Bago matapos ang taong 2020, sinurpresa ni Mommy Andi Eigenmann ang kaniyang fans at mga nag-aabang ng gender ng kaniyang third baby. Take a guess! Is it a boy or a girl?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kasarian ng 3rd baby ni Andi Eigenmann
- Pagbabahagi ni Andi sa kaniyang fit na pagbubuntis
Andi Eigenmann third baby: Take a guess! Is it a boy or a girl?
Matatandaan na noong August 30, masayang inanunsyo ng celebrity mom na si Andi Eigenmann ang kaniyang 3rd pregnancy.
“Our special gift for papa.” ito ang title ng kaniyang vlog kung saan naglalaman ang kaniyang mensahe para sa birthday ng kaniyang partner na si Philmar Alipayo, isang sikat at professional na surfer. Ngunit kasama rin sa special vlog na ito ang kaniyang pregnancy announcement!
“I hope you are also happy to have us in your life. To have me. I hope you’ll always be happy. And that you’ll always keep insipiring everyone to work hard everyday to achieve their dreams.”
Mensahe ni Mommy Andi kay Daddy Philmar noong kaarawan niya.
Andi Eigenmann third baby | Screenshot from Happy Islanders Youtube
Matapos ang ilang buwan ng paghihintay, nitong hapon lamang, December 13, inanunsyo ng aktres ang gender ng kaniyang 3rd islander baby! Inamin ng aktres na nahirapan siya sa pagtatago ng gender ng kaniyang 3rd baby dahil pati sina Philmar at Ellie ay walang ideya rito.
“Quiet honestly, I’ve also waiting for this day because i was the one that was keeping the secret for this long and it’s so hard. It took a lot for me to be able to keep this from them.”
Ang gender reveal na ito ay ginawa lamang simple ngunit exciting ni Mommy Andi. Nagbake siya ng chocolate cupcake at naglagay ng colored icing sa loob nito. “I want a boy.” sabi pa ni Ellie.
Kapansin-pansin ang excitement nila ng malaman ang gender ng 3rd baby islander.
And yes, you’re guess is right. It’s a BOY!
Andi Eigenmann third baby | Screenshot from Happy Islanders Youtube
Andi Eigenmann, ibinahagi ang secret sa kaniyang pagiging fit habang buntis
Sa latest vlog ng celebrity mom na si Andi Eigenmann, madaming nanay umano ang nagtatanong sa kaniya kung paano niya napapanatili ang fit at healthy lifestyle. Kaya naman masaya nitong ibinahagi ang prenatal workout routine habang siya ang 21 weeks pregnant. Matatandaang noong August 30, ibinahagi ni Mommy Andi sa publiko ang magandang balita na ipinagbubuntis niya ang kaniyang pangatlong anak.
BASAHIN:
LOOK: Luis Manzano proposed, Jessy Mendiola said “YES&”
5 tips mula kay Andi Eigenmann kung paano magpalaki ng hindi materialistic na bata
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
Hindi nakalimutang magbigay ng paalala ang aktres sa ehersisyo na kaniyang ginagawa. Ayon sa kaniya, kahit na matagal nang sanay sa exercise ang kaniyang katawan, hindi ibig sabihin nito ay maaaring gayahin ng mga magulang ang kaniyang routine. Mas magadang magpakonsulta muna sa inyong doktor para mabigyan ng abiso kung maaari bang gawin ang mga ehersiyo katulad nito.
Maraming makukuhang benepisyo ang isang buntis sa daily exercise na safe para sa kaniya. Kasama sa routine ni Mommy Andi ang strength training. Nakakatulong ito para maiwasan ang pananakit ng kaniyang likod na normal sa pagbubuntis. Iniiwasan na ni Mommy Andi ang magkaroon ng komplikasyon habang ito ay buntis kaya naman hindi niya nakakalimutang mag-exercise araw-araw.
“It’s important that we keep our body strong and build the stamina in pregnancy especially in time for labor. But i also like this because it helps relieve my lower back pain and gaining myself in gaining all of the extra weight that may lead to complication when i gave birth.”
Andi Eigenmann third baby | Andi Eigenmann’s Facebook
Dagdag pa ng celebrity mom na siya ay nag-eehersisyo ng maximum 30 minutes araw-araw. Mahalaga ang daily exercise pero kailangan natin na ‘wag i-pressure ang sarili at magpahinga rin kahit papaano. “We should always remember that we need to listen to our body.” Ito ang isa pang advice ni Andi para sa mga pregnant mom katulad niya.
Makakatulong din ang pagkakaroon ng journal sa daily exercise o workout ayon kay Mommy Andi Eigenmann. Ito ay para ma-track mo ang iyong physical activities at para malaman kung masyado mo na bang pinapagod ang sarili mo.
Nagsimulang magsama si Andi at Philmar Alipayo noong 2017. Ipinanganak din ni Andi Eigenmann noong July 23, 2019 ang kaniyang unang anak na si Keliana Alohi Eigenmann Alipayo o baby Lilo sa kaniyang partner na si Philmar na sikat at professional surfer.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!