Isang ina ang nagbahagi ng kanyang karanasan nang mawalan ng bisa ang anesthesia sa panganganak ng C-section.
Saya na naging takot
Ibinahagi ni Danielle Parry na kinailangan niyang dumaan sa emergency C-section nang ayaw lumabas ng anak niya. Buti nalang, matapos ang C-section, narinig niya ang iyak ng kanyang baby. Subalit, mabilis napalitan ng takot ang kanyang saya nang mawalan ng bisa ang kanyang spinal block matapos maipanganak ang kanyang baby.
Image from Shutterstock
Sinulat niya sa kanyang blog ang eksaktong naramdaman:
What happened next was something I wish upon no one. Sensation in my body was returning, the numbed tugs and pulls I felt were now producing pains; throbbing, stinging, burning, every type of pain imaginable. To my horror the spinal block had worn off and I could feel the surgeons putting my internal organs back in the correct place then stitching me back together. My voice was shallow and croaky but I tried my hardest to tell them I could feel it. It was dismissed and I was simply told I “couldn’t feel pain” due to the spinal block. They were wrong, I knew what I was feeling, how could they possibly know?!
Ang sumunod na nangyari ay isang bagay na hindi ko ihihiling sa kahit sino. Bumabalik ang pakiramdam ng katawan ko, ang manhid na mga pagkahila na naramdaman ko ay nagdudulot na ng sakit; tumitibok, tumutusok, mainit, lahat ng uri ng pananakit na maaaring maisip. Sa takot ko, ang spinal block ay nawalan na ng bisa at nararamdaman kong binabalik ng mga surgeons ang mga lamang loob ko sa tamang lugar at tinatahi ako. Ang boses ko ay mababaw at malat ngunit ginawa ko ang makakaya ko para iparating na nakakaramdam ako. Di nila ito binigyang pansin at sinabi lamang na hindi ko ito mararamdaman dahil sa spinal block. Mali sila. Alam ko ang nararamdaman ko, at paano nila malalaman?!
Sa kabila ng nangyari, pinili ni Danielle na hindi magsampa ng kaso laban sa ospital. Ayon sa kanya, minalas lang siguro siya, ngunit sa tuwing tinitignan ang kanyang anak, hindi niya nararamdamang malas siya.
Nasuri na may PTSD
Ang trauma na nagmula sa insidente ay naging daan para masuri si Danielle na may PTSD. Kanyang ibinahagi na hindi niya inakalang magkaka-PTSD siya dahil sa panganganak. Iyon dapat ay isa sa mga pinakamasayang bahagi ng kanyang buhay, ngunit naging bangungot sa bandang huli.
Image from Unsplash
Nakwento niya na nagsimula siyang magka-panic attacks tatlong araw matapos ang insidente, nang kinailangan siyang isugod sa ospital para sa appendectomy. Sabi ni Danielle ay nagkaroon siya ng mga flashbacks at panic attacks, ngunit hindi niya ito masyadong pinansin.
Napansin niya lang na may mali nang magpunta siya sa dentista para magpa-checkup. Inalala niya na sa kanyang pag-upo sa upuan, bumilis ang tibok ng kanyang puso, pinagpawisan at lumalim ang mga paghinga. Hindi siya makahinga at nagsimulang hingalin. Walang ideya ang kanyang dentista kung bakit ito nangyari dahil nagpunta lang si Danielle para sa check up.
Bumalik si Danielle matapos ang 3 linggo para sa filling ngunit muling bumalik ang kanyang anxiety pagkaupo niya sa upuan. Nagpunta siya sa duktor para malaman ang nagdudulot ng anxiety, at napag-alaamang mayroon siyang PTSD.
Ano ang sanhi ng PTSD at paano ito ginagamot?
Ayon sa Psychguides, ang PTSD ay dulot ng personal na karanasan o pagsaksi sa isang traumatic na pangyayari. Maaaring mapabilang dito ang malaking aksidente, pang-aabuso, o hindi inaasahang pagkamatay ng mahal sa buhay. Ang paulit-ulit na karanasan sa kabataan ay maaaring magdulot ng PTSD tulad ng pang-aabuso o pagpapabaya.
Image from Unsplash
Sa kaso ni Danielle, ang kanyang PTSD ay dulot ng karanasan nang mawalan ng bisa ang anesthesia sa panganganak na C-section.
Para sa mga nakakaranas ng PTSD, ang karaniwang gamot ay anxiety management, cognitive therapy, at exposure therapy. Sa ilang kaso, ang psychiatrists ay nagrereseta ng mga antidepressants o mood stabilizers.
Subalit, ang suporta ng pamilya ay mahalaga sa mga nakakaranas ng PTSD. Ang panghihikayat at pag-intindi ay nakakatulong sa mga pasyente na maka-recover mula sa trauma. Ang pagiging supportive at pasensyoso sa pakikipaglaban ng isang kaibigan o kapamilya sa PTSD ay talagang nakakapagbigay ng magandang impact sa kanilang buhay.
Sources:
pjmedia.com, thesun.co.uk
BASAHIN:
21 Bagay na dapat iwasan pagkatapos ng C-section