Madali na ngayon ang pagkuha ng mga legal na dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (dating National Statistics Office o NSO). Ang Pambansang Opisina ng Estadístika, ay ang pinagsama-samang opisina ng National Statistics Office, National Statistical Coordination Board, Bureau of Agricultural Statistics, at Bureau of Labor and Employment Statistics. Ang pagbabagong ito ay naganap noong 2013.
Ang PSA ang ngayon ay central statistical authority na nangangasiwa sa primary data collection sa bansa. Ito ang nagpapatupad ng civil registration, kaya’t dito kumukuha ang lahat ng mamamayan ng Pilipinas ng lahat ng patunay sa pagkapanganak o Certificate of Live Birth.
Sumunod na sa digital age ang sangay na ito ng gobyerno. Pwede nang mag-online, kumuha, ipa-deliver sa bahay ang kinakailangang certificates o civil registry documents. Hindi na pipila ng madaling araw para lang makakuha ng PSA Birth Certificate. Mayron na ring hotline (02-737-1111) kung saan pwedeng tumawag para makakuha ng mga legal documents at certificates. Wala pang isang linggo, matatangap na din ito agad.
Narito ang simpleng proseso ng pagkuha ng Certificate of Live Birth at Birth Certificate, lalo na kung may bagong panganak na sanggol.
1. Lakapin ang mga medical records
Siguraduhing sama-sama at organisado ang lahat ng documento na galing sa ospital kung saan nanganak. May ibibigay na form ang ospital na kailangang punan at iablik sa Records Office ng ospital sa loob ng 24 na oras pagkapanganak. Pagkatapos ay magbibigay ng kopya ng Certificate of Live Birth ang ospital, ngunit kopya lamang ito at hindi maaaring gamitin sa kahit anong legal na requirement. Ito ay uncertified at walang stamp na Certificate of Live Birth. Makakakuha ng Certified True Copy ng Certificate of Live Birth certified (na may stamp) sa City Health Office, sa maliit na halaga lamang.
2. Ipasa ang application para sa electronic endorsement sa opisina ng PSA.
Inaabot ng hanggang 3 linggo bago makuha ang Certificate of Live Birth, at aabutin ng 6 na buwan kung hindi ma-rerequest ang electronic endorsement. Ang bayad sa endorsement ay karaniwang binibigay pagkakuha nito.
3. NSO BIRTH CERTIFICATE
Sa mga tanggapan ng PSA, prayoridad ang mga may anak na sanggol, kaya’t may express lane. Ganon din kapag elderly, buntis at PWD (Person with Disabiity). Hihingin ang ID at maghihintay ng 2 oras bago makuha ang kopya ng birth certificate.
Marami nang serbisyo na nagdedeliver ng PSA (NSO) authenticated birth certificate sa bahay mismo. Ang kabayaran ay mula P315.00 hanggang P350.00. Mas mura kapag sasadyain ang tanggapan ng lokal na PSA (NSO).
Proseso ng walk-in:
- Alamin ang pinakamalapit na PSA Serbilis center. Karaniwang malapit ito sa city hall o municipal hall sa inyong lugar.
- Agahan ang pagpunta para mauna sa pila. Magdala ng ID at kopya nito sakaling kailanganin.
- Punan ang application form at ipasa ito.
- Magbayad sa cashier.
- Hintaying sabihan kung kailan makukuha ang dokumentong hinihingi.
Proseso sa online application:
- Pumunta sa www.ecensus.com.ph/default.aspx
- Kakailanganin ng mga sumusunod na impormasyon:
Pangalan ng bata at ng mga magulang, delivery address (with zip code), telepono, email address
Ilang kopya ang kailangan, petsa at lugar ng kapanganakan, petsa ng registration, kung naparehistro ng huli o late
Purpose ng pagkuha ng CoLB
- Pagkatapos kumpletuhin ang online application, bibigya ka ng Batch Request Number at Request Reference Number na itatala sa pagbabayad. Kasama na sa fees ang processing, delivery at government taxes. Nakalagay sa website kung magkano at saang bangko pwedeng magbayad, o anong credit card ang tinatanggap online.
- Kung ipapadala sa Pilipinas lamang, ang courier service ng PSA ang magdadala ng dokumento sa loob lamang ng 3 hanggan 13 working days pagkatapos bayaran (depende sa lugar ng pagdadalhan). Kung rush ang pangangailangan ng dokumento, sadyain ang Census Serbilis Center para makuha ito sa loob lamang ng 1 hanggang 2 araw.
Kung sa ibang bansa ipapadala, ang PhilPost registered mail ang magdadala, at maaaring abuting ng 6 hanggang 8 linggo pagkabayad. May mga balisiang delivery, sa pamamagitan ng special courier services: e-Census Special Courier Service.
TANDAAN: Ang pag-issue ng CERTIFICATION OF BIRTH ay alinsunod sa confidentiality clause ng ARTICLE 7 NG THE CHILD AND YOUTH WELFARE CODE WHICH PROVIDES.
Art. 7. Nondisclosure of birth records. The records of a person’s birth shall be kept strictly confidential and no information relating thereto shall be issued except on the request of any of the following:
- The person himself, or any person authorized by him;
- His spouse, his parent or parents, his direct descendants, or the guardian or institution legally incharge of him, if he is a minor;
- The court or proper public official whenever absolutely necessary in administrative, judicial or other official proceedings to determine the identity of the child’s parents or other circumstances surrounding his birth; and
- In case of the person’s death, the nearest of kin.
Ang paglabag sa prohibisyon na ito ay maaaring makulong o magbayad ng kaukulang fines, ayon sa utos ng korte.
Source: www.ecensus.com.ph/Default.aspx
READ: Mga dapat malaman tungkol sa pagkuha ng unang passport ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!