Tila nagbigay ng hint ang aktres na si Angel Locsin patungkol sa nalalapit nilang wedding ng kanyang fiancé na si Neil Arce sa isang Instagram post dalawang linggo ang nakakaraan.
Angel Locsin Wedding: Kasalan na ba ngayong 2020?
Sa isang Instagram post ni Angel Locsin, makikita ang sweet na sweet na photo nila ng fiancé na si Neil Arce. Madami ang natuwa dito at na-excite. Dahil na rin sa tila pagpapahiwatig nito tungkol sa kanilang nalalapit na wedding. Isang taon na ang nakalipas simula nang i-announce ng dalawa ang kanilang engagement. Madami na rin ang nag-aabang dito at nagtatanong kung kailan nga ba talaga ang Neil Arce at Angel Locsin wedding?
Noong January 3, 2020 nag-upload si Angel Locsin sa kanyang IG ng picture kasama ang kanyang fiance. Kuha ito mula sa kanilang vacation travel sa Japan noong 2019. Sinabi niya sa post na, “Can’t wait to spend every New Year with you, @neil_arce ❤️ Neil & Angel 2020 💍”
Sweet naman ang reply ni Neil: “Can’t wait to smell your head everyday 😘”
Screenshot Image from Angel Locsin Official Instagram Post
Sa panayam kay Angel Locsin noong nakaraang taon tungkol sa kanilang wedding, matatandaang nagbigay na ito ng hint tungkol sa kanilang kasal ni Neil Arce. Hindi man ito nagbahagi ng exact date at location, ayon sa aktres ay ngayong taon na ito gaganapin.
Sino si Neil Arce?
Nakilala si Neil Arce bilang isang movie producer. Ilan sa kanyang mga pelikula ay ang Last Night, Luck At First Sight at 10,000 hours.
Siya rin ay ex-boyfriend ng artistang si Bella Padilla.
Screenshot Image from Neil Arce Official Instagram Post
Nagsimula bilang mabuting magkaibigan sina Angel Locsin at Neil Arce at taong 2017 nang magsimula silang mag-date.
Neil Arce and Angel Locsin Wedding Preparation 2020
Noong June 29, 2019 matatandaang inanunsyo ni Angel Locsin ang kaniyang engagement kay Neil Arce. Sunod-sunod din ang mga interview sa aktres tungkol sa kanyang buhay pag-ibig. Confident naman siyang nagsasabi na “I’m ready” patungkol sa kanyang pagpapakasal sa fiancé.
Dagdag din niya na pansamantala muna silang tumigil sa pagpaplano dahil parang masyado silang advanced. Kahit ang kanilang wedding planner nga raw ay nagulat dahil sa mabilis nilang pagkilos para sa kasal.
Pero ngayong 2020, ano na nga ba ang update sa kanilang wedding plans?
www.instagram.com/p/BzSak2WFyYq/
Ayon sa Kadenang Ginto star na si Dimples Romana, na kilala ring malapit na kaibigan ni Angel Locsin, naghahanda na sila ng kakaibang bachelorette party na talagang magiging memorable at exciting para sa lahat. Nabahagi niya na sa party na ito, hindi lang mga babae ang kasama, kundi pati na rin ang mga kaibigang lalaki ni Angel.
Lumabas din ang pagiging supportive at mabuting kaibigan ni Dimples kay Angel. Ayon sa kanya, saksi siya sa lovestory ni Angel at Neil kaya naman natutuwa siya sa kanila. Alam din niyang maaalagaan ng husto ni Neil ang kaibigan kaya panatag siya dito.
“Ang saya lang. Ang cute ni Gel eh. Natutuwa ako sa kanya kasi nandoon ako simula noong simula. Kumbaga na-witness ko ‘to. Na-witness ko lahat ng pinagdaaan nila. Alam ko na aalagaan siyang maigi ni Neil. Alam ko na mahal na mahal siya ni Neil, iniingatan siya.”
Screenshot Image from Neil Arce Official Instagram Post
Nakwento rin ni Dimples na nahihirapan siyang pumili ng pang-regalo para kay Angel, dahil ayon sa kanya, sobrang simple lang ni Angel at hindi siya mahilig sa mamahalin at magarbong gamit.
“Ang hirap regaluhan ni Gel. Alam mo kung bakit? Sobrang simple niya. Hindi kasi siya mahilig sa magarbong gamit. As you know, nauuna ‘yan magdonate.”
Kilala si Angel Locsin bilang isa sa mga hinahangaang aktres na laging present sa mga volunteer works sa Pilipinas. Napasama pa nga siya sa list ng Forbes’ Asia 2019 Heroes of Philanthropy.
Tungkol sa wedding venue, nananatili pa rin itong tago at hindi pa rin ibinabahagi ng dalawa ang ibang detalye ukol sa kanilang kasal.
Source: ABS-CBN , YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!