Andrew Schimmer nagbigay ng update sa kaniyang misis. Aktor iniisip ng pakasalan ang asawang si Jho Rovero sa kabila ng kalagayan nito.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Andrew Schimmer gagawin ng opisyal niyang misis si Jho Rovero.
- Update sa kalagayan ng asawa ni Andrew Schimmer.
- Sakit ng asawa ni Andrew Schimmer.
Andrew Schimmer gagawin ng opisyal niyang misis si Jho Rovero
Hindi pa man tuluyang magaling mula sa hinaharap na karamdaman, ang aktor na si Andrew Schimmer buo na ang loob na gawing misis ang partner niyang si Jho Rovero. Si Jho nasa ospital pa rin at patuloy na nakikipaglaban sa naranasang epekto ng kondisyong severe hypoxemia na nagresulta na sa iba’t ibang kumplikasyon.
Base sa Facebook post ni Andrew nitong December 10 ay nag-share siya ng larawan ng dalawang gold wedding rings. Ayon sa aktor na kilala na ring social media celebrity ngayon ay desidido na siyang pakasalan si Jho. Sabi pa niya ay hindi niya na mahihintay ang tamang oras dahil nararamdaman niya umano na nalalapit na ang paggaling ng kaniyang official soon-to-be misis.
“We will not wait anymore for the right moment to come…by GOD’s grace it will HAPPEN, very very.”
Ito ang sabi ng aktor na mas lalong nagpahanga sa mga netizens na sumusubaybay sa kaniya. Agad silang nagpadala ng pagbati kay Andrew kasabay ng dasal na sana tuloy-tuloy na nga ang paggaling ng kaniyang asawa.
“Congrats to the both of you. God bless your family abundantly. In the Mighty Name of Jesus, I declare Jho’s complete healing 🙏💖 Amen🙏.”
“Awww May God bless you Andrew and Jhoromy and your loving children and Family.Prayers and love sent to you all….”
“I even cry looking above and thanking God. Andrew touching so many hearts. Real true love above and beyond in the glory of God the highest.”
Ito ang ilan sa reaksyon ng mga netizens sa post ni Andrew Schimmer tungkol sa pagpapakasal sa soon-to-be misis niyang si Jho Rovero.
Update sa kalagayan ng asawa ni Andrew Schimmer
Sa parehong araw, bago pa man ang wedding ring post ni Andrew ay nagbigay rin siya ng update sa kalagayan ng asawa niyang si Jho. Ito ay nasa ospital pa rin bagama’t magandang balita ni Andrew ay unti-unti ng bumubuti ang kalagayan nito.
“Nakakatuwa wala na ‘yong pamamanas niya. Bumalik na ‘yong normal state ng kaniyang katawan. Dahan-dahan actually. ‘Di pa rin naman ganoon katulad ng dati but we are going there. Little by little.”
Ito ang pabibigay update ni Andrew sa kalagayan ng asawa niyang si Jho.
Sabi pa ng aktor, ang improvement sa kalagayan ni Jho ay pinagpapasalamat niya number one syempre sa Diyos. At sa mga instrumentong ginagamit nito tulad ng mga doktor at nurse na patuloy na tinutulungan si Jho sa kaniyang patuloy na paggaling.
Ang aktor hiniling din niya sa Diyos na sana gawing regalo na sa kaniya ngayong pasko ang paggaling ng kaniyang asawa. Lalo pa’t dalawang pasko narin daw ang lumipas na hindi nila nase-celebrate ng kaniyang mga anak.
“I know she’ll be okay naniniwala ako at nararamdaman ko na ireregalo ito ng Panginoon ngayong pasko. Kasi dalawang pasko niya na akong inindyan mga kapatid kaya ito ‘yong nire-request ko sa Panginoon. Sana regalo niya na ulit sa ‘kin ngayong Christmas sana gisingin niya na ‘yon lang I will be the most happiest person in the world.”
Dagdag pa ng aktor, ang paggaling ng kaniyang misis ay hinihiling niya rin para sa bunsong anak nila na nalalapit na ang kaarawan. Ang kanilang bunso ang tanging hiling lang daw sa birthday niya ay mayakap ng tulad ng dati ang mommy niya.
“Ang wish lang ng bunso namin napaka-simple, gusto niya lang yakapin si Mommy niya sa birthday niya.”
Ito ang sabi pa ni Andrew.
Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer
Ang mga netizens hindi mapigilan ang pagbibigay ng paghanga nila kay Andrew at sa pagiging huwaran nito bilang isang asawa.
“Sobra pong nakakahanga ang pagiging asawa nyo po John Andrew Schimmer …I salute you sir how strong your FAITH. GOD will hear your prayer.”
Ito ang isang komento ng isang netizen sa post ni Andrew.
Sakit ng asawa ni Andrew Schimmer
Mahigit isang taon naring naka-confine ang misis ni Andrew sa St. Luke’s Medical Center, Bonifacio Global City Taguig. Nobyembre ng nakaraang taon ng isugod ito sa ospital matapos makaranas ng matinding asthma attack. Ito ay nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia.
Nitong Oktubre ay saglit na nakauwi ang misis ni Andrew matapos bumuti ang kalagayan nito. Pero matapos ang isang linggo ay muli nitong binalik sa ospital ng muling lumala ang kondisyon nito.
Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!