X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Mikee Morada sa isyu ng misis na si Alex Gonzaga: “Sobra naman na pati ang pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa.”

5 min read
Mikee Morada sa isyu ng misis na si Alex Gonzaga: “Sobra naman na pati ang pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa.”

Mikee sinabing aminado ang misis sa ginawang pagkakamali at humihingi na ito ng paumanhin sa waiter na nasangkot sa isyu na kinahaharap niya.

Alex Gonzaga issue na usap-usapan ngayon sa mundo ng showbizness at social media, hindi napigilang komentohan ng mister niyang si Mikee Morada.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Alex Gonzaga issue na usap-usapan ngayon sa social media
  • Mensahe ni Mikee Morada sa mga tumutuligsa sa misis niyang si Alex Gonzaga.

Alex Gonzaga issue na usap-usapan ngayon sa social media

alex gonzaga issue

Larawan mula sa Official Facebook account ni Alex Gonzaga

Hanggang ngayon ay trending sa social media ang Alex Gonzaga issue na kaugnay sa naging 35th birthday celebration ng komedyante at TV host.

Advertisement

Sa IG video ay makikitang masayang kinakantahan si Alex ng happy birthday ng kaniyang mga guest. Sinundan nito ng pag-blow ni Alex ng kandila sa cake at pagpunas niya ng icing sa noo ng waiter na may hawak-hawak ng birthday cake niya.

Makikita sa video na tila nag-iba ang mukha ng waiter sa tinuran ni Alex. Ito ay hindi nakalampas sa mata ng mga netizens. Ang simpatiya ng marami ay sa waiter na tila nabastos daw sa ginawa ng komedyante.

Ang video ay orihinal na inupload ni Dani Barretto sa kaniyang Instagram story. Pero sa parehong araw ay agad niya rin itong binura. Bagamat huli na at nakakuha na ng kopya ang ilang netizens.

Dahil sa kumakalat na video ay sari-sari ang reaksyon ng mga netizens. Lalo pa’t sinundan ito ng iba pang negatibong pahayag mula sa mga nakatrabaho umano ni Alex noon.

Mensahe ni Mikee Morada sa mga tumutuligsa sa misis niyang si Alex Gonzaga

Si Alex humingi na ng paumanhin sa waiter na nasasangkot sa issue. Naglabas na rin ng pahayag ang mga kaibigan at publicist ni Alex at kaniyang pamilya.

Ang kaniyang mister na si Mikee Morada na councilor ngayon sa Lipa, Batangas ay hindi rin napigilang mag-react sa mga komento kaugnay sa isyung kinauugnayan ng misis niya.

Base sa pahayag ni Mikee sa kaniyang Facebook account, aminado ang misis niya sa pagkakamaling nagawa. Humingi narin ito ng dispensa sa waiter na nabastos niya.

“Madami na ang nasabi tungkol sa aking misis dahil sa nangyari noong kanyang birthday celebration. Bilang asawa at head ng aming pamilya, nais ko lang sabihin na nagkamali ang aking asawa. Madaming mga rason na maari kong sabihin kung bakit niya nagawa iyon pero walang excuse sa kanyang pagkakamali. Nagkamali talaga siya. Na-recognize niya ang kanyang pagkakamali at napagdesisyonan na agad na humingi ng dispensa kay Kuya Allan.”

Ito ang bahagi ng pahayag ni Mikee tungkol sa isyung kinakaharap ng kaniyang misis.

alex gonzaga issue - alex gonzaga kasama ang waiter na si Allan

Larawan mula sa ABS-CBN News

Pagpapatuloy pa niya, ang hindi niya lang daw matanggap sa isyung kinasasangkutan ng misis niya ngayon ay ang pati ang pinagdaanan nito bilang isang babae ay nauungkat pa.

“Pero kahit na sa kanyang paghingi ng dispensa at gawin ay may masasabi pa din sa kanya. Tanggap natin yan pero bilang asawa masakit yung mga nababasa ko na sobra naman na pati ang pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa. Kahit nagkakamali ang isang tao wala pa rin tayo karapatan murahin ito.”

Ito ang sabi pa ni Mikee.

Sa dulo ng kaniyang mensahe ay ipinaramdam rin ni Mikee ang pagsuporta niya sa kaniyang misis. Ito ang kaniyang mensahe para kay Alex Gonzaga at sa issue na kinakaharap nito. Si Alex ay si Catherine Gonzaga- Morada sa tunay niyang pangalan.

“Catherine, masakit at mahirap na lesson ito pero ang mahalaga ay ginawa mo ang dapat mong gawin at inako mo ang iyong pagkakamali. Patuloy man ang mga masasabing hindi maganda patungkol sa iyo at sa atin ay nandito ako para sa iyo. Pero may awa Ang Panginoon, dadating ang oras maghihilom din ang lahat. I love you!”

Si Alex ay si Catherine Gonzaga- Morada sa tunay niyang pangalan.

Miscarriage experience ni Alex Gonzaga

Matatandaang Oktubre noong taong 2021 ng ibahagi ni Alex na siya ay nakaranas ng miscarriage. Ayon kay Alex, ang hindi inaasahang pagkawala ng kaniyang baby ay dahil sa kondisyong tinatawag na anembryonic pregnancy o blighted ovum. Sa kaso ni Alex ay mayroon daw gestational sac na natukoy sa kaniyang sinapupunan ngunit ito ay walang lamang embryo o fetus na nabuo.

“2 months ago we found out that I was pregnant and 3 weeks ago, we got a heartbreaking news that we might be having an anembryonic pregnancy (blighted ovum). Our doctor advised us to wait for the process to naturally take its course. So we had to wait for a while for the pregnancy to finally end before we can tell our story. “

“The waiting and praying tested our faith and there were a lot of crying. Everyday we were clinging on to a miracle that an embryo would still appear but last Tuesday (Oct12), the Lord’s will prevailed and we finally closed the book of our first pregnancy.”

Ito ang Instagram post ni Alex tungkol sa kaniyang naging pagbubuntis at miscarriage na naranasan.

alex gonzaga miscarriage

Larawan mula sa Instagram account ni Alex Gonzaga

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mikee Morada sa isyu ng misis na si Alex Gonzaga: “Sobra naman na pati ang pinagdaanan niya bilang babae ay naungkat pa.”
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko