Philmar noong nagsisimula ang relasyon nila ni Andi: “Hindi tayo bagay. People don’t like us to be together because taga-isla lang ako.”

Andi at Philmar aminadong mas lumalala ang hindi nila pagkakaintindihan dahil sa language barrier.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann at Philmar Alipayo ikinuwento kung paano nagsimula ang love story nila. Philmar aminadong noong una ay hindi sila bagay ni Andi sa isa’t isa.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Paano nagsimula ang love story nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.
  • Mga realizations ni Andi at Philmar sa kanilang relasyon.

Paano nagsimula ang love story nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo

Ito ang isa sa mga unang tanong na sinagot nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa kanilang latest vlog episode.

Kuwento ni Phimar at Andi, ang surfing ang naging daan para magsimula ang love story nila. Mula man sa magkaibigan mundo, ito ang naging koneksyon para makilala at mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

Ayon kay Andi, sila ay nagkakilala ni Philmar ng magbakasyon siya sa Siargao. Pumunta siya sa isang competition kung saan nanalo si Philmar at bilang fan ng surfer ay nag-request na magpa-picture silang dalawa.

“I came to Siargao for vacation and we were invited to go to the boulevard kung saan inaawardan si Philmar sa isang competition.”

“He gave me a shot. He gave me a tequila shot tapos I make pa-picture. Ako nagpa-picture ako kasi fan talaga kami ng mga friends ko, we love surfing as a sport. From then on, naging friends na kami like commenting on the Instagram.”

Ito umano ang unang encounter ni Andi at Philmar sa isa’t isa. Si Philmar sinabing hindi niya alam na aktres si Andi ng ito ay kaniyang makilala. Pero si Andi aminadong fan siya ng surfing at iniidolo talaga si Philmar.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mula ng sila ay maipapakilala sa isa’t isa ng isang common friend ay naging madalas na ang pagsasama nila. Nagsimula nga raw ang love story nila habang sila ay tumatambay sa isang bridge habang nanonood ng sunset.

Matapos ang hanging out session nilang iyon ay nagsimula na nilang maramdaman na mayroong espesyal silang pagtitinginan sa isa’t isa. Doon din nalaman ni Philmar na si Andi ay isa pa lang artista.

“When I came back home my mom said someone is looking for you, an actor friend but I didn’t know who. Then it was her”, kuwento ni Philmar.

“Philmar knew my name is Andi that I have love of followers in Instagram but he wasn’t exactly sure what I did like he never saw me on TV.”

Ito ang sabi naman ni Andi. Ito rin umano ang dahilan kung bakit nagustuhan niya si Philmar at kung bakit mas lalong nahulog ang loob niya dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I feel like that’s what makes me more comfortable with Philmar because it was just like only getting to know him. It’s the same because he knows nothing about me. I have to share everything.”

Ito ang kuwento naman ni Andi.

Image from Andi Eigenmann’s Instagram account

Signs na nasabi nilang mahal nila ang isa’t isa

Saglit man silang nahiwalay sa isa’t isa ng umuwi na si Andi sa Maynila. Mas naging close umano sila ng magpunta si Philmar sa Maynila. Si Philmar kasi noon ay kinailangang magpunta sa Zambales para mag-training at mag-coach ng mga surfers doon.

Si Andi sinamahan siya. Mula noon ang kanilang pagkakaibigan ay nauwi sa pag-iibigan. Mas nahulog pa nga raw ang loob ni Andi kay Philmar noong nakita nito kung paano pakitunguhan ng surfer ang anak niyang si Ellie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“I came along and obviously our relationship got stronger. But for me I really knew that there’s a future because of his relationship with Ellie.

For me he is a friend already I didn’t overthink introducing them. Philmar is really good with kids,” sabi ni Andi.

Si Philmar ganito kung paano na-realize na mahal niya na si Andi.

“First na naghiwalay tayo then I realized that I’m happy with you na masaya ako na pinapasaya ka. Then ayun na I think it’s love”, sabi naman ni Philmar.

BASAHIN:

Andi Eigenmann on fiance Philmar: “It is very sad that he is being accused of stealing donations”

LOOK: Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, engaged na!

5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata

Philmar sinabihan umanong hindi siya bagay kay Andi

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Andi Eigenmann’s Instagram account

Pero hindi naging madali noong una ang pagmamahalan nila. Dahil umano ito sa mga nagsasabing hindi sila bagay sa isa’t-isa.

“He also said to me na hindi tayo bagay. In the beginning sabi niya people don’t like us to be together because taga-isla lang ako.”

Kuwento pa ni Andi, pero lagi niya raw ipinapaintindi kay Philmar na hindi ito totoo. At hindi dapat maging hadlang sa relasyon nila.

Tulad ng ibang couple siyempre may mga hindi pagkakaintindihan rin sina Andi at Philmar. Pero mababaw lang umano madalas ang dahilan nito. Lumalala pa lang pinabayaan nila at hindi pinag-usapan.

“Mababaw lang talaga ‘yong reason kaso lumalala kasi we don’t know how to handle each other when we were fighting. Parang its gets worse and worse instead of getting fix right away.”

Si Philmar umano kasi ay hindi mahilig magsalita ng kung ano-ano. Sa tuwing may hindi sila pinagkakasunduan ni Andi ay mas pinipili nitong umalis at pumunta sa mga lugar na kung saan mare-release niya ang kaniyang naramdaman.

Paano nag-aaway at nagbabati sina Andi at Philmar

Ayon kay Andi, sinubukan niya namang umanong makipag-communicate kay Philmar para ayusin ang mga problema nila agad. Pero dahil masyado siyang madaldal at mabilis magsalita imbis na umayos ay mas lumalala raw ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil si Philmar hindi raw maintindahan ang mga sinasabi niya sapagkat si Philmar ay bisaya habang si Andi ay Ingles magsalita.

“Kaya pala siya umaalis kasi hindi niya ako maintindihan!”

Ito ang natatawang kuwento ni Andi. Pero natuto naman na raw sila at ngayon ay agad ng nag-uusap kapag mayroong problema.

“We know that our problem was proper communication, especially with the language barrier. Just like him nag-learn ako na huwag agad makipag-argue. Mag-quiet na lang muna.

Pero kapag pareho na kaming hindi na naiilang sa isa’t isa, we just talked. Sometimes it goes to a point na hindi na kami nagso-sorry sa isa’t isa kasi hindi na kailangan.”

Ito ang sabi pa Andi. Dagdag pa niya, alam niyang mahal siya ni Philmar. At mabuti rin itong ama para sa mga anak niya.

“Mahal ako ni Philmar. He takes care for us even if we don’t ask for it or even if we don’t need it. It’s just his personality.

He is super duper maalaga with Ellie and Lilo he takes care of us. Kung puwede niya lang kaming buhatin tatlo kapag pagod na kami, bubuhatin niya kami.”

Ito ang pagbibida pa ni Andi sa fiancé na si Philmar Alipayo.

Image from Andi Eigenmann’s Instagram account