Bakit nga ba gustong-gusto ng mga mommies ang amoy ni baby?

lead image

Bakit nga ba gustong-gusto ng mga mommy ang amoy ng baby? Ayon sa siyensya, mayroon raw itong kinalaman sa pag-aaruga ng mga ina sa kanilang mga anak.

Kahit sino sigurong magulang ang iyong tatanungin, lalo na ang mga mommy, gustong-gusto nila ang amoy ng baby.

Ngunit alam niyo ba na mayroon palang explanation dito ang siyensiya? At talagang nakakagulat ang dahilan!

Bakit gustong-gusto ng mga mommy ang amoy ng baby?

Marami nang naisagawang pag-aaral tungkol sa pangyayaring ito. Sa katotohanan, mayroong pag-aaral na ginawa pa noong 1980s, at nalaman ng mga researcher na sa amoy lang ay alam ng mga mommy kung sino ang sanggol nila. Bukod dito, pati raw ang mga sanggol ay nakikilala ang kanilang mga ina, base sa amoy.

Napag-alaman rin na kapag naaamoy ng mga ina ang kanilang sanggol, tumataas ang levels ng dopamine sa kanilang katawan. Ang dopamine ay ang tinatawag na "happy hormone" na nagpapaganda ng mood ng mga tao.

Ayon sa mga researcher, ito raw ay ang paraan upang lalong mapalapit ang mga ina sa kanilang mga sanggol. Malaki ang tulong nito pagdating sa pag-aalaga ng bata, at sa breastfeeding.

Dagdag pa nila, bahagi raw ito ng evolution ng mga tao, at ang pagkakaroon ng bond ng mga sanggol at kanilang mga ina ay nagsilbing paraan upang masiguradong maaalagaan at mapoprotektahan ang mga sanggol.

Ganito rin ba sa mga ama?

Sa ngayon, wala pang nagawang malaking pag-aaral sa mga ama, at kung nakikilala ba nila ang kanilang mga sanggol gamit ang amoy. Ngunit naniniwala ang mga researchers na malaki ang posibilidad na nagbibigay rin ng dopamine sa mga ama ang pag-amoy ng kanilang mga baby.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga researcher kung ano ang mismo kemikal na nagbibigay ng ganitong reaksyon sa mga tao. Ito ay dahil mayroong humigit-kumulang na 150 chemicals ang mahahanap sa amoy ng baby, at mahirap matukoy kung alin dito ang nagbibigay ng positibong reaction sa mga tao.

Ngunit balang araw, nais raw nilang matukoy kung ano ang mga kemikal na iyon. Malaki raw ang maitutulong nito sa paggamot ng depresyon, at iba pang mental illness, ayon sa kanila.

Source: Motherly

Basahin: Tanong ni Mommy: Kailangan bang gumamit ng bigkis para kay baby?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner