Pwede ba ang ampalaya sa buntis? Ito ang sagot ng experts

Nakakabuti ba ang ampalaya sa buntis? Ano ano nga ba ang epekto, risks, at benefits sa pagkain nito habang nagbubuntis?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming mommies ang paniguradong curious at nagtatanong kung ano nga ba ang dulot ng ampalaya sa buntis? Ito ba ay may health benefits o makakasama ba ito sa baby sa kanilang tiyan o sa kanilang kalusugan?

Sa artikulong ito, tatalakayin natin kung pwede ba ang ampalaya sa buntis, mga epekto, benefits, risks, na dapat ninyong malaman.

Imahe mula sa | Photo by Lars H Knudsen

Ang ampalaya, o sa ingles ay maaaring tawaging bitter gourd, bitter melon, bitter apple, bitter squash, na kinaaayawan marahin dahil sa lasa nitong mapait. Tumutubo ang ampalaya o Momordica charantia sa kalakhan ng Africa, Asya, at maging sa Carribean regions.

Maliban sa hindi kaaya-ayang lasa ng ampalaya, maituturing naman itong isa sa mga pangunahing nasa hapag-kainan ng mga Pinoy. Kahit saan ka tumingin sa palengke, ay napaka-staple ng ampalaya.

Sa lutuing Pilipino, hindi rin mawawala ang ampalaya. Ginagamit din ang ampalaya bilang ingredient sa mga food supplement, at kahit sa shake bilang flavor nito. Itinuturing ding gamot ang ampalaya dahil sa mga benepisyo na meron ito.

Kaya sa mga buntis na mommies, alamin natin dito kung ano nga ba ang benefits at epekto ng pagkain ng ampalaya sa buntis.

Ano ang benefits ng ampalaya sa buntis?

Bagaman sobrang pait para sa iba ng ampalaya, narito ang mga benepisyo na maaaring makuha dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Benefits ng ampalaya sa katawan ng tao

Ang ampalaya ay source iba’t ibang mahahalagang nutrisiyon sa katawan.

Nagbibigay ang one cup (94 grams) ng hilaw na ampalaya ng mga sumusunod na benefits:

  • Calories
  • Carbohydrates
  • Fiber
  • Vitamin C
  • Vitamin A
  • Folate
  • Potassium
  • Zinc
  • Iron

Mayaman ang ampalaya sa Vitamin C, isa sa mahahalagang micronutrient na makakaiwas sa anomang sakit. Tumutulong din ito sa bone formation at sa mabilis na paghilom ng mga sugat.

Meron din itong vitamin A, isang bitaminang fat-soluble na nagpo-promote ng skin health at pagpapatalas ng paningin. Nagbibigay din ang ampalaya ng folate, na esensyal para sa paglaki at development, at nagtataglay din ng maliit na porsiyento ng potassium, zinc at iron.

Dagdag pa, mayaman din ang ampalaya sa catechin, gallic acid, epicatechin, at chlorogenic acid. Ito ang mga powerful antioxidant compounds na tumutulong sa iyong cells sa katawan mula sa anomang damage.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

At, mababa ito sa calories pero mayaman naman sa fiber. Ang isang cup ng hilaw na ampalaya ay sapat na para sa daily needs na fiber sa katawan ng tao.

Benefits ng ampalaya sa buntis

Masayang moment para sa mga moms ang kanilang pagbubuntis. Pero, panahon din ito para maging maingat sa kalusugan nila at ng baby.

Dito ngayon pumapasok ang maraming katanungan at pag-aalinlangan sa kung ano ang nababagay at tamang nutrisyon para kay baby. Titiyakin natin ngayon kung ano nga ba ang benefits ng ampalaya sa buntis.

Bagaman napakaraming benepisyo ng ampalaya sa katawan ng tao, maaaring isa ito sa mga pagkain na threat para sa kalusugan ng buntis. Tulad ng pagkain ng hilaw na papaya, isang malaking tanong pa rin ang benefits at epekto ng ampalaya sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Narito ang ilan sa mga benefits ng ampalaya sa nagbubuntis:

Imahe mula sa | pexels.com

1. Mayaman sa folate ang ampalaya

Vital na nutrient ang folate sa buntis. Ang mineral na ito ay tumutulong na maging safe ang baby sa tiyan mula sa posibleng defects ng neural tubes. Mayaman sa folate ang ampalaya. Nagtataglay ito ng isang quarter na daily requirement ng folate sa katawan ng buntis.

2. May mataas na fiber content

Ang gulay na ampalaya ay nagtataglay ng mataas na fiber content. Dahil dito, maaaring makaramdam ka ng pagkabusog at satifisfaction sa pagkain nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinananatili nito na makaiwas sa pagkain at pag-crave ng mga pagkaing may mataas na calorie content at junk foods. Nakakatulong ito para manatiling slim ang katawan ng nagbubuntis.

3. Nakakatulong sa pag-iwas sa digestive tract disorder

Kalimitan sa mga buntis ay nakakaranas ng kumplikasyon tulad ng constipation at hemorrhoids. Dahil sa taglay na fiber content ng ampalaya, naiiwasan nito ang mga ganitong digestive tract disorder sa buntis.

4. Pang-iwas din sa diabetes

Kilala ang ampalaya bilang mahalagang sangkap ng mga food supplement at gamot para makaiwas sa diabetes. Batay sa mga pag-aaral, inirerekomenda para sa nutrisyon ng tao ang pagkain nito araw-araw.

Ang mga nutrients tulad ng charantin at polypeptide-P ay importante rin upang malabanan ang gestational diabetes kapag nagbubuntis.

5. Antioxidant at anti-bacterial ang ampalaya

Taglay ng ampalaya ang malaking source ng vitamin C na isang antioxidant. Dahil dito, nakakatulong ang ampalaya sa buntis na malaban ang anomang klase ng bacteria.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Meron din itong antibacterial na katangian na susi para sa pag-iwas sa impeksyon sanhi ng bacteria tulad ng Staphylococcus at candida abicans. Ang mga bacteria na ito ay maaaring makapagdulot ng problema sa balat.

Importante para sa nagbubuntis ang ampalaya sa pagbuo ng immunity.

6. Regular na pagbabawas o pagdumi

Nakakatulong ang ampalaya sa pag-promote ng peristalsis. Ito ay makatulong para ma-regulate ang pagbabawas o bowel movement at sa digestion ng buntis.

Ngunit, ayon sa Style Craze, kinakailangan pa rin ng maraming pag-aaral para sa benefits na ito ng ampalaya sa nagbubuntis.

7.  Malaking source ng nutrisiyon na kailangan ng fetus

Ang ampalaya ay nagtataglay ng mga nutrients, bitamina, at minerals tulad ng iron, potassium, niacin, zinc, pyridoxine, magnesium at marami pa. Ginagampan ng ampalaya ang super vegetable role na key component sa growth ng fetus.

8. Nagtataglay ng iba pang nutrients

Meron din ang ampalaya ng ibang mga bitamina at minerals gaya ng riboflavin, thiamine, Vitamin B1, B2, B3 at iba pa. Mayaman din sa calcium at beta carotine ang gulay na ito.

 

Imahe mula sa | pexels.com

Pwede ba ang ampalaya sa buntis?

Marami mang natalakay na benefits ang ampalaya sa buntis ay meron din itong risks at epekto sa buntis. Nagiging tanong din sa iba kung pwede ba ang ampalaya sa buntis.

Sa ibang pag-aaral, gaya ng review ng The Health Site, inirerekomenda ng ibang eksperto ang pag-iwas ng buntis sa ampalaya.

Narito ang mga dahilan at mga epekto para masagot ang tanong kung pwede ba sa buntis ang ampalaya.

Pwede ba sa buntis ang ampalaya?

May mga epekto at risks din ang kaakibat ng pagkain ng ampalaya habang nagbubuntis.

Pwede ba sa buntis ang ampalaya? Hindi, dahil sa mga sumusunod na dahilan at epekto:

  • Nagtataglay din ang ampalaya ng mga kemikal na maaaring mag-trigger ng menstrual bleeding. Maaring magdulot ito ng abortion ng fetus. Nagiging harmful din ito para sa baby.
  • Nagdudulot ng favism ang molecule vicine na meron ang ampalaya. Ang favism ay ang pagkasira ng mga red blood cells na nagdadala ng oxygen sa mga tissue sa katawan. Maaari itong maging sanhi ng anemia, at magiging dahilan pa ng mga komplikasyon sa pagbubuntis. Ang epekto ng malalang kaso ng anemia habang nagbubuntis ay premature birth, lower birth weight, o pagkamatay ng baby.
  • Batay sa ibang pagsasalik ng mga eksperto, nagiging dahilan ang pagkain ng ampalaya ng stomach ache, indigestion, at diarrhea sa buntis. Samantala, batay sa pag-aaral, ang pag-inom naman ng ampalaya juice ng buntis ay nag-iinduce ng contraction at pagdurugo. Posible itong magdulot ng pagkalaglag at abortion.

Iba pang epekto at risk ng ampalaya sa buntis

Ang sobrang pagkain ng ampalaya habang nagbubuntis ay maaaring makasama sa kalusugan ni mommy at ni baby. Pinapapababa ng araw-araw na pagkain ng ampalaya ang blood sugar ng todo.

Dahon ng ampalaya sa buntis, pwede rin ba?

Tulad ng ampalaya, ang dahon ng ampalaya ay nagtataglay din ng nutrients na meron ang gulay na ito. Bagaman wala pang masyadong pag-aaral hinggil sa epekto ng dahon ng ampalaya sa nagbubuntis, mas makabubuti rin ang paminsan-minsang pagkain nito.

Mahalagang isangguni pa rin sa inyong OB-Gyne o doktor ang epekto ng ampalaya sa pagbubuntis. Maaaring masagot ang inyong katanungan kung pwede sa nagbubuntis ang ampalaya at gaano karami ang pwedeng kainin nito.

Maging safe lagi sa kinakain mga mommies!

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Nathanielle Torre