantala o permanente. 

Bakit nga ba nagkakaroon nito? At anu-ano ang mga pangunahing dahilan?

  • Mayroon history sa pamilya o namamana - Malaking chance ng palalagas ng buhok ay kung mayroon sa pamilya ninyo nito. Kung ang iyong nanay o tatay ay nakararanas nito, maaaring magkaroon din ng posibilidad na mamana mo ang condition na ito.
  • Hormonal changes - Naaapektuhan ang buong katawan dahil sa pabago-bagong hormones at kabilang diyan ang paglagas sa buhok. 
  • Medical conditions - Mayroong mga particular na sakit o gamutan na sadyang nakapaglalagas ng buhok tulad ng chemotherapy at iba pa. 
  • Pagtanda - Kasabay ng paghina ng katawan ay ang paghina rin ng hair roots at strands sa tuwing tumatanda. Maraming matatanda ang nakararanas nito. 
  • Kung ikaw ay isang lalaki - Bagama’t lahat naman ay maaaring magkaroon ng hair loss, mas common ito sa mga lalaki. 
  • Maling paggamit ng produkto - Sangkatutak na produkto sa buhok ang sadyang delikado para sa anit. Naglalaman kasi ang iba ng matatapang na kemikal na nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok ng isang tao. 

 

6 best anti-hairfall shampoo brands in the Philippines

Kailangan very careful ka sa pagpili ng best anti-hairfall shampoo sa iyong buhok para hindi lumala ito. Narito ang top brands na maaari mong gamitin. | Larawan kuha mula sa Pexels

Maraming shampoo brands na available sa market. May mga ilan na magaganda ang packaging kaya't posibleng maattract kang bumili. Mayroon ding ilan na nangangako na magbibigay sa iyo ng iba’t ibang features at benefits, pero ano nga ba ang pinaka the effective sa kanila? Lahat ng iyon ay makikita mo dito. 

Best Anti-Hair Fall Shampoo
Mama's Choice Treatment Shampoo for Hair Loss
Buy Now
Moringa-O2 Herbal Anti-Hairfall Shampoo with Argan Oil
Best parents’ choice
Bumili sa Shopee
Dove Volume Shampoo Hair Fall Rescue+
Best shampoo with keratin tri-silk serum
BUMILI SA SHOPEE
Head & Shoulders Ultramen Anti Hairfall Anti Dandruff Shampoo
Best anti-hairfall shampoo for men
Bumili sa Lazada
Pantene Pro-V Hair Fall Control Shampoo
Best anti-hairfall shampoo for women
BUMILI SA SHOPEE
Human Nature Strengthening Plus Shampoo
Best Natural
Bumili sa Lazada

 

Mama’s Choice Treatment Shampoo for Hair Loss

 

Isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng hair fall ay ang labis na kemikal sa shampoo o iba pang hair products na ginagamit. Buti na lang at mayroong Mama's Choice Treatment Shampoo for Hair Loss na available online at maaari mong mai-add to cart agad. Gawa ang shampoo na ito sa iba't ibang natural ingredients kaya hindi mo kailangang magworry sa labis na chemical components.

Mayroon itong Kiwi na mayaman sa vitamin C at nagpapalakas lalo ng roots at tip ng buhok. Nilalaman din nito ang candlenut na clinically proven na nagnonourish ng hair growth sa pamamagitan ng pag-activate ng stem cells sa hair follicles. Hindi rin nila kinalimutan ang Green Pea na dahilan para magkaroon ng healthier na tubo ang buhok.

Isa itong paraben at SLS-free na shampoo na safe at magandang gamitin kahit pa ikaw ay buntis. Sulitin ang benefits na dala nito sa murang halaga lamang!

What we love about it:

  • Mayroong pro-vitamins, antioxidants, at lipids
  • Naaalagaan ang buhok from root to tip
  • Certified ng Swiss Vitamin Institute na effective haircare
  • Pangmatagalang gamit

 

Moringa-O2 Herbal Anti-Hairfall Shampoo with Argan Oil

Best parents’ choice

Anti-Hair Fall Shampoo: Best Brands In The Philippines Na Pwede Sa Iyo! | Moringa O2

Pinipili talaga madalas ng parents ang product na gawa sa natural ingredients o kaya naman herbal components. Kaya nga ang ating TAP Awards 2023 "Parents' Choice Anti-Hairfall Shampoo" ay ang Moringa-O2 Herbal Anti-Hairfall Shampoo with Argan Oil. Kung minsan hindi na biro talaga ang problemang kinahaharap ng isang taong nakararanas ng hair loss. Maaari itong makaapekto sa kanilang self-esteem. Salamat sa Moringa-O2 dahil nagkaroon sila ng perfect product para dito. 

