LOOK: Angelica Panganiban ipinasilip ang kaniyang baby bump sa beach

Excited na si Angelica Panganiban na maging mommy matapos niyang ipasilip ang umbok sa kanyang tiyan dala ng pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipinasilip na ng aktres na si Angelica Panganiban baby bump nito sa magiging first baby nila ng kanyang non-showbiz boyfriend niyang si Gregg Hoffman sa isang Instagram post.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Angelica Panganiban ipinasilip ang kanyang baby bump sa beach
  • Angelica Panganiban's pregnancy story
  • Tips for a healthy pregnancy

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Angelica Panganiban ipinasilip ang kanyang baby bump sa beach

Sinorpresa ng aktres na si Angelica Panganiban ang mga tagahanga nito nang biglang magbahagi siya ng mga larawang kita na ang kanyang baby bump.

Makikita sa kanyang Instagram account ang pag-post ni Angelica kasabay ng sunset na may hawak na kamera kung saan halata na ang umbok ng kanyang tiyan.

Sinundan pa ito ng larawan naman nilang dalawa ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Gregg Hoffman habang sila ay nasa dagat. Suot ang blue swimsuit, masayang finlex ni Angelica ang kanyang beach body kasama ang magiging first baby nila ng kasintahang si Gregg.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nilagyan niya ito ng caption na, 'BabyMoon' na tilabang nagbigay na ng clue sa kung ano ang magiging pangalan ng kanyang magiging anak.

BASAHIN:

McCoy de Leon humuhugot ng lakas kina Elisse Joson, Baby Felize: "Tanggal talaga pagod mo"

Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

Bela Padilla shares her thought on having her own kids: "Maybe I'm not mature enough for it"

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Angelica Panganiban's pregnancy story

Matatandaang unang ginulat ni Angelica Panganiban ang mga netizens noong nakaraang buwan dahil sa pagbabalita nitong siya ay buntis na. Marami ang nag-aabang nito dahil matagal na ring hiling ni Angelica ang maging ina.

Sa kanyang Instagram account ulit ay pinost niya ang picture ng kanyang ultrasound na nasa beach ulit. Dito niya biniro ang mga followers na totoo raw na siya ay may matres.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis.”

Hindi rin siya nagpahuli sa pagpapasalamat sa mga kaibigan, pamilya at malalapit sa kanilang buhay sa lahat ng dasal at suportang kanyang natatanggap. Isa sa nagbigay ng reaction ay ang kanyang bestfriend na si Bela Padilla.

Sa isang panayam kasama si Bianca Gonzales ay ibinahagi ni Bella kung kailan at paano niya nalaman na buntis na ang kanyang kaibigan na si Angelica.

Ayon sa kanya, nauna raw nilang nalaman ang balita ilang linggo bago isapubliko ni Angelica na nagdadalang-tao na siya. Tinawagan daw sila nito sa isang separate na call. Una raw tinext si Bella ni Angelica kung saan nagpahiwatig ito na may bago raw silang 'member'.

"May bago nang member ang beki."

Napatanong daw kaagad si Bela Padilla kung bakit nagkaroon at kung ito ba ay dahil sa pag-alis niya sa bansa. Nagulat at tila hindi sila nagkaintindihan ni Angelica. Nang bigla raw sinend ni Angelica ang picture ng ultrasound ay naiyak siya dahil sa matagal na itong panalangin ng kanyang kaibigan.

"Grabe, I don't know of anyone who deserves it more right now more than Angelica, and she's really been praying for this and really wanting this for year. So, I'm so happy na she's now gonna be a mom."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod kay Bella, labis ding natuwa ang kaibigan nitong si Alora Sasam. Pinost ni Alora ang picture nila ni Angelica na magkayakap kasama ang convo nila kung saan tinatanong niya kung ano ang ipapatawag nito sa magiging anak.

Sinagot naman ito ni Angelica ng, “Ang Mamah.” 

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Sa post ni Alora sa Instagram account, hiniling niya na maging healthy ang kanyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Stay healthy and have a happy roller coaster paglilihi. I love you kaayo as in…haaay Ang saya saya!!!!!!”

Matatandaang kinumpirma ng aktres ang kumakalat na balita sa kanyang relasyon kay Gregg Hoffman nang mag-post ito ng larawan kung saan sila'y magkahalikan. Magdidiwang na ng pangalawang taon ng anibersaryo ang magkasintahan sa darating na July.

Tips for a healthy pregnancy

Para sa moms, lalo na sa first time na maeexperience ang pregnancy marami ang kailangang paghandaan upang maging healthy si baby. Narito ang ilang tips na maaaring gawin:

  • Baguhin ang eating habits at kumain ng mas healthy at good for pregnancy foods.
  • Exercise regularly.
  • Umiwas sa kahit ano mang bisyo.
  • Take a nap as much as possible.
  • Magkaroon ng regular na check-up.
  • Huwag agad tanggapin ang payo ng hindi propesyunal.
  • Gumawa ng birth plan para sa baby.
  • Stay hydrated by drinking 8 glasses of water a day.
  • Iwasan ang kahitmga bagay na nagbibigay stress sa iyo.
  • Research well about all the things that need to do in pregnancy.

Sinulat ni

Ange Villanueva