TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sanggol nalason matapos maka-inom ng ilang patak ng baby oil

4 min read
Sanggol nalason matapos maka-inom ng ilang patak ng baby oil

Hindi akalain ng ina na baby oil ang magiging sanhi ng aksidenteng pagkalason ng bata.

Mahalaga para sa mga magulang na panatilhin ang kaligtasan ng kanilang mga anak. Kaya nga ang ibang magulang ay napakamapili sa mga produktong ginagamit ng kanilang mga anak upang makaiwas sa aksidenteng pagkalason ng bata.

Ngunit sino ba ang mag-aakala na ang simpleng baby oil ay lubha palang mapanganib para sa mga sanggol? Ito ang nalaman ng isang pamilya matapos aksidenteng makainom ng baby oil ang kanilang 19-buwang gulang na anak.

Baby oil naging dahilan ng aksidenteng pagkalason ng bata

Masayahing bata ang 19 na buwang gulang na si Graysen Ingraham. Mahilig daw itong maglaro, at palaging malikot at nakangiti. Kaya’t takang-taka ang kaniyang mga magulang nang matagpuan nilang nanghihina at parang nawawalan ng malay ang sanggol. Lingid sa kanilang kaalaman, nasa panganib na pala ang buhay ng bata.

Nagsimula ang lahat nang naligo ang ama ni Graysen na si Casey. Hindi napansin ni Casey na sinundan pala siya ni Graysen sa banyo kung saan mayroong bote ng baby oil.

Kwento ng ina ni Graysen na si JennaJoy, narinig na lang daw ni Casey na umubo ang anak na si Graysen. Pagsilip niya, nakita niya ang bata na ibinalik ang baby oil sa pinagkalagyan nito, at parang nandiri sa kaniyang natikman.

Parang gasolina raw ang naging epekto nito kay Graysen

nakainom ng alcohol si baby

Image from Freepik

Hinayaan lang ng mga magulang ni Graysen ang nangyari, at iniisip nilang tinikman lang ng bata ang kaunting baby oil. Ngunit nang makita nilang matamlay ang bata at nakaupo lang sa kanilang sofa, doon na sila naghinalang may masamang nangyari.

Ayon kay JennaJoy, sinubukan daw niyang kausapin ang anak, ngunit hindi ito sumasagot. Nahulog raw ang bata sa sahig, at nang tingnan niya ang mga mata ni Graysen, papikit-pikit ito at parang nawalan na ng malay.

Dali-daling tumawag sa poison control si JennaJoy, at sinabihan siya na dalhin agad ang anak sa ER dahil posibleng malubha ang lagay ng bata.

Hindi daw lubos akalain ng mga magulang ni Graysen na mapanganib ang baby oil. Madalas daw nila itong ginagamit sa kanilang mga anak, kaya akala nila ay ligtas ito sa mga bata.

Nalaman na lang nila na ang pag-inom daw ng baby oil sa sanggol ay katumbas ng pag-inom ng gasolina para sa mga matatanda. Nagsagawa rin ng x-ray ang ospital upang makita kung naapektuhan nito ang lungs ni Graysen, ngunit sa kabutihang palad, wala namang nakitang pinsala.

Mas mapanganib raw kasi ang baby oil kapag nalanghap at napunta sa lungs ng bata, kaysa kung nainom niya ito.

nakainom ng alcohol si baby

Image from Freepik

Inobserbahan ng mga doktor si Graysen, at nang malaman nilang walang dapat ikabahala, pinauwi na nila ang bata. Ngunit sinabihan nila ang magulang ni Graysen na obserbahan ang bata kung sakaling may kakaibang sintomas itong maramdaman.

Ngunit sa awa ng Diyos, wala naman nang naging sintomas si Graysen.

Anong gagawin kung nakainom ng alcohol si baby

Bagama’t maraming produkto ang “safe” gamitin sa mga bata, hindi nito ibig sabihin na ligtas ito kapag kanilang nainom o nakain. Kaya’t mahalaga pa rin sa mga magulang ang mag-ingat, at ilayo ang mga gamot, lason, at iba pang kemikal sa kanilang mga anak.

Heto ang ilang tips:

  • Ilayo ang mga produkto tulad ng baby oil, sabon, shampoo, etc sa iyong anak. Ilagay ito sa matataas na lugar, o kaya sa loob ng cabinet na hindi nila mabubuksan.
  • I-lock ang mga lalagyan ng mga household chemicals tulad ng bleach, muriatic acid, at drain cleaner. Siguraduhing hindi ito abot, o mabubuksan ng iyong anak.
nakainom ng alcohol si baby

Image from Freepik

  • Isara lagi ng mabuti ang takip ng mga gamot at iba pang kemikal. Ito ay upang hindi ito aksidenteng mabuksan ng mga bata.
  • Hangga’t maaari, palaging bantayan ang iyong anak upang mailayo sila sa panganib.
  • Alamin ang mga ingredients ng mga produktong iyong binibili. Kung maaari, bumili ng mga produktong safe at organic upang siguradong walang masasamang kemikal na nakahalo.

 

Source: People

Basahin: Nakaka-cancer nga ba ang baby powder?

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Sanggol nalason matapos maka-inom ng ilang patak ng baby oil
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • 8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

    8 Mahahalagang Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Meningitis at Meningococcemia

  • This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

    This Mom Couldn’t Drink Coffee While Breastfeeding—So She Built an Empire Around It

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko