X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Misis ni Andrew Schimmer balik ICU: "God please protect her...Give her back to me."

5 min read

Matapos ang masayang balita noong mga nakaraan sa pagbabalik sa bahay nina Andrew Schimmer at kaniyang wife, isa na naman malungkot na balita ang ibinahagi ni Andrew. Sapagkat muli nilang isinugod sa ospital ang kaniyang asawa. 

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Balik ICU ang wife ni Andrew Schimmer
  • Andrew Schimmer sa pagmamahal sa kaniyang asawa

Balik ospital ang wife ni Andrew Schimmer

Kagabi ibinahagi ni Andrew Schimmer sa kaniyang YouTube channel ang panibagong update sa kalagayan ng kaniyang misis na si Jho Rovero. Ayon sa aktor, muling nakalagnat ang kaniyang asawa.

Umabot sa 39.2 ang lagnat ng kaniyang asawa na si Jho at hindi ito bumababa. Kaya naman nagpasiya na silang isugod muli sa ospital si Jho. Dagdag pa niya, sobrang taas umano ng heart rate ni Jho na umabot din 151. 

andrew schimmer at kaniyang wife

Screen capture mula sa YouTube Channel ni Andrew Schimmer

Panawagan ng aktor, 

“Guys please, please kailangan ko ulit ang ‘yong mga prayers. Please, please!” 

Nang madala sa ER sa Jho, sinabi naman ni Andrew na hinihintay lang nila na mag-stable ang kalagayan ng kaniyang asawa na si Jho.

Sa isa pang video update sinabi rin ni Andrew ang lungkot sa kalagayan ng kaniyang asawa, 

“Diyos ko, kawawa naman ang asawa ko.” 

Pagbabahagi ni Andrew nag-develop umano ng impeksyon ang kaniyang asawa. Kaya naman nagdulot ito ng pamamanas ang pagiging kulay brown ng ihi nito. Tumaas din ang creatinine level nito. 

Sa panibagong update ni Andrew Schimmer sa kaniyang Facebook account, ibinahagi niya na balik ICU na ang asawa. Sa kaniyang caption, 

“For transfer na po siya sa ICU now. God please protect Her. I will do anything. Please heal Her again. Give Her back to me, you promised.”

wife ni andrew schimmer

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Muling nanghingi si Andrew ng panalangin para sa kagalingan ng kaniyang asawa. 

Andrew Schimmer sa pagmamahal sa kaniyang asawa

Maraming tao ang humahanga sa pagmamahal niya sa kaniyang asawa na si Jho. Ika nga ng marami sila ang patunay na through sickness and health. Bilib ang marami kay Andrew sapagkat kahit gaano kahirap ang kanilang sitwasyon ay nanatili ito sa tabi ng kaniyang asawa. 

Noong Agosto sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Andrew Schimmer sa kaniyang vlog sinabi niya na masakit para sa kaniya na makita ang kalagayan ng kaniyang misis. Subalit wala siyang magawa para maibsan ito. Ang kaya lamang niyang gawin ay manatali sa tabi ng kaniyang misis at maging malakas para sa kaniya. 

Wika pa ni Andrew, si Jho ang kaniyang bestfriend kaya napakasakit na makita siyang may sakit at minsa’y iniisip niya na unfair ang kanilang sitwasyon. 

“Kaya parang ang nararamdaman ko unfair na okay ako, siya ganun.”

Hiling at dasal lagi ni Andrew Schimmer sa Diyos ay manatiling malakas para sa kaniyang wife. Sapagkat kailangan umano siya nito. 

andrew schimmer at kaniyang wife

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Kuwento pa ni Andrew Schimmer, bukod sa kalagayan ng kaniyang wife na si Jho ay isa pa sa mga iniisip at problema ni Andrew ay ang gastos. Hindi umano biro ang pagpapagamot ni Jho, nabanggit niya noon na nasa higit 3 milyon ang naging bill nila sa ospital. 

Subalit sa kabila ng mga ganitong pagsubok hindi sumusuko si Andrew Schimmer para sa kaniyang wife na si Jho at para sa kanilang mga anak.  

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

 “Ayokong tanggalin ‘yong hope sa kanila kasi alam ko ‘yong pakiramdam. Kasi namatay ‘yong mother ko ng 10 years old ako.

Nag-iwan siya ng hole sa puso ko na hindi niya napunan. I know the feeling kaya as much as possible ayokong ma-experience ng mga anak ko.”

Dagdag pa ni Andrew Schimmer tungkol sa pinagdadaanan nila ng kaniyang wife, 

“Kung totoong mahal mo kahit hopeless ilalaban mo ‘yan. Kahit sa hundred percent na hope ang natitira na lang 1, ilalaban mo ‘yan.”

Sa isa namang post ni Andrew Schimmer sa kaniyang Facebook Page noon, nagbigay mensahe siya sa kaniyang asawa. 

“‘Wag ka pong mainip, alam ng Panginoon lahat, nakikita n’ya lahat ng paghihirap mo. Promise, someday you will smile again. I will hear you laugh again,” 

“Please, fight more. Don’t give up yet. I will always have your back, no matter what.”

Kaya naman marami ang humanga kay Andrew Schimmer sa pagmamahal niya sa kaniyang wife na si Jho. Sa panibagong pagsubok na ito, ang mga sumusuporta sa kanila ay nagpaabot ng dalangin para kay Jho. Para sa agarang pagbuti ng kaniyang kalagayan at muling makabalik sa kanilang tahanan at tuluyan nang makarekober. 

wife ni andrew schimmer

Larawan mula sa Facebook account ni Andrew Schimmer

Kundisyon ng asawa ni Andrew Schimer na brain hypoxia

Ang brain hypoxia ay isang kundisyon kung saan ang isang tao ay nakulangan ng oxygen sa kaniyang utak. Kinakailangan ng oxygen upang makapag-function ng maayos ang utak ng isang tao. 

Ang ganitong kundisyon ay maaaring mangyari sa mga taong nasakal, nalunod, o kaya naman na-suffocate. Samantala sa kaso ng asawa ni Andrew Schimmer ang pag-atake ng matinding asthma at cardiac arrest ang nagdulot nito. Para sa iba pang kaalaman sa kundisyon na ito maaaring basahin ang artikulo na ito, i-click dito!

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Marhiel Garrote

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Misis ni Andrew Schimmer balik ICU: "God please protect her...Give her back to me."
Share:
  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

  • 7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

    7 Bulacan resorts na perfect para sa family outing ngayong summer

  • Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

    Be summer ready and follow our tips on how to get rid of leg scars!

  • Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

    Bianca Gonzalez sa kaniyang parenting style: “I am quite strict with my kids"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.