Andi Eigenmann to mom Jaclyn Jose: “Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na.?”

Jake Ejercito may emosyonal rin na mensahe sa namayapang aktres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Andi Eigenmann may madamdaming mensahe sa namayapang ina na si Jaclyn Jose.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Andi Eigenmann to mom Jaclyn Jose.
  • Bilin ni Jaclyn Jose kay Philmar Alipayo.
  • Mensahe ni Jake Ejercito sa namayapang si Jaclyn Jose.

Andi Eigenmann to mom Jaclyn Jose

Larawan mula sa Instagram ng Jaclyn Jose Official Fans Club

Sa Instagram ay nagbigay ng mensahe si Andi Eigenmann sa yumao niyang ina na si Jaclyn Jose. March 2 ng namayapa si Jaclyn na ayon sa anak niyang si Andi ay dahil sa heart attack.

Si Andi nagpasalamat sa ina at sinabing hindi-hindi niya malilimutan ang pagabay at ala-ala nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Higit pa sa sapat ang itinira mong pagmamahal para kami ay hindi mangulila. Habang buhay kong dadalhin ang iyong mga ala-ala. Maraming salamat sa iyong gabay, Nay. Sa kahit saang parte ng aking buhay parati kitang madarama. Parati kitang makikita.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Andi para sa inang si Jaclyn Jose.

Pagpapatuloy pa niya, alam niyang magkikita silang muli ng kaniyang ina. At alam niyang hindi ito mawawala sa tabi nila.

Sa huli ay patuloy ng namaalam si Andi sa inang si Jaclyn. Ito ang mga huli niyang salita.

“Nasa paraiso ka na, Nanay. Pahinga ka na.?”

Maliban kay Andi, may isa pang anak si Jaclyn na nagngangalang Gwen Guck.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Jaclyn Jose

Bilin ni Jaclyn Jose kay Philmar Alipayo

Samantala, sa Instagram ay ibinahagi rin ni Philmar Alipayo, ang fiancé ni Andi, ang huling mensahe ni Jaclyn Jose sa kaniya. Sa mensaheng ito ay ibinilin ni Jaclyn kay Philmar ang kaniyang anak at mga apo. Saka pinabatid rin dito ang pagmamahal niya.

“Any which way, take care of my daughter and to my apos. Alam mo? Mahal kita (I love you) Philmar, you are the father of my apos. Maraming salamat.”

Ito ang bahagi ng mensahe ni Jaclyn kay Philmar na ibinahagi niya rin sa Instagram story ang screenshot.

Si Philmar at Andi ay may dalawang anak na si Lilo at Koa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Jake Ejercito sa namayapang si Jaclyn Jose

Larawan mula sa Instagram account ni Jaclyn Jose

Maliban kay Philmar, si Jake Ejercito, ang ama ng panganay ni Andi na si Ellie ay nauna naring nagbahagi ng huling mensahe niyang natanggap mula kay Jaclyn Jose. Dito ay sinabi niya na anuman ang nangyari sa pagitan nila ng anak niyang si Andi, anak parin ang turing niya kay Jake.

Sa eulogy ni Jake kay Jaclyn ay ibinahagi nito ang closeness nila noon ng aktres na nabago ng maghiwalay sila ni Andi. Ayon kay Jake, si Jaclyn ang nagiging daan niya noon para magkaroon sila ng quality time ni Ellie. Ito rin ang karamay niya noon sa tuwing mayroon silang problema ni Andi. At higit sa lahat ang nagturo sa kaniya na mas mapalapit at maging mabuting ama. Kaya naman si Jake may kaunting panghihinayang. Pero pagsisigurado niya sa namayapang aktres ay mas magiging mabuting ama siya kay Ellie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sana kinumusta kita nung malungkot ka at nag-iisa. Tita sana makabawi ako sa’yo through Ellie.”

"Pero huwag kang mag-alala dahil tinuruan mo ako at pinakita at pinaramdam mo sa akin kung paano maging mabuting magulang. Ellie would be okay Tita, hindi ko siya pababayaan."

Ito ang sabi pa ni Jake.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement