REAL STORIES: "Lumalala ang meltdowns, self-harming at pananakit ng anak ko—senyales na pala ito ng autism"

"Hinding-hindi ako titigil sa pagiging NANAY sa anak ko, hangga't kaya ko. Hangga't kailangan ako ng anak ko."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Five years old na ang panganay namin nang pinagkalooban kami ulit ng pangalawang anak ng aking asawa, iyon si Henry. Nang dumating si Henry sa buhay namin parang mas naging magaan ang buhay namin at financial status namin. “Suwerte” kung tawagin ng iba. Dahil noon kasi hirap na hirap kami, madalas na walang-wala kami, minsan mayroon pero minsan lang talaga.

Wala namang naging kakaiba sa bunso ko noon, actually napaka-healthy niyang bata at sa awa ng Diyos madalang lang siyang magkasakit.

“Lumalala ang meltdowns, self-harming at pananakit ng anak ko—senyales na pala ito ng autism”

Late siyang nakalakad, almost 2 years old na siya nang mag-umpisa siyang humakbang. Hindi lang sa iisa o dalawang pedia namin siya pinatignan dahil sa pangamba naming mag-asawa na baka hindi siya makalakad. Pero iisa lang naman ang sinabi ng doktor, normal at walang problema sa kaniya.

Nang mag-umpisang maglakad si Henry ang saya namin, lalong-lalo na ako. Pero habang lumalaki siya, may napapansin ako sa anak. Parang may kakaiba sa anak ko.

Hindi siya tumitingin kapag tinatawag namin siya sa pangalan niya, na parang hindi tama para sa isang 2 years old mahigit. Hindi rin siya nakikipag-usap sa amin, walang eye to eye contact.

May mga ibang paraaan siya ng paglalaro katulad ng paglilinya-linya ng mga laruan at pagkatapos tinitignan niya lang, madali lang mairita, mainis, magalit, minsan nananakit at ang pinaka ipinag alala namin ay ang self harming nya.

Gusto ko na siya noong patignan sa isang Developmental Pediatrician pero sabi ng asawa ko ‘wag daw. Kasi baka ganito, baka ganyan, may mga pagkakataon na, “oo” sumasang-ayon ako sa kaniya. Pero alam ko na talagang may iba sa anak ko.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kumpara sa ibang mga bata na ka-edad nya. Lumipas ang mga araw mas lumala ang mga meltdowns niya, na akala namin noon tantrums lang, iyong self harming, pananakit. Madalas akong magka-black eye dahil malakas na siyang sumuntok at minsan ‘di ako nakakailag.

May autism ang anak ko

Halos gabi gabi umiiyak ako, hindi lang dahil sa masakit na suntok niya, o sipa, pero higit sa lahat dahil doon sa sakit na galing sa puso ko.

Larawan mula sa Shutterstock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Minsan tinatanong ko ang sarili ko, masama ba akong nanay? Mapagpabaya? May nagawa bako o hindi nagawa? Minsan ‘pag nananalangin ako, naitatanong ko sa Diyos,

“Panginoon bakit po iba si Henry? Bakit po sa akin? Sa amin?”

Para makasiguro kami at mapanatag mag-asawa pinatignan namin siya sa developmental pediatrician, bago ang kaniyang 4th birthday nalaman namin na ang anak ko, namin ay may autism disorder level 3.

Hindi na ako nagulat, kasi alam ko na, hinanda ko na ang sarili ko. Noong naroroon pa kami sa ospital okay pa ako, kausap ang doktor. Pero nang umuwi kami, doon pa lang bumalik sa akin ang lahat. Naalala ko lahat ng sinabi ng doktor, parang doon nag-sink in sa akin. Sabi nang doktor,

“He has autism disorder, a long life condition, No Cure.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

REAL STORIES: “Hilig ng anak kong ilinya ang mga laruan niya—senyales na pala ‘yon ng autism”

6 notes kung paano alagaan at palakihin ang batang may autism

5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan

Mahirap tanggapin na ang anak ko ay may autism

Ang bigat, ang hirap pala tanggapin kaagad. Kaya pala, sabi ko iba ang anak ko. Walang gamot, kasi hindi siya sakit. Hindi katulad ng lagnat o ubo, sipon na may gamot, iyong anak ko walang gamot sa kundisyon niya!

Napakabigat ng bawat araw noon para sa akin, lalo na nung nag-umpisa sa therapy si Henry. Palagi siyang umiiyak, nagwawala, dahil sa malaking adjustment sa buhay niya. Ang sakit-sakit kasi kapag naririnig ko siyang umiiyak, alam ko hirap siya, frustrated, bago sa kaniya ang lahat.

Halos mawalan ako ng pag-asa at tiwala sa sarili ko bilang isang Nanay. Pero nakalimutan ko, nandiyan pala ang pamilya ko, mga kaibigan, mga kapatid sa Iglesia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lal0ng-lalo na ang Diyos na siyang may alam ng lahat. Napakinggan ko ang aral tungkol sa pagkakaroon ng anak na mayroong special needs, at naisip ko.

Maling-mali pala ako, maling-mali. Naisip ko napakapalad ko pala at naging Nanay ako ni Henry, napakapalad pala ng pamilya namin at mayroon kaming HENRY.

Si henry ang pag-asa sa puso namin habang nandito kami at mas natuto kaming magtiwala sa Diyos at manalig sa kaniya. Sa ngayon, tuloy pa rin ang OT ng anak ko, at inihahanda namin suya sa panibagong hamon.

Kahit papaano ay makasabay siya sa iba, sa mabilis at mapanghusgang mundo. Alam namin na ginagabayan at sinasamahan kami ng Diyos palagi.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

Kaya hinding-hindi namin susukuan ang anak ko kay may autism siya, at hinding-hindi ako titigil sa pagiging NANAY sa anak ko, hangga’t kaya ko. Hangga’t kailangan ako ng anak ko. Maraming salamat sa pagbabasa.

Sinulat ni

Mhaan Breva