TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

WARNING: 'Wag hayaan na mainitan ang ALCOHOL dahil baka ito ang mangyari

5 min read
WARNING: 'Wag hayaan na mainitan ang ALCOHOL dahil baka ito ang mangyari

Alamin dito ang tamang paraan ng pagtatago ng alcohol para sa kaligtasan mo at ng pamilya mo.

Naiwang bote ng alcohol sa loob ng kotse, sumabog. Dahil rito awtoridad may mahalagang paalala sa publiko.

Bote ng alcohol na naiwan sa loob ng kotse, sumabog

alcohol safe storage

Image from ABS-CBN News Facebook account

Basag ang salamin ng bintana at nagkasira-sira ang upuan. Ganito ang nangyari sa isang kotse matapos sumabog ang bote ng isopropyl alcohol na nasa loob nito. Ang hinalang dahilan ng pagsabog ay ang temperatura o init sa loob ng kotse matapos maiwan itong naka-park sa tirik ng araw sa loob ng dalawang oras.

Kuwento ng may-ari ng sasakyan at online seller na si Joyce Ann Canlas, 22-anyos, ipinark nila ng kaniyang nobyo ang kotse sa initan dahil wala silang makitang lilim sa warehouse na pinuntahan sa Cainta, Rizal. Sa loob ay naiwan umano ang bote ng alcohol na may laman sa harapang upuan ng sasakyan.

Matapos ang dalawang oras ay bumalik sila sa sasakyan at labis nilang ikinagulat ang nangyari dito.

“After two hours po nung binalikan, basag na ‘yung salamin, sira ‘yung upuan, at na-damage rin po ‘yung bubong.”

Ito ang kuwento ni Canlas sa isang panayam.

alcohol safe storage

Hinala ni Canlas at kaniyang nobyo, ang naiwang bote ng isopropyl alcohol sa loob ng sasakyan ang nagdulot nito. Sapagkat ang bote ng alcohol na naiwan sa loob ng sasakyan ay sumabog at ang matapang na amoy nito ay naiwang umaalingasaw.

“Tapos sobrang tapang po nung amoy ng alcohol sa loob ng kotse tapos basag din ‘yung bote ng alcohol kaya positive po kami na dahil talaga ‘yun sa alcohol.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Canlas.

Natutunan sa nangyaring insidente

Sa ngayon, dahil sa karanasan ay may paalala si Canlas sa mga nagmamay-ari ng sasakyan na mahilig mag-iwan ng mga bote ng alcohol sa loob nito.

“Huwag talagang kakalimutan ‘yung mga alcohol, water and soft drinks bottle sa kotse. Mas okay na po ‘yung sigurado. Ang hirap lang po kapag ‘yung tipong hindi mo sinasadyang maiwan. Kasi kahit kami, hindi namin inakalang mangyayari yung ganong bagay sa simpleng pag-iwan lang ng alcohol sa kotse.”

alcohol safe storage

Image from ABS-CBN News Facebook account

Alcohol safe storage

Samantala, dahil sa nangyari ay nagbigay paalala sa publiko ang Food and Drug Administration of the Philippines tungkol sa alcohol safe storage. Ayon sa kanila, dapat ay basahin at sundin ang mga impormasyong nakasaad sa bote ng alcohol na inyong ginagamit. Lalo na ngayong may COVID-19 at isa ito sa ginagamit nating depensa laban sa sakit. Dapat umano’y hindi inilalagay sa mga flammable condition ang mga bote ng alcohol. Makikita naman umano ang paalala na ito sa mga bote ng alcohol na nabibili o inyong ginagamit.

Ayon pa rin sa FDA, ang bote ng alcohol ay dapat mahigpit na tinatakpan at inilalagay sa lugar na hindi lalagpas ang init ng temperatura sa 30 degrees Celsius. Kung hindi, ito ang maaaring maging dahilan ng pagsabog nito.

“All alcohol bottles have a warning about flammability, so if the conditions are bad, this can happen.”

Ito ang pahayag ni FDA Director General Eric Domingo.

Paalala naman ng MSD online, isang website na nagsusulong ng chemical safety, ang mga isopropyl alcohol ay dapat ilagay sa well-ventilated na lugar sa loob ng isang closed container. Tulad ng sinabi ng FDA, dapat inilalayo sa flammable conditions tulad ng init at apoy.

“Isopropyl alcohol should be stored in a tightly closed container in a cool, dry, well-ventilated area. Due to the chemical’s extreme flammability, it must be kept away from all possible ignition sources, including heat, sparks, and flames.”

Ito ang reminder mula sa MSDS.

Hindi lang alcohol, pati mga hand sanitizers ay itabi rin sa tamang lugar.

Ayon naman kay William L. Schreiber, hindi lang alcohol ang dapat i-store ng tama. Dapat pati rin ang mga hand sanitizer na madalas nating ginagamit sa ngayon. Ito rin ay nagtataglay ng main ingredient ng alcohol na ethanol. Ang ethanol ay may mababang boiling point kaya naman mas mabilis itong uminit.

“The active ingredient in most hand sanitizers is ethanol. Ethanol has a significantly lower boiling point than water. That means it heats up to a boiling point much faster than water. It also has a lower vapor pressure than water, which means it evaporates much faster at any temperature.

Ito ang paliwanag ni Schreiber na chair ng department of chemistry and physics sa Monmouth University, New Jersey, USA.

Dagdag pa niya, kung labis na init ang mabuo sa loob ng bote ng sanitizer o alcohol ay maari itong sumabog. Tulad ng nangyari sa bote ng alcohol na naiwan sa loob ng sasakyan na tampok sa artikulong ito. Mabuti na nga lang at walang source ng apoy na malapit dito dahil kung hindi ay mas nakakatakot ang maaring nangyari.

Partner Stories
Creating an Absolute-ly Merry Christmas
Creating an Absolute-ly Merry Christmas
Benepisyo ng probiotics drinks sa bata at gaano ito ka-epektibo?
Benepisyo ng probiotics drinks sa bata at gaano ito ka-epektibo?
Your Favorite Soymilk Drink Now Comes in a New Size, Perfect for Your Little Champs
Your Favorite Soymilk Drink Now Comes in a New Size, Perfect for Your Little Champs
SELF CARE SAVES: Your Mental Health Matters
SELF CARE SAVES: Your Mental Health Matters

Kaya dapat i-praktis ang alcohol safe storage sa bawat oras. Gawin ito sa loob o labas man ng inyong bahay.

 

 

Source:

ABS-CBN News, MSD Online, Health

BASAHIN:

Ethyl alcohol, isopropyl alcohol o sanitizer: Ano ba ang epektibo?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Balita
  • /
  • WARNING: 'Wag hayaan na mainitan ang ALCOHOL dahil baka ito ang mangyari
Share:
  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

  • Beyond Milk and Toward Healing

    Beyond Milk and Toward Healing

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • 12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

    12 Bagong Haligi ng Senado: Sino ang May Puso para sa Pamilyang Pilipino?

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko