Sa exclusive interview ng Pikapika Showbiz proud na ikinuwento ni mommy Coleen Garcia-Crawford na kitang-kita umano na may pinagmanahan ang pagiging bibo ngunit may kahinhinang ugali ni baby Amari Crawford.
Mababasa sa artikulong ito:
- Baby Amari Crawford parang si daddy Billy sa pagiging entertainer
- Motherhood sa panahon ng pandemic challenging para kay Coleen Garcia-Crawford
Baby Amari Crawford entertainer din parang si Daddy Billy
Masayang ikinuwento ng aktres na si Coleen Garcia-Crawford na kuhang-kuha raw ng kanilang baby Amari ang ugali ni Billy Crawford na mahilig magpapansin.
Tumatawang saad ni mommy Coleen,
“Sobrang papansin siya. Gustong-gusto niya ‘yong pinapansin siya ng tao.”
Nag-e-enjoy daw si baby Amari Crawford kapag nakikitang naaaliw sa kaniya ang mga tao sa paligid. Entertainer at performer na umano si Amari Crawford sa batang edad. Mahilig din itong magpatawa tulad ng kaniyang Daddy Billy.
Kwento pa nga ni Coleen Garcia, mayroong “fake laugh” si Amari Crawford na ginagawa para mapatawa ang mommy at daddy nito.
“He always wants to make people laugh,” proud na pahayag ni Coleen Garcia.
Larawan mula sa Instagram ni Coleen Garcia-Crawford
Dagdag pa ng aktres, tuwing may ginagawa raw si Amari Crawford na alam nitong mamamangha ang mga mas nakakatanda sa kanya, tulad ng pag-akyat sa hagdan, pag-shoot ng bola sa ring, agad umanong titingin sa paligid ang bata.
Titingnan kung may nakakita sa kaniyang ginawa. Hihintayin nitong mag-react ang mga nakapanood sa ginawa at kung hindi magre-react ay uunahan na nito ng pagpalakpak ang mga tao sa paligid.
Bukod pa umano sa pagiging entertainer ay nakuha rin ni Amari Crawford ang pagiging charming ni Billy at interes nito sa pagsasayaw.
Sabi pa nga ni Coleen, kung batang-bata raw nang magsimula sa showbiz si Billy ay tila mas bata pa si Amari ay gusto na rin makisali sa entertainment industry.
Larawan mula sa Instagram ni Coleen Garcia-Crawford
Samantala, namana naman daw ni Amari Crawford ang mata at pagiging mahinhin ni Coleen. Kahit na bibo ito na parang si Billy, kuhang-kuha naman nito ang lambing ng boses ni Coleen.
“He’s very playful pero kapag umiiyak siya, hindi ‘yong masakit sa tenga. Very pleasant ‘yung voice niya,” paliwanag ni Coleen. Talagang parehong may namana si baby Amari Crawford sa ka niyang mommy at daddy.
BASAHIN:
Coleen Garcia sa pagsama kay Baby Amari sa lock-in taping: “Breastfeeding pa rin kasi ako.”
Billy Crawford posts photo of Coleen: “I want Amari to realize how much mommy sacrificed for him.”
Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”
Motherhood during pandemic challenging para kay Coleen Garcia-Crawford
Ayon kay Coleen Garcia-Crawford, malaki ang nabago sa kaniya simula nang isilang ang anak na si Amari Crawford. Nabago umano ng motherhood ang kaniyang goal at outlook sa buhay. Mas challenging din daw ang pagiging isang ina ngayong panahon ng pandemic.
“It’s very challenging, this is not how I imagined it would be,” ani Coleen.
Matatandaang ipinanganak si baby Amari Crawford sa kasagsagan ng pandemya noong September 10, 2020 sa pamamagitan ng home water birth dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.
Larawan mula sa Instagram ni Coleen Garcia-Crawford
Naantala nga raw ang mga plano at expectations ni Coleen para sa anak dahil sa pandemic. Gusto niya sanang dalhin si Amari Crawford sa iba’t ibang lugar at ipakilala nang personal sa mga kaibigan kung hindi lamang nagkaroon ng pandemic.
Nakakapraning din umano magkaroon ng baby during pandemic dahil sa usapin ng kaligtasan. Pagbabahagi niya,
“Siguro kung wala siya ngayon tapos pandemic, lumalabas pa rin ako…hindi ako ganon katakot. Pero it’s so different, the anxiety that I’ve been getting kasi ang hirap. Ang hirap talaga.”
Lahat umano ay iniisip niya para mapanatiling malusog ang anak. Pero pagdating naman sa mga kaganapan na walang kinalaman sa COVID-19, kalmadong mommy naman daw si Coleen.
Tuwing nadadapa umano si Amari Crawford, iniiwasan niyang mag-react na maaaring magdulot ng panic sa bata. Agad niya lang itatanong kung kumusta ito sa kalmadong tono.
Kwento niya pa, minsan ay nadapa si Amari habang hinahabol ang isang paru-paro. Dumugo na raw ang ilong ng bata ay kalmadong tumayo lang ito at hindi umiyak.
Larawan mula sa Instagram ni Coleen Garcia-Crawford
Natatawa ring kinwento ni Coleen sa exclusive interview ng Pikapika Showbiz na natuto siyang magluto nang maging mommy na siya.
Paliwanag niya, kapag in-order lang ang pagkain ay hindi mo matitiyak kung ano ang mga ingredients nito, baka mayroong sangkap na hindi pwede kay Amari.
“It’s important to know what’s going in our foods. With Amari syempre gusto ko the best. ‘Yong the best na ibibigay ko sa kaniya, whatever will keep him healthy,” saad ng aktres.
Kaya simula nang ipanganak si Amari ay talagang nagluluto na siya para masiguro ang kalusugan ng anak.
Dagdag pa ni Coleen, mas na-e-enjoy niya ang pagiging mommy ngayon na patakbo-takbo at makulit na si Amari kaysa noong ito ay infant pa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!