Andi Eigenmann inalala kung paano siya pinalaki ng namayapang inang si Jaclyn Jose: “I saw how much I could grow with even a little of her light.”

Andi at kapatid na si Gwen Guck magkasama ngayon sa Siargao matapos ang pagkakasawi ng ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann nagbahagi ng throwback photo nila ng kaniyang inang si Jaclyn Jose. Celebrity mom ibinahagi rin kung paano siya pinalaki ng namayapang aktres.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Andi Eigenmann nag-share ng throwback photo nila ng inang si Jaclyn Jose.
  • Biglang pagkamatay ng aktres na si Jaclyn Jose.

Andi Eigenmann nag-share ng throwback photo nila ng inang si Jaclyn Jose

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Aktres na si Andi Eigenmann nag-share ng throwback photo nila ng inang si Jaclyn Jose sa Instagram. Ang aktres nagbahagi rin ng tula ng nagsasabi kung paano siya pinalaki ng namayapang ina.

“She built me up like a mountain at sunrise and painted my sky with gentle hands.”

Ito ang bahagi ng tulang ibinahagi ni Andi sa Instagram.

Sa sumunod na mga linya ng kaniyang tula, si Andi ibinahagi kung paano ang paniniwala ng ina sa kakayahan niya ang naging motivation niya sa kung sino siya ngayon. Kaya naman kahit na magkalayo sila ng ina sa mga huling oras nito na nabubuhay ay malakas ang loob niya na lagi lang itong nakagabay bilang kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“And when she told me I could be anything, I believed her because I saw how much I could grow with even a little of her light.”

Ito ang sabi pa ni Andi sa kaniyang tula.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Biglang pagkamatay ng aktres na si Jaclyn Jose

Marso 2 nitong taon ng kumpirmahin ni Andi na namayapa na ang ina niyang si Jaclyn Jose dahil sa atake sa puso. Si Andi makikitang labis na nasaktan sa biglaang pagkawala ng ina.

Maliban kay Andi ay may isa pang anak si Jaclyn Jose na nagngangalang Gwen Guck. Si Gwen umuwi ng Pilipinas ng masawi ang ina. At sa isa sa mga Instagram stories ni Andi ay ibinahagi nito na nasa Siargao ang kapatid niyang si Gwen. Doon ay makikitang nag-eenjoy ang mga ito kasama ang mga anak ni Andi na sina Ellie, Lilo at Koa.

Larawan mula sa Instagram account ni Andi Eigenmann

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement