TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Angelica Panganiban sa kaniyang nasawing ina: “Sana may last sermon pa Ma.. Sana mas marami pang oras Ma”

3 min read
Angelica Panganiban sa kaniyang nasawing ina: “Sana may last sermon pa Ma.. Sana mas marami pang oras Ma”

Si Angge labis na nagpapasalamat sa mga aral na tinuro sa kaniya ng kinilala niyang ina.

Angelica Panganiban may mensahe sa namayapang inang si Anabelle Panganiban sa ika-40th day ng pagkasawi nito.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pag-alala ni Angelica Panganiban sa namayapang ina.
  • Mensahe ni Angelica sa kaniyang ina.

Pag-alala ni Angelica Panganiban sa namayapang ina

angelica panganiban mom with bean

Larawan mula sa Facebook

Sa Instagram ay nagbahagi ang aktres na si Angelica Panganiban nang naging pag-aalala ng kanilang pamilya sa namayapa niyang inang si Anabelle Panganiban. Nitong Sabado ay ika-40th day na ng pagkamatay nito. Si Angelica pabirong inalala ang kaniyang ina.

“Exactly 40days ago. Tinawag ka na ni Papa God. Sabi nila, ngayon ka daw aakyat papuntang heaven. Sana hindi ka hiningal paakyat Ma. Sana masaya ang welcome party mo dyan sa taas. At sana rin nakita mo ang celebration mo dito. Maraming bumisita at nag paalam sayo Ma.”

Ito ang bungad ni Angelica sa kaniyang IG post.

Mensahe ni Angelica sa kaniyang ina

angelica panganiban with mom and mother in law

Larawan mula sa Facebook

Sa pagpapatuloy ng kaniyang IG post, si Angelica inaalala kung gaano sila magkasundo ng kaniyang ina. Isa nga daw sa mga namimiss nito ay ang pagsesermon nito sa kaniya. Hiling ng aktres sana ay mas nagkaroon sila ng mas maraming oras ng kaniyang ina.

“Sana nakita mo ang mga luha at narinig mo ang mga tawanan namin habang pinaguusapan ka namin. Sana may last sermon pa Ma, sana may huling tawanan pa. Last bilin. Huling I love you. Sana mas marami pang oras Ma.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Sa huli ay ibinahagi ni Angelica ang pagpapasalamat niya sa magandang pag-aalaga at pagpapalaki sa kaniya ng ina. Ipinaabot niya rin dito ang pagmamahal niya.

“Hinanda mo ko sa maraming bagay, pero hindi dun sa wala ka na. Hindi ako handa sa huling usap, huling yakap, huling asaran at huling tawa mo.

Ma, ikaw ang bumuhay sakin kaya ikaw ang buhay ko. Kumpyansa sa mga takot ko. Gabay sa dilim, katahimikan sa gulo. Pag mamahal at pagpapatawad sa bawat galit ko. Ikaw ang Mama ko. Ikaw lang. Mahal na mahal kita Ma. Hanggang sa muli.”

Ito ang sabi pa ni Angelica.

Si Annabelle Pangilinan ay adoptive mother lang ni Angelica. Ang tunay niyang ina ay hindi nakilala ni Angelica. Nasawi ito dalawang taon bago niya nalaman na adopted siya ng pamilyang nagpalaki sa kaniya.

Sa kabila ng pagkawala ng kaniyang ina, si Angelica nagpapatuloy sa kaniyang buhay kasama ang kaniyang sarili ng pamilya.

angelica panganiban family homan

Larawan mula sa Facebook account ng The Homans

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Angelica Panganiban sa kaniyang nasawing ina: “Sana may last sermon pa Ma.. Sana mas marami pang oras Ma”
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko