Sa panahong ito kung saan kabi-kabila ang mga sakit na puwedeng dumapo sa inyong pamilya, mas mabuti nang maging healthy. Kaya naman ngayong lockdown, subukan ang mga iba’t ibang healthy ways para magluto ng pagkain. Isa na dyan ang paggamit ng cooking tool na air fryer. Narito ang ilang affordable at magandang klase na air fryer sa Philippines.
Air fryer Philippines
Ano nga ba ang mga benefits ng air fryer? Una sa lahat, ginagamit ang device na ito para mag-prito gamit lang ang hot air. Hindi na ito ginagamitan ng oil at sa katunayan, inaalis din nito ang oil ng mga pagkain.
Bukod sa healthy ang pagkakaluto, nagiging crispy at crunchy pa ang mga iluluto mo rito.
Pero pagdating sa mga health benefits, nakatutulong lang ito sa pagbawas ng fat content ng isang pagkain. Kung ikaw ay nagda-diet, mainam ito para sa iyo. Bukod pa rito, napipigilan din nito ang pagkakaroon ng harmful compounds ang pagkain. Na nabubuo naman dahil sa calories at fats.
Kaya kung iniisip mo nang bumili nito, tiyak na makuha mo naman ang value for money mo. Hindi ka pa kailangan na magprito nang matagal. Isasalang mo lang sa air fryer ang pagkain at magiging ready na ito sa ilang pindot lang sa device. Malaking tulong ito para sa mga mommies o daddies na busy din sa trabaho!
Cheap air fryer Philippines
Narito ang ilang brands na pasok sa budget at maganda ang quality!
Kyowa KW-3810 Air Fryer 3.0L (3,500 pesos)
Ang air fryer na ito ay puwede nang gamitin sa pag-prito, roast, toast, bake at grill! Halos lahat ng cooking needs mo ay magagawa mo na sa air fryer na ito. Bukod sa mura ito, marami rin ang mga nagsasabing durable ang klaseng ito.
Kitchen Air Fryer (2,140 pesos)
Ito naman ay para sa mga malalaking pamilya dahil malaki ang capacity ng air fryer na ito. High voltage din ito at mabilis ang air circulation kaya naman mas prito ang itsura ng pagkain pagkaluto. Ang mga gamit na materyales sa pagbuo nito ay BPA-free kaya naman safe ito para sa mga bata. Madali rin itong gamitin dahil sa mga LED indicator at mamo-monitor mo ang iyong niluluto.
HOME 2.5L Large Capacity Air Fryer Household Oil-Free Electric Fryer (2,290 pesos)
Sikat naman ang klase na ito dahil sa mga cute na colors! Siguradong matutuwa hindi lang ang mga bata kundi pati na rin si mommy! Maliit lang din ang air fryer na ito kaya naman kung kaunti lang ang space sa kusina ay siguradong swak pa rin ito.
May insulation system din ito kung saan pagkatapos mong magluto, pwede mo itong i-keep warm for 30 minutes! Naa-adjust din ang temperature nito kaya naman mas kontrol mo ang pagkakaluto ng inyong pagkain.
Xiaomi Mijia 2L 800W Onemoon Air Fryer Household Intelligent No Fumes High Capacity Electric Fryer (2,990 pesos)
Very sleek naman ang design ng air fryer na ito. Kaya para sa mga minimalist ang disenyo ng bahay, bagay na bagay ito sa inyong kusina! Bukod diyan, mayroon din itong overheating protection para hindi ma-overcook ang mga pagkain. High speed din ang air circulation nito kaya magiging crispy din ang kalalabasan ng mga iluluto niyo! Perfect ito para sa mga small families dahil mas kaunti lang ang kayang mailagay dito.
Hanabishi Air Fryer HAFRYER-70 (3,990 pesos)
Kung gusto mo naman ng mga mas kilalang brand at subok na. Ang air fryer na ito ay may 7 liter capacity at puwedeng magsalang ng hanggang 30 minutes kaya kahit malalaking klase ng ulam ay puwede rito!
3.5L Automatic Electric Air Fryer Multifunction Household Kitchen Oil Free Fryer (2,790 pesos)
Simple at durable naman ang isang ito. Madali ring linisin ang interior parts nito at ma-disinfect para sa mga parents na gustong palaging malinis ang kanilang kabahayan! Mayroon din itong intelligent timing kung saan ang mismong device na ang nagsa-suggest ng oras ng pagluto ng isang pagkain.
Midea MF-KZ18E101 Electric Air Fryer 1.8L (3,999 pesos)
Para naman sa mga stylish moms, perfect ito para sa inyo! Bukod sa cute size nito, maganda rin ang mga kulay ng air fryer na ito. Kilala rin ng brand para sa mga durable appliances kaya naman siguradong hindi sayang ang pera mo rito!
Source:
Healthline
Basahin:
25 toaster oven recipes na mura at madali lang gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!