TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Guro, inalok ng sex ang studyante kapalit ang mataas na grado

3 min read
Guro, inalok ng sex ang studyante kapalit ang mataas na grado

Paano nga ba masisigurong ligtas ang iyong anak sa loob ng eskwelahan?

Abusadong guro, kaso ang haharapin matapos mahuli dahil sa “sex for grade” deal niya sa kaniyang minor na estudyante.

Sex for grade deal ng isang abusadong guro

Image from Freepix

Abusadong guro, nag-alok ng “sex for grade” deal sa kaniyang estudyante

Hindi mga estudyante kung hindi rehas ngayon ang kaharap ng isang abusadong guro mula sa Parian, Cebu.

Ito ay matapos madakip ng mga pulis kasama ang 17-anyos niyang lalaking estudyante sa loob ng isang lodging house sa Cebu City.

Ayon sa report, isang “sex for grade” deal umano ang inalok ng 24-anyos na lalaking guro sa kaniyang estudyante.

Kapalit ng mataas na marka ay ineganyo niya ang kaniyang estudyanteng makipagtalik sa kaniya.

Bagaman, nahuli sa loob ng isang lodging house, tinanggi naman ng guro ang nasabing paratang.

Paliwanag niya ay nasa loob lamang sila ng lodging house ng minor na estudyante para siya daw ay magpamasahe bilang pampawala ng stress.

Kwento pa niya, nang pumasok daw ang mga pulis sa loob ng lodging house ay nag-uusap lang sila umano ng kaniyang estudyante.

Ngunit, taliwas sa pahayag na ito ang kwento ng kaniyang minor na estudyante.

Inamin ng Grade 11 student sa mga pulis na mayroong nangyari sa kanila ng kaniyang abusadong guro kapalit ng matataas na grades na alok nito.

Ayon sa mga pulis, agad silang rumesponde ng makatanggap ng tawag na may isang guro at minor ang pumasok sa lodging house.

Dagdag pa ni Staff Sergeant Ada Jungao ng Women’s and Children’s Protection Desk ng Parian Police Precinct ay itinurn-over na nila ang estudyante sa kaniyang mga magulang. At dumaan ito sa isang medical check-up para mapatunayan ang nangyari sa kanila ng abusadong guro.

Sasampahan rin nila ng kaso ang abusadong guro dahil sa paglabag nito sa Republic Act 7610 o ang Child Abuse Law.

Sa ngayon ay nakakulong ang abusadong guro sa Parian Police Precinct habang patuloy ang imbestigasyon sa kaniyang kaso.

Tips para masigurong safe ang inyong anak sa eskwelahan

Para naman maiiwas ang iyong anak sa ganitong karahasan at masigurong ligtas siya sa paaralan ay narito ang ilang tips na dapat gawin ng mga magulang.

  • I-encourage silang magsalita o pag-usapan ang kanilang concern at nararamdaman sa iyo. Madalas ay nag-aalangan ang mga batang magkwento tungkol sa mga nangyayari sa kanila sa school, kaya maiging ikaw ang mag-initiate ng conversation.
  • Iparamdam sa kanila na lagi kang nandyan para tulungan silang harapin ang anumang kinatatakot nila sa loob o labas man ng eskwelahan.
  • Huwag balewalain ang mga concerns ng iyong anak tungkol sa school violence. I-validate ang kanilang feelings at iparamdam sa kanila ang iyong suporta sa lahat ng oras.
  • I-empower ang iyong anak na gumawa ng aksyon pagdating sa kaligtasan niya sa school. Ang unang hakbang dito ay ang pagrereport sa mga insidente ng bullying, threats o kahit anong banta sa kaniyang kaligtasan.
  • Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagsunod sa rules at policy ng paaralan sa iyong anak. Lalo na kung ito ay tumutukoy sa kaniyang kaligtasan.
  • Gumawa ng safety plans kasama ang iyong anak. Ipaalam sa kaniya ang mga tao sa loob ng paaralan na pwedeng niyang lapitan kung sakaling makaranas o makaramdam siya ng pagkabahala. Siguraduhin ding alam ng iyong anak kung paano ka makokontak sa ganitong mga pangyayari.
  • Maging mapagmasid sa kilos ng iyong anak upang matukoy ang indikasyon na maaring siya ay nakakaranas ng school violence.
  • Ipaalala sa iyong anak na maari siyang magsabi at magkwento sa iyo ng kaniyang concern kahit anong oras. Lalo na kung ito ay gumugulo at nagdudulot ng stress sa kaniya.

 

Sources:

Cebu Daily News, Mental Health America

 

 

 

 

 

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Guro, inalok ng sex ang studyante kapalit ang mataas na grado
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko