Ayon sa isang bagong poll, anim sa sampung mga magulang nadama na para bang sila’y bigo sa pagiging magulang sa unang taon ng kanilang mga sanggol.
Sinasabi ng survey na ang pag-adapt sa sleepless nights, pag-battle sa pagod, at pag-struggle sa pagpapakain ay ang dahilan kung bakit ang mga bagong magulang ay iniisip na hindi pa sapat ang kanilang nagagawa bilang magulang.
Marami ang nakakaramdamn ng bigo sa pagiging magulang
Ang mga “unrealistic picture perfect” nga daw na parenting na pino-portray sa telebisyon, pelikula, at advertising ay ilang sa mga kadahilanan na nagco-contribute sa ganitong mindset ng mga tao lalo na sa mga bagong magulang.
Ang worldwide poll na sumasaklaw ng 13,064 na matatanda ay natagpuan na ang Britanya ang bansa na may pangalawa sa pinaka-anxious di-umano na magulang. Ang mga tatay at nanay di-umano sa Australia at New Zealand ay natagpuang mas self-critical na mga magulang.
Apat sa sampung naging responde ay nagsabi na hindi nila kaya maging tapat sa kanilang mga paghihirap na nararanasan dahil sa takot na mahusgahan sila at singkwenta porsyento naman ay umamin na naglalagay o nagpapakita ng matapang na mukha imbes na maging tapat sa kanilang realidad sa pagiging magulang.
Ayon sa isang bise presidente ng isang global marketing na WaterWipes na si Cathy Kidd na nag-komisyon nga sa survey, “The global research speaks for itself. At times, parents are left feeling like they are failing, especially when they are surrounded by false images of perfect parenting—with the UK one of the most likely countries to experience this.”
The poll also found that British mothers who took part in the poll were twice as likely as fathers to feel pressure from social media to be a perfect parent and 50 per cent of believed they could not relate to the images they see on social media channels because of the way in which they are portrayed.
Ang musikero, author, at tatay ng dalawang bata na si Harry Judd ay isang matagal na tagapagpataguyod ng pag-break ng “perfect parenting stereotypes.”
Kwento nga niya, “Parenting is hard enough without the wealth of pressure from others, and the unrealistic expectations we put on ourselves.”
Dagdag pa niya, “It’s the hardest thing we’ve ever done, but hands down the most magical and rewarding, and there is absolutely no shame in being honest about that.”
Source: Independent
Basahin: 11 mabuting asal na dapat matutunan ng bawat bata simula edad na 2
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!