Ang shampoo na ito ay itinuturing na herbal shampoo na mayroong argan oil na subok na para sa hairfall. Bukod dito mayaman din ang shampoo sa tinatawag na Nature's Powerful Multivitamins tulad ng Olive, Megan, at Moringa. Nagagawa nitong ibalik sa healthy na kundisyon ang anit para manumbalik din ang tamang production cycle ng iyong buhok. Talaga namang balik ang self-confidence mo this 2023!

What we love about it:

  • Isang herbal shampoo
  • Mayroong powerful multivitamins na mula sa kalikasan
  • Nagtataglay ng olive, megan, at moringa
  • Organic

 

Dove Anti-Hairfall Shampoo with Keratin Tri-Silk Serum

Best shampoo with keratin tri-silk serum

Anti-Hair Fall Shampoo: Best Brands In The Philippines Na Pwede Sa Iyo! | Dove

Yes, hindi lang sabon ang effective sa Dove. Mayroon din sila para sa mga taong nakararanas ng hair loss o hair fall at ito ang Dove Anti-Hairfall Shampoo with Keratin Tri-Silk Serum. Ang hair fall rescue feature nito ay maaaring makapagbigay ng soft at smooth na pakiramdam dahil na rin sa dynazinc at grapeseed extract. Nabibigyan nito ng nourishment ang roots at buong buhok para hindi na maging madali ang paglalagas. Nagagawa rin nitong i-seal ang cuticles at patibayin ang bawat hibla.

Mainam din na gamitin ito araw-araw dahil safe naman ang ingredients na kanilang ginagamit. Sa ilang araw na gamitan lamang ay mapapansin mong wala nang nalalagas na buhok sa iyong unan, shower, kuwarto at kung saan man. Worth it ang perang ipambibili sa shampoo na ito!

What we love about it:

  • Mayroong hair fall rescue na feature
  • Naisi-eal ang cuticles at pinatitibay ang bawat hibla ng buhok
  • Safe ang ingredients for everyday use
  • Mayroon ding Dove Hair Fall Rescue + Conditioner na maaaring ipartner

 

Head & Shoulders Ultra Men Anti-hairfall Shampoo

Best anti-hairfall shampoo for men

Anti-Hair Fall Shampoo: Best Brands In The Philippines Na Pwede Sa Iyo! | Head & Shoulders

Napapansin mo bang mas mabilis numipis ng buhok ang mga lalaki? Kaya naman mayroong Head and Shoulders Ultramen Anti-hairfall Shampoo na ginawa talaga para sa kanila. Ito nagtataglagay ng maatinding kakayahan para muling lumago ang iyong buhok.

Formulated ito gamit ang ginseng extracts na effective raw para palakasin ang hair roots at strands. Dahil nga kilala ang Head and Shoulders na number one para sa dandruff, mayroong din itong anti-dandruff benefits. Talagang sulit ang produktong ito dahil tmakukuha mo ang two-in-one benefits nito. Sa loob lamang ng 72 hours ay mabibigyang solusyon na nito ang matagal mo nang iniisip tungkol sa pagkalagas ng iyong buhok.

What we love about it:

  • Mayroong ginseng extracts
  • Naglalaman din ng anti-dandruff benefit
  • Mabilis na nagkakaroon ng epekto sa loob lamang ng 72 hours
  • Number one brand for anti-dandruff

 

Pantene Hairfall Control Shampoo

Best anti-hairfall shampoo for women

Anti-Hair Fall Shampoo: Best Brands In The Philippines Na Pwede Sa Iyo! | Pantene

Kung mayroong shampoo para sa mga lalaki sa aming top picks, mayroon din tayo para sa mga babae. Kaya't kung ikaw ay isa sa mga babaeng nakakaranas ng hair loss, narito ang Pantene Hairfall Control Shampoo na perfect for you. Napagtitibay nito ang buhok mula sa root hanggang tip. Mayroon kasi itong blend ng pro-vitamins  na mayroong antioxidants at lipids na talaga namang nagpoprotekta sa damage ng buhok para hindi tuluyang malagas.

