#AskDok: Wala ba talaga akong mararamdaman kapag gumamit ako ng anesthesia sa panganganak?

Normal na ang anesthesia sa panganganak lalo na kung ikaw ay nasa c-section. Alamin kung ano ang mga klas nito at mga maaaring side effect. | Lead image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kabuwanan mo na ba at hindi mo maiwasang mag-isip kung masakit ba manganak? Don’t worry mga moms! Narito ang iba’t ibang uri ng anesthesia sa panganganak ng babae at ang maaaring maging side effects nila.

Anesthesia sa panganganak ng babae

Sa ginawang webinar ng theAsianparent Philippines noong 28 na may pinamagatang “The Importance of Sleeping on Your Side During Pregnancy” na pinangunahan ni TAPfluencer Ciara Magallanes kasama sina Doc Ten, isang Obstetrician Gynecologist at Doc Badette na isang anesthesiologist.

Dito nila tinalakay ang kahalagahan ng pagtulog sa side habang nagbubuntis at iba pang dapat tandaan ng buntis sa journey nila. Isa sa naging usapan sa webinar na ito ay ang tamang ibinibigay na anesthesia sa mga pregnant mom habang delivery.

Mga uri ng Labor Analgesia

Paglilinaw ni Doc Badette, isang anesthesiologist ang analgesia at anesthesia ay magkaiba.

Ang anesthesia ay ang loss of touch, pain at temperature. Sa makatuwid, kapag binigyan ka nito, mawawalan ka ng pakiramdam. Habang ang analgesia naman ay naka-focus lang sa mararamdamang ‘pain’. Kadalasang ginagamit ang mga ito para walang maramdamang sakit ang isang tao na under operation.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anesthesia sa panganganak: Iba’t-ibang klase at side effects nito | Image from Unsplash

1. Non-pharmacological analgesia

Kilala ito bilang unmedicated birth. Marami na ang nagsasanay dito na mga mommies. Isa sa kilalang uri nito ay ang iba’t ibang breathing exercises o water birth.

2. Systematic Medication

Mas kilala rin itong tawagin na ‘Twilight’. Ito’y pinapadaan sa suwero ng pasyente. Ginawa ito sa lying-in o minsan naman ay sa ospital mismo.

3. Regional analgesia

Ito na ang painless na ibinibigay na medication sa mga nanganganak. Mararamdaman mo pa rin ang galaw ni baby ngunit wala ang sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming mommy natin ang mababa ang pain tolerance na kahit may binigay na medication ay nakakaramdam pa rin ng sakit. Ang iba rito ay namumula na ang mukha dahil sa matinding sakit at hirap nang makakuha ng oxygen. Tinatawag na Maternal Hyperventilation. Dito nawawalan ng carbon dioxide ang nanay na nanganganak. Importante na mapigilan ito para makahinga ng malalim si mommy.

Kapag tumitigas at sumasakit ang tiyan ni mommy sa uterine contraction, nadadamay si baby sa loob at naiipit din ito. May ibang kaso na bumababa ang heartbeat ng mga bata dahil rito.

Madalas na nararanasan ito ng mga nanay na hindi ka naka-anesthesia. Kaya may pagkakataon na bigla na lang silang isinasailalim sa caesarian section dahil sa pagbagsak ng heartbeat ng bata sa loob ng tiyan dahil hindi na ito nakakakuha ng sapat na oxygen.

Pinabulaanan din ni Doc Badette ang misconception ng karamihan na ang medication na binibigay sa kanila ay sa buto tinuturok. Ang katotohanan nito ay sa L3 at L4 nila tinutusok ang medication sa buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bago manganak ang isang babae, mahalagang alamin nila ang uri ng medication na ibibigay sa kanila.

Anesthesia sa panganganak: Iba’t-ibang klase at side effects nito | Image from Unsplash

Tamang paghiga ng buntis: First trimester

Magiging madali pa lamang sa first trimester. Bukod sa mga nararanasang paunang discomfort at pananakit sa iyong katawan, ayon sa mga eksperto ay safe pa naman ang kahit na anong sleeping position sa buntis sa kaniyang first trimester.

Ayon kay Dr. Sara Twogood, ob-gyn sa University of Southern California, hindi mo muna kailangang baguhin ang iyong sleeping position hanggang sa ikaw ay umabot ng second trimester.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit, sa lahat nga mga kaso at ebidensya na tumataas ang risk factor sa stillbirth  ng buntis kapag mali ang kaniyang sleeping position, mas maganda kung sasanayin mo na agad ang iyong sarili na matulog patagilid. Ito’y para hindi ka mabigla sa oras na kailangan mo na talagang gawin at sanayin ito gabi-gabi. Ang pagtulog patagilid ang best sleeping position ng isang buntis lalo na kung nakakaranas ka ng pananakit ng likod.

Anesthesia sa panganganak: Iba’t-ibang klase at side effects nito | Image from Shutterstock

Tamang paghiga ng buntis: Second and third trimesters

Pagdating sa second at third trimester, ang pinakamainam na sleeping position ay ang side-sleeping position sa mga buntis.

Partikular, ang pagtulog sa iyong side ay nakagpapataas ng amount ng dugo at nutrients na umaabot sa placenta at sa iyong baby. Nagbibigay rin ito ng pressure saiyong liver at kidney. Sa gayon, ang pagbalik ng kakayahan ng iyong organs ay makakaiwas sa pagkakaroon ng alleviate edema at makakapagpaalis ng toxins.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ikaw ay laging natutulog ng supine position o pahiga imbes na patagilid, kailangan mo na agad itong iwasan sa ngayon pa lang. Sapagkat nagkakaroon ng matinding pressure  ang iyong lumalaking abdomen at uterus dahil sa mabigat na weight sa ganitong position.

Ang pagtulog ng patagilid ay isang optimal position na kailangang ugaliin ng mga buntis lalo na sa kanilang 2nd at 3rd trimester.

 

BASAHIN:

Mga dapat gawin upang maiwasang ma-cesarean sa panganganak

STUDY: General anesthesia sa c-section sanhi ng postpartum depression

Ina, ibinahagi ang karanasan nang mawala ang bisa ng anesthesia sa panganganak

Sinulat ni

Mach Marciano