Ayon sa pag-aaral, may mga beauty products na bawal sa buntis at mahalagang iwasan na muna ang paggamit nito. Sapagkat may long-lasting effect ito sa brain development ni baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto sa sanggol ng paggamit ng mga bawal sa buntis na beauty products partikular na ang nagtataglay ng phthalates.
- Anu-ano ang mga beauty products na nagtataglay ng phthalates.
Mga bawal sa buntis na beauty products
Ayon sa isang pag-aaral, mahalagang iwasan na muna ng mga buntis ang mga beauty products na nagtataglay ng mga ingredients na maaring makasama sa kanilang sanggol.
Sapagkat ang epekto umano nito ay maaaring maging long-lasting o pang-matagalan na dadalhin ng kanilang baby. Tulad na lamang halimbawa ng mga beauty products na nagtataglay ng ingredient na kung tawagin ay phthalates.
Photo by lucas mendes from Pexels
Ano ang phthalates?
Ayon sa CDC, ang phthalates ay grupo ng kemikal na ginagamit para gawing mas durable ang mga plastic. Kaya naman ito ay tinatawag na plasticizers.
Ginagamit na sangkap ito sa mga paggawa ng maraming produkto tulad ng vinyl flooring, detergents, food packaging pati na mga beauty products. Ilan nga sa mga beauty products na nagtataglay nito ay ang sumusunod:
- Nail polish
- Hair sprays
- Aftershave lotions
- Soaps
- Shampoos
- Perfumes
- Color cosmetics
- Fragranced lotions
- Body wash
- Sanitary pads
Maliban sa pangalan nitong phthalates, ang kemikal na ito ay kilala rin sa iba pang tawag. Ang mga ito ay ang dapat tingnan sa label ng inyong bibilhing produkto para makaiwas sa masamang epekto na maaring maidulot nito.
Lalo na sa mga babaeng buntis at nagpapasusong ina na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng mga produktong nagtataglay nito.
Ang iba pang pangalan ng phthalates na maaring makita sa label ng produktong iyong gagamitin ay ang sumusunod:
STUDY: May masamang epekto sa buntis ang pagkaka-expose sa phthalates
Ayon sa isang bagong pag-aaral na nailathala sa journal na Neurotoxicology, ang exposure ng isang buntis sa phthalates ay may masamang epekto sa normal hormone function at cognitive development ng kaniyang dinadalang sanggol.
Ito ay napatunayan ng pag-aaral sa pamamagitan ng isang experiment na kung saan may 244 infants’ o sanggol ang nag-participate. Sila ay may edad na 7.5 months old.
Pero bago pa man ang isinagawang eksperimento ay una ng kinukunan ng urine samples ang mga ina ng sanggol noong sila ay ipinagbubuntis palang ng mga ito.
Ito ay bilang bahagi ng mas malaking pag-aaral tungkol sa physical at behavioral development ng mga sanggol. Kung paano ito naapektuhan ng hormone-disrupting chemicals tulad nalang ng phthalates.
Pagsasagawa ng pag-aaral
Image from Illinois News Bureau
Sa pagsasagawa ng eksperimento ay gumamit ng infrared eye-tracker ang mga researchers upang makita ang pagbabago ng mata ng sanggol sa oras na makakita ng unfamiliar na mukha o bagay.
Sapagkat ayon sa mga researcher, para sa mga sanggol na hindi pa marunong magsalita ang pagtingin ng isang sanggol sa isang bagay ay ang paraan niya ng pag-iexpress ng kaniyang sarili. Mapapansin nga ito sa pagtingin ng sanggol ng mas matagal sa mga bagay o mukha na hindi sila pamilyar.
Kaya naman habang hawak ang sanggol ng isang caregiver sa kandungan nito ay unang naglabas ng dalawang identical images ng mukha ang mga researcher para ma-familiarized ang sanggol.
Matapos maging pamilyar ang sanggol ay saka naman uli sila naglabas ng parehong mukha na ipinares naman sa isang unfamiliar o kaibang imahe. Dito na nga na-assess ng mga researchers, kung gaano katagal inalyze ng bawat sanggol ang bagong mukha na nakita nila.
Resulta ng ginawang pag-aaral
Base sa ginawang eksperimento, natuklasan ng mga researchers na mas mabagal ang information processing ng mga sanggol na may inang na-expose sa phthalates noong ipinagbubuntis palang sila. Mas napansin nga nila ito sa mga sanggol na lalaki kumpara sa mga babae.
BASAHIN:
Pregnant? No need to fret! Here are 5 beauty products for pregnant women
#AskDok: 7 beauty treatments at products na bawal sa buntis
20 beauty products na bawal sa breastfeeding mom
Iba pang epekto ng phthalate exposure sa isang sanggol o bata
Samantala, maliban sa nabanggit na pag-aaral, maraming pag-aaral narin ang nakapagsabi ng iba pang epekto ng pagkaka-expose sa phthalates ng isang sanggol.
Sa katunayan, ang kemikal na ito ay naka-banned na sa European Union. Sapagkat ang naturang kemikal na natuklasang ay maaaring magdulot ng endocrine disruption, developmental at reproductive toxicity pati na cancer.
Maraming pag-aaral na rin ang nakapagsabi na ang exposure ng isang bata sa phthalate ay nagpapataas ng tiyansa niyang makaranas ng allergic disease.
Pati na pamamaga sa daluyan niya ng hangin. Ito rin ay maraming beses ng napatunayang maaaring magdulot ng abnormal genital at behavioral development sa isang ipinagbubuntis na sanggol.
Pinapataas din umano ng phthalates exposure ang tiyansa ng isang buntis na makaranas ng miscarriage at gestational diabetes. Ito ay ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ng Harvard University.
Dapat tandaan
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Para makaiwas sa masamang epekto ng phthalates ang isang sanggol, mabuting basahin ng isang buntis o ina ang label ng mga beauty products na ginagamit niya. Sa oras na makita ang mga phthalates sa lista ng mga ingredients ay huwag na itong gamitin. Tandaan na ito rin ay maaring itinatago sa ingredients sa pangalang DEP, DBP, DEHP at fragrance.
Source:
The Guardian, Science Daily, CDC, Safe Cosmetics
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!