Ang maganda pa sa brand na ito ay certified ito ng Swiss Vitamin Insititute. Kaya nga proven and tested talaga na hindi mapupunta sa wala ang iyong pera. Achieve na achieve ang good hair day mo dito sa shampoo na ito!

What we love about it:

  • Mayroong pro-vitamins, antioxidants, at lipids
  • Naaalagaan ang buhok from root to tip
  • Certified ng Swiss Vitamin Institute na effective haircare
  • Pangmatagalang gamit

 

Human Nature Strengthening Plus Shampoo

Best natural

Anti-Hair Fall Shampoo: Best Brands In The Philippines Na Pwede Sa Iyo! | Human Nature

Worry-free ka nga naman kung ang gamit mong shampoo ay gawa sa natural ingredients. Iwas strong chemicals na mas nakakasira ng buhok. Kaya naman pasok sa ating listahan ang Human Nature Strengthening Plus Shampoo. Hair and scalp-friendly dahil nga binubuo ito ng 98.87 % natural components.

Karagdagan, bukod sa nilalabanan nito ang hair fall ay nagpopromote ito ng hair growth nang sa gayon ay maisalba ang iyong buhok sa pagnipis. May hydrolized wheat protein ito at rosemary essential oil na bukod sa maganda para sa anit ay nakakatulong din para maging soft at shiny ang buhok.

What we love about it:

  • Made from 98.87 % natural ingredients
  • Hair and scalp-friendly
  • Prevents hair fall and strengthens hair

Price Comparison Table

Alam namin kung gaano kayo kaexcited na malaman ang presyo ng bawat shampoo sa aming recommendations. Excited din kaming i-share ito sa inyo. Kaya naman ano kaya sa mga produktong nabanggit ang sa tingin mo ay swak sa iyong budget? Check it out na iyan dito sa aming price comparison table:

Anti-hairfall shampoo brands Price
Mama’s Choice Treatment Shampoo for Hair Loss Php 399.00
Moringa-O2 Herbal Anti-Hairfall Shampoo with Argan Oil  Php 103.00 - Php 335.00
Dove Anti-Hairfall Shampoo with Keratin Tri-Silk Serum  Php 282.00
Head & Shoulders Ultramen Anti-hairfall Shampoo Php 219.00 - Php 332.00
Pantene Hairfall Control Shampoo Php 276.00 - Php 425.00
Human Nature Strengthening Plus Shampoo Php 170.00 - Php 760.00

Paano mamili ng best anti-hairfall shampoo?

Narito ang ilang guide kung paano nga ba dapat namimili ng best anti-hairfall shampoo para sa iyo! | Larawan kuha mula sa Pexels

Alam mo bang hindi lamang para sa mukha ang pag-identify ng skin types? Pwede rin ito sa anit! Maaari itong i-categorize rin sa normal, oily, dry, at sensitive. Kaya nga labis na mahalaga ang pagpili ng tamang shampoo para sa iyo. Kung nais mong gamutin ang iyong hair loss, narito ang ilan sa mga kailangan mong tandaan bago ka bumili:

  • Chemicals - Iwasang bumili ng shampoo na mayroong labis na kemikal. Mas pinalalala lamang nito ang paglalagas ng buhok at scalp irritation. 
  • Quality - Marami ang nagsasabi diyan na ang shampoo nila ay mainam para sa hair loss. Dapat lamang na pumili ng brand na subok na sa market para hindi masayang ang pagbili. 
  • Price - Hindi dapat nakakadagdag sa stress ang presyo ng iyong anti-hairfall shampoo. Pumili ng shampoo na pasok sa budget at maaaring matugunan ang iyong pangangailangan.

Have a healthy hair day everyday sa tulong ng mga anti-hair fall shampoo sa aming listahan! Pumili na agad ng iyong napupusuan at i-add to cart na!

Sinulat ni

Ange Villanueva