Ano ang isa sa mga una mong ginawa nang napanganak ang baby mo? Malamang binuhat siya, tinignan ang maamong mukha, at dahan dahang hinalikan ang kanyang ulo. Naalala ba ang napakabangong amoy ng baby nang ginawa mo ito? Tila ang amoy ng bagong panganak ay isa sa mga pinakamasarap amuyin sa mundo kaya mapapaisip ka, “Bakit ambabango ng mga baby?”
Ano ang sikreto sa likod ng amoy ng baby?
Bakit ambabango ng mga baby?
May ilang teorya kung bakit mabango ang mga baby at kung saan ito nagmumula, at bawat isa nito ay nakakamangha.
Si George Preti, Ph.D. ay isang analytical chemist sa Monell Chemical Senses Center sa Philadelphia. Ayon sa kanya, “Isang teorya ay galing ito sa mga kemikal na nilalabas ng mga sweat glands ng baby.”
Bakit ambabango ng mga baby? | Image: file image
Sa paliwanag ni Preti, may isa pang teorya. Ang mabangong amoy na ito ay mula sa maputing waxy na gunk na tinatawag na vernix caseosa. Ang vernix caseosa ay bumabalot sa balat ng baby habang nasa sinapupunan, at may natitira nito matapos mapanganak. Kahit pa madaling natatanggal ang coating na ito, ang kakaibang amoy na ito ay maaaring kumapit nang masmatagal sa balat ng baby.
Bakit ambango ng baby: Paraan ng kalikasan protektahan sila
Si Helen Fisher, Ph.D. ay isang biological anthropologist at propessor sa Rutgers University sa New Jersey.
Ayon sa kanya: “Ang baby ay sobrang vulnerable, at kung hindi natin sila makita bilang hindi matiis, hindi natin mararamdaman ang pangangailangan na alagaan sila at sila’y mamamatay – na ikakamatay din ng sangkatauhan.”
Dinagdag din niya na: “Malalaking mata, rosy glow, at mga kurba ng taba – ang mga utak natin ay naka-set na makitang maganda ang mga katangian na ito, na nagtutulak satin para ma-attached at naising tulungan silang mabuhay.”
Ang amoy ng iyong baby ay isang paraan kung saan nag-evolve tayo para mahalin at alagaan ang mga ito.
Bakit ambabango ang mga baby? Ito ay paraan ng kalikasan para pangalagaan sila! | Image: file image
Ibinahagi rin na George Pret ang isa pang rason na nagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang amoy ng baby sa kanilang survival.
Sabi niya: “Ang amoy ay nakakatulong sa mga ina na makilala at makipag-bond sa kanilang anak. Ayon sa mga pananaliksik, kapag naamoy ng ina ang anak, nagigising ang pleasure center sa utak.”
Kaya, bukod sa paraan ng kalikasan para siguraduhin ang kanilang seguridad, paraan din ito para makipag-bond sa iyong anak.
Bakit ambabango ng mga baby: bonding kasama ang baby sa paraan ng pang-amoy
Ang kapanganakan ng iyong anak ay simula pa lamang ng maganda, at panghabang buhay na relasyon ng ina at anak. At ang parehong mga amoy ninyo ay malaki ang papel sa pagpapanatili ng masayang pagsasama.
Ito ay kung paano nakakatulong ng amoy ang bonding ng mag-ina
Bakit ambabango ang mga baby? May papel ito sa bonding ng mag-ina | Image: file image
- Mum, ang suso mo ay may kakaibang amoy. Dahil dito, nakikilala ka ng iyong baby. Halimbawa, ang amoy ng iyong suso at ng iyong baby ay nakatamo sa olfactory system memories niyo. Isa ito sa mga nagpapatibay ng mother-child bonding simula pagka-panganak. May papel din ito sa development ng iyong baby.
- Para sa ina, ang amoy ng baby ay magandang therapy sa mga may postpartum na pananakit. Bukod dito, ang iyong katawan ay nag-aantay ng cue sa susunod na physiological stage matapos manganak. Kaya, ang amoy ng iyong baby ay nagpapadala ng signal sa iyong katawan na oras na para sa release ng oxytocin para sa pag-contract ng uterus.
Tips sa pagbonding ng mag-ina gamit ang pang-amoy
Moms, sa ngayon ay alam na kung gaano ka-importante ang bonding sa anak sa pamamagitan ng pang-amoy. Kaya, tandaan ang mga simpleng bagay na ito para mataguyod ang koneksyon sa iyong anak.
Bakit ambabango ang mga baby: bonding tips | Image: file image
- Siguraduhin na naiintindihan ng mga caregiver ang halaga ng pag-preserve ng paraan ng bonding na ito. Dapat nilang i-ienable ang tahimik, kalmado, at mapayapang kapaligiran para sa iyo at iyong baby.
- Dapat hawakan ang baby nang pinakamatagal na posible matapos ipanganak. Kasabay nito, minimal lang dapat ang paghawak sa kanya ng ibang tao.
- Ang pagsusuot ng takip sa ulo ng iyong anak ay maaaring makasagabal sa proseso ng bonding. Kaya, iwasan kung maaari.
- Magbigay ng sapat na oras para sa skin-to-skin ninyo ng iyong baby. Itaguyod ang oras na ito para sa breastfeeding.
- I-postpone ang unang pagligo ng baby hangga’t maaari. Maaaring matanggal ng pagligo ang kanyang natural na amoy.
Sources: Women’s Health, Attachment Parenting
Basahin: 10 Weird and wacky facts about your newborn baby