AiAi delas Alas at Gerald Sibayan, nagplaplanong magka-baby via surrogacy

Pinag-iisipan at pinaplano umano ng mag-asawang sina Aiai Delas Alas at Gerald Sibayan na magkaroon ng baby sa pamamagitan ng surrogacy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

AiAi Delas Alas at asawang si Gerald Sibayan, planong magka-baby sa pamamagitan ng surrogacy.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang planong baby ni AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan
  • Ano ang surrogacy
  • Love story ni AiAi at Gerald

AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan, planong baby

Comedy Queen AiAi Delas Alas at ang non-showbiz nitong asawa na si Geralad Sibayan ay nagpaplanong magkaroon ng baby via surrogacy.

Sa isang episode ng Tunay na Buhay, ibinahagi ni AiAi na may plano na silang magka-anak ng asawa.

“May embryo na kami.” Sagot niya sa tanong na kung balak nilang magkaroon ng anak ng Host ng programa na si Pia Arcangel.

2017 pa lamang ay nakaplano na itong isailalim sa in vitro fertilization o IVF. Nang tanungin naman ng host na si Pia kung ano ang timeline nilang mag-asawa, ang sagot ni Gerald ay “this year.”

Sa The Clash interview naman ni AiAi, binanggit niya na ang mga plano niya sa buhay tulad ng pagkakaroon ng anak ay binabalak niyang mangyari sa Amerika.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ai Ai Delas Alas

“Oo. Lahat ‘yan planado na sa mga gagawin namin sa Amerika. Prayers lang and everyday na hope na lahat ito ay magiging maganda.”

Plano niya ring i-petisyon sa Amerika ang asawang si Gerald.

“Kaya lang siyempre sa totoo lang, ngayon pa lang ako talaga magiging may asawa, na ang priority ko, si Gerald. Kasi bukod sa ipe-petition ko siya, kailangan niya rin ng kasama roon sa Amerika.

Alangan nga namang nandito ako, nandoon siya. Juice ko, bakit pa kami naging mag-asawa. At saka kasi, ngayon ko lang din ako mag-full blast ng green card ko.”

Dagdag pa ni AiAi, hindi niya sasayangin ang pagkakataon na nagkaroon siya ng green card kaya bubunuin na niya ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“2015 pa kasi ang green card ko. So kung bibilangin mo noong 2020, five years na ako, dapat citizen na ako. So ngayon ko talaga siya bubunuin.

Kasi ‘di ba sayang naman ‘yong pagkakataon, binigyan ako ni Lord ng pagkakataon magkaroon ng green card tapos sasayangin ko lang. Gagawan ko siya ng paraan ngayon,”

Larawan mula sa Instagram account ni Ai Ai Delas Alas

Hindi naman sarado ang isipan ni AiAi ang pagbabalik sa Pilipinas at sa kaniyang trabaho.

“‘Yong The Clash kasi, ‘yan talaga ang parating uuwian ko in case. Kasi siyempre sa buhay natin, kagaya ni Golden (Cañedo) minsan may priority ka rin. Although babalik naman ako rito kasi ang nanay ko matanda na, so bibisitahin ko,”

AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan love story

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ai Ai Delas Alas

Pinatunayan nina Aiai delas Alas at Gerald Sibayan sa kanilang maligayang buhay mag-asawa na walang edad ang tunay na pag-ibig. 30 taon ang pagitan ng dalawa.

Ang kanilang love story ay nagsimula sa parehong interest sa badminton.

Naisa-publiko ang kanilang relasyon at umani ng iba’t ibang reaksyon at komento. Ngunit sa kabila nito ay hindi nagpatinag ang dalawa at pinili ang magmahalan.

Disyembre ng taong 2017 ay ikinasal sila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Jennylyn Mercado, may schedule na ng surrogacy implant bago malaman na buntis

Magkano ang surrogacy? Joel Cruz, ganito ang nagastos sa kaniyang 8 na anak

Ano ang gestational surrogacy? Ang lahat ng dapat mong malaman

Ano ang Surrogacy

Ang surrogacy ay isang paraan ng assisted reproduction kung saan mag-asawa na nais magka-anak ay gumagamit ng isang gestational surrogate na magdadala at mag-aalaga sa kanilang sanggol hanggang sa ipanganak.

Gumagamit ng surrogacy kung ang mag-asawa ay hindi makabuo ng baby o may seryosong kondisyon sa kalusugan na maaaring magdala ng panganib habang nagbubuntis.

Ito ay may dalawang uri – traditional surrogate and gestational surrogate.

Ang traditional surrogate ay nangyayari kung ang surrogate mother ay nabubuntis ng artipisyal na semilya ng ama. Pagtapos ay dadalhin niya ito ng siyam na buwan hanggang maipanganak.

Samantala, ang gestational surrogate o tinatawag ding in vitro fertilization (IVF) ay isang proseso kung saan kukuha ng itlog mula sa ina at ama at ilalagay ang embryo sa matris ng surrogate mother.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang embryo ay maaaring mabuo o mai-transfer sa surrogate sa pamamagitan ng:

  • Embryo na mula sa eggs at sperm ng intented parents na ililipat sa surrogate mother
  • Fertilized sperm galing sa intented father na ipa-partner sa donated eggs
  • Fertilized eggs galing sa intented mother na ipa-partner sa donated sperm
  • Donor embryo na galing sa donated eggs at sperm na kung saan ang intented parents ay hindi genetically related sa baby

Larawan mula sa Shutterstock

Sino ang sumasailalim sa surrogacy?

Narito ang ilang dahilan kung bakit sumasailalim sa surrogacy:

  • May medical problem sa uterus
  • Couple na may infertility issues
  • Same sex couple
  • Nagkaroon ka ng hysterectomy na dahilan ng pagkakatanggal ng iyong matris
  • Mapanganib magbuntis dahil sa malalang kondisyon tulad ng sakit sa puso

Saan makakahanap ng surrogate mother?

May iba’tibang paraan para makahanap ng surrogate mother. Maaaring mula sa iyong kamag-anak, kaibigan o kakilala.

Pamilya o kaibigan. Minsan maaari mong hilingin sa isang kaibigan o kamag-anak na maging surrogate. Ito ay kontrobersyal. May mga legal na issue ang lumilitaw pagtagal ng panahon tulad sa karapatan sa bata. Ngunit ito naman ay mapag-uusapan.

Surrogacy agency. Karamihan na gustong sumailalim sa surrogacy ay humahanap ng surrogate mother sa mga surrogacy agency.

Available ba sa Pilipinas ito?

Sa ngayon hindi ito legal at available sa Pilipinas. Kaya naman marami ang gumagawa nito sa ibang bansa na legal ang procedure na ito katulad na lamang sa Amerika.

Source:

WebMD, GMA

Sinulat ni

Kyla Zarate