Masakit magsalita? 14 bagay na hindi mo dapat sinasabi sa asawa mo

Huwag magpadala sa init ng ulo at iwasang sabihin ang mga salitang ito sa asawa mo. | Photo by William Rouse on Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Advice para sa mag asawa: Narito ang mga salitang hindi dapat sinasabi sa iyong kabiyak para maiwasan ang pagkakaroon ng sama ng loob sa isa’t isa.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit kailangang maging maingat sa pakikipag-usap sa iyong asawa?
  • 14 bagay na hindi mo dapat sinasabi sa asawa mo
  • Tamang paraan ng pakikipag-usap sa iyong kabiyak

Image from Freepik

Advice para sa mag asawa

Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mag-asawa. Ayon nga sa mga relationship experts, natural lang ito at kung gagawin ng tama, isa itong paraan upang mas mapatibay ang pagsasama.

Pero minsan, may mga pagsasama ring tuluyang nasisira dahil sa mga hindi pagkakaunawaan, lalo na kung may mga masasakit na salita ng nasabi sa isa’t isa. Mga salitang hindi na mababawi at nagdulot na ng lamat sa inyong pagsasama.

Kaya naman bilang payo sa mag-asawa, mahalagang maging maingat sa mga salitang binibitawan sa bawat isa. Lagi ring iisipin ang maramdaman ng iyong kabiyak.

Para maiwasang masira ang inyong relasyon at hindi masaktan ang kalooban niya, narito ang mga salitang hindi mo dapat sinasabi sa iyong asawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mga salitang hindi dapat sinasabi sa asawa

1. “Nakakatawa ka!”

Ang mga salita tulad nito ay nagpapahiwatig na mababaw o hindi kapani-paniwala ang nararamdaman ng asawa mo. Parang sinasabi mong wala siya sa lugar at may problema sa kaniya.

Mababaw man para sa ‘yo ang pinagmulan ng inis o galit niya, may dahilan naman kung bakit nararamdaman niya ito. Kaya imbis na maliitin, pagtawanan o isawalang bahala, alamin mo kung ano ang pinagmulan nito.

Subukang ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng iyong asawa upang maintindihan ang nararamdaman niya.

2. “Wala na akong pakialam!” o “Bahala ka sa buhay mo!”

Ang pagsasabi na wala kang pakialam sa anumang ginagawa o iniisip ng iyong asawa ay palatandaan na wala ka na ring pakialam sa inyong pagsasama. Kaya hangga’t maaari ay iwasang sabihin ang mga salitang ito. Lalo na kung dala lang ito ng sitwasyon o init ng iyong ulo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa Florida-based divorce attorney na si Christian Denmon, kapag nakakaramdam ng mataas na emosyon, huminga muna ng malalim at palamigin muna ang iyong ulo. Saka isipin kung ito ba talaga ang nararamdaman mo.

Pero kung walang naging pagbabago sa nararamdaman mo matapos palipasin ang init ng sitwasyon, mabuting sumailalim na kayong mag-asawa sa counseling.

Humingi ng payo upang mas maliwanagan kayo sa nararamdaman ng isa’t isa at maayos pa ang gusot sa inyong relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

3. “Lagi ka na lang ganiyan!” o “Ni kahit kailan hindi mo man lang ako natulungan!”

Maiikli man ang mga salitang always o never, mahaba naman ang dahilan ng pinagmumulan nito. Ayon sa psychologist na si Antonio Borrelo, ang pagsasabi ng mga salitang ito sa iyong asawa ay nagpapahiwatig na sinisisi mo siya sa lahat ng nangyayari sa buhay ninyo.

Parang sinasabi mo sa pamamagitan ng mga salitang ito na wala siyang ginawang mabuti sa pagsasama ninyo at hindi mo nakikita o na-appreciate ang mga bagay na ginagawa niya para sa ‘yo.

Maaari ring maramdaman ng asawa mo na inaatake mo siya at magiging dahilan ito para maging defensive ang pakikitungo niya sa’yo.

 4. “Kung may trabaho ka lang sana, hindi tayo mahihirapan ng ganito.”

Kahit kailan, hindi mo dapat sisihin sa iyong asawa ang nangyayari sa pamilya o relasyon ninyo. Bilang mag-asawa, dapat ay nagtutulungan kayo para sa ikabubuti at ikakaayos ng inyong pamilya.

Sadyang hindi nakakatulong ang mga salitang ito at mas pinapalala lang ang sitwasyon at nagdudulot ng panibagong problema.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat ibigay mo ng buong-buo ang iyong respeto at tiwala sa iyong asawa. Dapat palakasin ang kaniyang lakas ng loob sa halip na sisihin at maliitin.

5. “No comment” o walang reaksyon

Bagama’t minsan ay paraan natin ito para maiwasan ang pagtatalo, maaari namang iba na ang ipinahihiwatig nito sa asawa mo. Dahil ang hindi pagsasalita o pagre-react sa mga sinasabi o nangyayari sa pagsasama ninyo ay tila nagsasabi rin na wala kang pakialam sa kahit anumang mangyari rito.

Hindi nito mareresolbahan o maayos ang inyong problema dahil hindi kayo magkakaroon ng pagkakataon na mag-usap at intindihin ang nararamdaman ng isa’t isa.

BASAHIN:

7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

7 bedtime routines para mas mag-grow at tumibay ang relasyon niyong mag-asawa

Bakit mas mabuti pa rin ang maikasal, ayon sa mga pag-aaral

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

6. “Maghiwalay na lang kaya tayo?!”

Bago mo banggitin ang mga salitang ito, tanungin muna ang sarili mo kung sigurado ka na ba rito.

Dahil ang pagsasabi nito sa iyong asawa ay nagpapahiwatig na ito lang ang nakikita mong paraan para matapos na ang problema ninyo, at binabalewala mo na ang lahat ng pinagsamahan niyo.

7. “Hindi ko kailangang sabihin sa ‘yo kung saan ako nagpunta!”

Bilang mag-asawa, hindi niyo naman kailangang ipaalam sa isa’t isa ang lahat ng inyong ginagawa at kung saan kayo nagpupunta sa bawat oras.

Pero kung ito naman ay tatanungin o aalamin niya, wala naman sigurong dapat maging problema dahil ikaw ay asawa niya at gusto niya lang masigurong nasa mabuti ang iyong kalagayan.

Kapag sinabi mong hindi niya dapat malaman kung saan ka nagpunta, ipinapakita lang na hindi mo siya nirerespeto bilang asawa at hindi mo siya pinagkakatiwalaan.

Bukod dito, maaaring isipin ng iyong kabiyak na mayroon kang itinatago sa kaniya.

Image from Freepik

8. “Bakit hindi mo gayahin si Ed?” o “Buti pa si Ed!”

Maaring para sa ‘yo, ito ay paraan mo para ma-encourage ang iyong asawa. Subalit para sa asawa mo, iba ang kahulugan nito.

Sapagkat ang pagkukumpara ng iyong asawa sa iba ay nagpapakita lang na hindi siya tama para sa ‘yo o minamaliit mo ang pagkatao niya. O kaya naman may ibang taong tingin mo ay mas karapat-dapat para sa ‘yo kaysa sa kaniya.

Tandaan mo, minahal mo ang iyong asawa kung sino siya at hindi mo siya dapat ikumpara o baguhin para lang maging katulad ng iba at maging karapat-dapat sa pagmamahal mo.

Imbis na tingnan ang mga bagay na hindi niya kayang gawin, mas mabuting i-appreciate na lang ang mga bagay na nagagawa niya.

Sa ganitong paraan, mas nagkakaroon siya ng tiwala sa kaniyang sarili, at mas nagiging mabuting partner o magulang sa inyong pamilya.

9. “Kaya ayaw sa ‘yo ng nanay ko kasi ganiyan ka!”

Tandaan na ang pag-aasawa ay simula ng pagbuo ng sarili mong pamilya – isang pamilya na kung saan kayong mag-asawa ang magiging pundasyon. Para tumibay ang pundasyon na iyon ay dapat magpakita kayo ng tiwala at loyalty sa isa’t isa.

Kaya bago makinig sa sinasabi ng iba, makinig muna sa iyong asawa. Tandaan na ang tao sa inyong relasyon ay dapat ikaw lang at ang iyong asawa.

Kaya naman dapat bago pumasok sa pag-aasawa ay siguraduhing handa at responsable ka na sa kahihinatnan ng iyong buhay at sa pagbuo ng iyong sariling pamilya.

10. “Iyong pamilya mo talaga …”

Laging tatandaan na kapag kinasal ka na sa iyong kabiyak, ang anumang kaniya ay nagiging iyo na rin – kasama rito ang pamilya.

Kaya sikapin na mahalin at intindihin ang iyong in-laws. Anuman ang kanilang pakikitungo sa ‘yo, huwag kang magsasalita ng masama laban sa kanila sa harap ng iyong asawa, at lagi silang kausapin o tratuhin ng may respeto.

Larawan mula sa Freepik

11. “Hindi ka ba nag-iisip?”

Ang mga salitang ito ay nakakainsulto at nakakasakit sa damdamin ng iyong asawa. Ipinahihiwatig nito na minamaliit mo ang kaniyang kakayahan o desisyon.

Ayon kay Annie Hall, isang psychologist at relationship expert, dapat maramdaman ng iyong kabiyak na ikaw ang kaniyang taga-suporta, cheerleader at biggest fan, sa halip na maging kritiko. “Unsupportive phrases will wear on your partner’s self-esteem, and ultimately, the relationship,” aniya.

12. “Anong akala mo sa ‘kin, katulong!?”

Marahil ay napapagod at naiinis ka rin minsan kung ikaw lang ang gumagawa sa bahay. Subalit maaaring makaapekto ang pahayag na ito sa pakikitungo niyo sa isa’t isa dahil parang ipinararating nito na nagbibilang ka ng mga ginagawa mo at hindi ito kusang-loob.

Paalala ni Hall, “Sarcastic comments that put your partner down will erode the relationship and are likely to leave your partner feeling frustrated.”

Kung mayroon kang gustong iparating sa iyong asawa, sabihin mo ito ng may respeto at may pagmamahal.

13. “Kung mahal mo talaga ako …”

Maaaring sinasabi mo lang ito para maglambing, subalit iba ang ipinararating nito sa iyong kabiyak. Ayon sa relationship expert na si Andrea Syrtash, ang mga ganitong pahayag ay nakakasira sa relasyon dahil parang hinihingi mong patunayan ng iyong asawa ang kaniyang pagmamahal sa ‘yo.

“You’re testing your partner when you say things like this,” ani Syrtash. “Your partner shouldn’t feel like he’s on trial to prove his love.”

14. “Sana hindi na lang kita nakilala!”

Masakit na marinig ang mga salitang ito. Sapagkat ang pagsasabi nito sa iyong asawa ay nagpapahiwatig lang na pinagsisihan mo ang lahat ng nangyari sa inyo at kung bakit pa siya dumating sa buhay mo.

Tulad ng mga naunang pahayag, maaaring dala lang ito ng galit. Kaya kung ito ang iyong naiisip ay saglit na magpahinga at mag-isip. Ito nga ba talaga ang iyong nararamdaman?

Kung oo, mabuting humingi na lang muna sa iba ng advice para sa mag-asawa. Sapagkat maaring may mga bagay lang sa pag-aasawa na hindi mo naiintindihan at makakatulong ang karanasan ng iba upang ikaw ay maliwanagan.

Higit sa lahat, makipag-usap sa iyong asawa upang mapakinggan ang panig niya at maipaintindi rin sa kaniya ang iyong nadarama.

Tips sa pakikipag-usap sa asawa

Advice para sa mag asawa. | Larawan mula sa iStock

Advice para sa mag-asawa – kung nasasabi mo ito sa iyong asawa o naririnig mo ang mga pahayag na ito mula sa kaniya, maaaring kailangan niyong ayusin ang paraan ng pakikipag-usap niyo sa isa’t isa. Napakahalaga ng komunikasyon sa mag-asawa.

Narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan kapag nakikipag-usap sa iyong kabiyak:

  • Bago magsalita, iproseso muna ang iyong nararamdaman.

Maging sa kalagitnaan ng pagtatalo, makakabuting huminto, kumalma at pag-isipang mabuti ang iyong sasabihin. Sabihin mo sa iyong asawa na kailangan mo ng oras para magpalamig ng ulo.

Sa halip na magbitaw ng mga salitang hindi mo na mababawi. Kapag kalmado na, makipag-usap ng maayos at pakinggan din ang panig ng iyong asawa.

  • “Ako” sa halip na “Ikaw”

Kapag pinupuna mo ang iyong asawa, parang tinuturo mo na siya ang may kasalanan o pagkakamali. Hindi ito makakatulong, at maaari pang magsimula ng sumbatan at sisihan.

Bakit hindi mo simulan ang sasabihin mo sa pamamagitan ng pagpaparating ng iyong nararamdaman? Sa halip na sabihing, “Nandiyan ka na naman sa cellphone mo!” o kaya, “Lagi ka na lang ganiyan,” bakit hindi mo subukang sabihing, “Alam mo, nami-miss kita kapag nakatutok ka sa telepono mo,” o kaya “Nag-aalala ako kapag hindi ka nagte-text kaagad.”

  • Subukan ang “Sandwich approach”

Isa itong paraan ng pakikipag-usap kung saan uunahin mo ang pagpuri o pagsabi ng magagandang komento sa iyong kausap.

Susundan ito ng opinyon o kung ano sa tingin mo ang nagawang mali. Pagkatapos ay babalik ka sa pagpuri at palalakasin mo ang kaniyang loob na kaya pa niya itong pagbutihan sa susunod.

  • Humingi ng tawad.

Huwag hayaang masira ng pride o pagmamataasan ang inyong pagsasama. Kung mayroon kang nasabing masakit o nagawang mali sa iyong asawa, pwede kang humingi ng tawad.

Tandaan, ang pag-aaway ng mag-asawa ay hindi isang contest – walang nanalo, at maaring pareho kayong matalo. Kaya laging pakitunguhan ng may respeto at pagmamahal ang iyong kabiyak upang maging masaya at mahaba ang inyong pagsasama.

Source:

Huffpost, Lifehack, Healthline, Reader’s Digest