Andi Eigenmann at Philmar Alipayo tumutulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao. Philmar napagbibintangan umanong nagnanakaw ng mga donasyon. Andi nalulungkot na sa kabila ng mga pagtulong ng kaniyang fiancé ay napagbibintangan pa ito.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagtulong nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao.
- Mensahe ni Andi sa mga nambibintang kay Philmar na nagnanakaw ng donasyon.
Bahay at resort nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo nasalanta ng bagyong Odette
View this post on Instagram
Wala man ang pamilya ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa Siargao habang nanalasa ang bagyong Odette, isa naman ang kanilang bahay at pinatayong resort sa mga nasalanta nito.
Pero base sa mga Instagram post ni Andi, kaysa malungkot sa tinamong pinsala ng kanilang bahay ay mas nalungkot umano siya sa damage na iniwan ng bagyo sa isla ng Siargao.
Lalo na sa komunidad na kung saan sila naninirahan ng kaniyang pamilya. Kaya naman ginagawa nila ang lahat ni Philmar para makatulong na maibalik ang dati nitong sigla. Pati na ang ngiti sa mukha ng mga taong nagturo at nagpakita umano kay Andi ng kabaitan at generosity.
“Our home there isn’t just our house. Our home is the island itself. Slowly we will rebuild. Slowly we will get back up again.”
“It is their people that taught me the importance of working together as a community, how kindness and generosity goes a long way. How we don’t really need to have much to be so happy.”
Ito ang pahayag ni Andi sa kaniyang Instagram stories.
BASAHIN:
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata
LOOK: Simpleng buhay ni Andi Eigenmann ibinahagi niya sa kanyang vlog
Andi ido-donate ang earnings ng kaniyang vlog sa rehabilitation ng Siargao
![andi eigenmann and philmar alipayo with kids lilo and koa](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/12/siargao23.jpg?width=450&quality=10)
Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
Kaya naman para makatulong ay inihayag ni Andi sa pinakabago niyang vlog entry na ang kikitain ng mga upcoming videos nilang gagawin ay gagamitin nila para makatulong na ma-rehabilitate ang mga nasirang bahagi ng isla.
“On Dec. 16, 2021, typhoon Odette hit Siargao Island (and other neighboring islands and provinces) and devastated our island home.
We are grateful that our family and friends are safe but most of them have lost their homes and are in need of food, water, among others.
With this, we will be using our earnings from our coming videos to help slowly rebuild our island home again.”
Ito ang ginawang pledge ni Andi na makikita sa vlog entry niya na kung saan tampok ang naging 10th birthday celebration ng panganay niyang anak na si Ellie nitong December 19.
Sa kaniyang mga Instagram stories ay ibinahagi niya rin na kinailangang bumalik ni Philmar ng Siargao ng mag-isa para doon ay makatulong sa mga nasalanta ng bagyo. Habang siya naman ay ginagawa ang lahat habang nandito sa Maynila upang makaipon pa ng mga donasyong ipamimigay nila.
Philmar napagbibintangang nagnanakaw ng donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Odette sa Siargao
Pero kagabi sa kaniyang Instagram stories ay ibinahagi ni Andi kung paano siya nalulungkot na sa kabila ng pagtulong na ginagawa nila ay napagbibintangan pa ang fiancé niyang si Philmar na nagnanakaw umano ng donasyon. Ito ay kahit mas gusto ni Philmar na tumulong sa mga nasalanta ng bagyo gamit ang sarili nitong pera.
“It is very sad to know that he is being accused of stealing donations. When he even specifically ignored his chance to use his platform to ask for them, since he’s more than willing to use his own money just to help our community out.”
Ito ang sabi ni Andi sa kaniyang IG stories kagabi. Dagdag niya pa, labis daw siyang nasasaktan na lagi na lang napag-iisipan ng pangit ang fiancé niyang si Philmar pagdating sa usaping pera.
Ito ay sa kabila ng katotohanan na ginagawa umano nito ang lahat para kumita ng pera para maitaguyod ang mga anak nila. At para i-share pa ito sa mga taong minamahal nila tulad ng komunidad na tinitirhan nila sa Siargao.
![philmar alipayo bagyong odette](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/12/siargap7.jpg?width=450&quality=10)
Reaksyon ni Andi sa mga pagbibintang sa fiance na si Philmar
“Just to hurtful that it always seems to be so hard to believe that my fiance has his own money to spend too because he works to earn it.
Now with some, he is still same simple man who doesn’t really need much. Just for his kids to have a good life. Which is why it isn’t hard for him to share his blessings to HIS HOME.”
Ibinahagi rin ni Andi, kung paano naging madamdamin ang paghihiwalay nila ni Philmar. Ito ay bago bumalik ang surfer sa Siargao at tumulong sa relief operations doon. At kung paano siniguro sa kaniya ni Philmar na kaya nitong mag-survive sa salat na buhay na nakasanayan niya.
“Before he left I kept telling him to take care. And he kept assuring me he will be ok by saying, “Mahal, I am used to having nothing. We are used to having no bed to sleep on, no aircon, no purified water, no proper food to eat. I WILL BE OK.”
Ito ang sabi pa ni Andi sa kaniyang IG stories.
Matatandaang taong 2018 ng iwan ni Andi ang marangyang buhay ng pag-aartista kapalit ng simpleng buhay sa isla. Doon niya nakilala si Philmar na noong una ay naging kaibigan niya muna bago tuluyang maging ka-relasyon at ama ng mga anak niyang sina Lilo at Koa.
![Andi Eigenmann on fiance Philmar: It is very sad that he is being accused of stealing donations](https://static.cdntap.com/tap-assets-prod/wp-content/uploads/sites/11/2021/12/siargao.jpg?width=450&quality=10)
Image from Andi Eigenmann’s Instagram account
Source:
Instagram, YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!