Ibinahagi ng aktor na si Aljur Abrenica ang ilang mga sakripisyo niya para sa mga anak. Ayon sa kaniya, mahalaga na makasama niya ang kaniyang mga anak. Alamin ang buong kwento rito!
Mababasa sa artikulong ito:
- Aljur Abrenica sa pagiging ama
- Wala raw pinagsisihan si Aljur Abrenica sa mga trabahong tinanggihan niya
Aljur Abrenica sa pagiging ama
Nakwento ng aktor sa isang panayam ni Ervin Santiago mula sa Bandera, na noong nakaraang Father’s Day ay looking forward si Aljur na mag-celebrate at makasama ang kaniyang mga anak.
Ayon pa sa kanya, dahil sunod-sunod ang trabaho noong panahon na iyon siniguro niya na nakapaglaan siya ng quality time sa kaniyang dalawang anak.
May ilang mga offers na tinanggihan niya noon dahil makakaapekto ito sa schedule at oras ng pagsasama nilang mag-aama. Pahayag ni Aljur,
“Alas just turned six, six na si Alas pala sa August, tapos ‘yong isa ko pang anak, three years old.”
Larawan mula sa Instagram account ni Aljur
Ayaw niya malipasan ang mga years na kung saan ay makaka-bonding niya ang mga anak ng bata pa. Nasa formative years nga raw ang mga ito at isa itong important times.
Ayaw niya ma-miss ang opportunity na makasama lagi ang mga anak.
“ I don’t wanna miss the opportunity na makita sila lagi, ‘yong time ko sa kanila, so kapag may mga project na nababangga, sinasakripisyo ko ‘yong trabaho.” sabi pa ng aktor.
Wala raw pinagsisihan si Aljur Abrenica sa mga trabahong tinanggihan niya
Ayon pa sa kaniya, never naman siya magsisisi sa mga panahong tumanggi ito sa offers para makasama ang anak. Ang mga anak pa rin talaga ang priority niya hanggang mag seven ito.
“Hindi ka talaga magsisisi kapag nagbibigay ka ng panahon sa mga anak mo.” sabi ni Aljur.
Larawan mula sa Instagram account ni Aljur
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!