Angelica Panganiban sa kaniyang pagbubuntis: "Napakamaldita ko, nagiging halimaw talaga ako."

Angelica pinag-iisipan na kung magpapatuloy pa sa pagtratrabaho bilang artista sa oras na nakapanganak siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban sinimulan na ang pag-aayos ng magiging kwarto ng kaniyang baby. Aktres ibinahagi ang kaniyang naging pregnancy journey at iba pang ginagawang paghahanda sa pagdating ng kaniyang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Paghahanda ni Angelica Panganiban sa pagdating ng kaniyang baby
  • Mga pagbabago sa buhay ni Angelica Panganiban ngayong siya ay magiging mommy na

Paghahanda ni Angelica Panganiban sa pagdating ng kaniyang baby

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica

Nalalapit na ang panganganak ng aktres na si Angelica Panganiban sa kaniyang first baby. Bilang paghahanda sa pagdating nito ay sinimulan na ng aktres at kaniyang partner na si Gregg Homan ang pag-aayos ng magiging kwarto ng kanilang anak.

Sa ngayon ay hindi pa alam nila Angelica at Gregg ang magiging gender ng kanilang baby. Pero makikita sa sa magiging kwarto nito na puro sea animals at under the sea ang theme ng napili nilang disenyo.

Sa caption ng IG post ni Angelica ay sinabi niyang inuunti-unti na nila ng partner na si Gregg ang paghahanda sa pagdating ng kanilang baby.

“Slowly but surely.”

Ito ang caption ng post ni Angelica na may kasamang heart at pregnant emoji.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Pregnancy journey ni Angelica Panganiban

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Samantala, sa isang panayam ng aktres at mommy vlogger na si Merryl Soriano kay Angelica Panganiban ay ibinahagi ng aktres ang kaniyang pregnancy journey.

Kuwento ni Angelica ay isang taon din nilang sinubukan ng partner na si Gregg na sila ay makabuo. Lahat nga daw ay ginawa nila para magsigurong magdadalang-tao na si Angge.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nagta-try kami ng partner ko for a year, alam 'yan ng mga close friends ko na paano ba, ano bang sikreto? Ano ba ang dapat gawin? Syempre ginawa namin yung mga dapat gawin. May mga doctors kaming kinausap, may mga ininom na vitamins.”

Pero sa loob ng isang taon na pagsubok ay hindi daw agad nabibiyaan sila Angelica. Kaya naman nawalan rin siya ng pag-asa at naisipang isang tabi muna ang pagnanais niyang magkaanak.

Hanggang sa pumasok ang taong 2022, sa hindi inaasahan ay dumating ang matagal ng pinakahihintay ni Angge. Bagamat pag-amin niya ay hindi rin siya masyadong umasa dahil ayaw niya ng masaktan pa.

Kahit nakakaramdam na ng mga sintomas ay binalewala daw ito ni Angge. Na-delay narin daw ang regla niya pero hindi niya inisip na maaring buntis na siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sabi ni Gregg, mag-pregnancy test ka kaya. Sabi ko, hindi na, masasaktan lang ako.”

“Mayroon akong spotting iniisip ko magkakaroon ako hindi lang matuloy-tuloy.”

Ito ang pag-alala ni Angelica sa mga unang linggo ng kaniyang pagbubuntis. Binalikan niya rin ang pagbabago sa ugali niya na signs pala na buntis na nga siya.

“Napakamaldita ko nagiging halimaw talaga ako. Hindi namin alam kung bakit. Umiiyak ako out of nowhere. Napaka-metikuloso ko na sa mga bagay-bagay.”

BASAHIN:

LOOK: Viy Cortez nagmukhang Greek goddess sa kaniyang maternity shoot

LOOK: Angelica Panganiban ipinasilip ang kaniyang baby bump sa beach

Angelica Panganiban sa pregnancy at pagiging soon-to-be-mom: “Ito na ang role na gusto kong gampanan.”

Angelica matutupad na ang pangarap na magkaroon ng sarili niyang pamilya

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para matigil na ang mga tanong ni Angge sa isip niya at maliwanagan sa mga nangyayari sa katawan niya ay nag-pregnancy test na siya. Doon niya nga nalaman na buntis na siya sa unang anak nila ni Gregg na hindi niya daw noong una mapaniwalaan.

“Iba pala 'yong feeling no kapag dumating siya sayo na parang nanginig yung buong katawan ko.”

Ito ang pag-alala ni Angge sa oras na nalaman niyang nagdadalang-tao siya.

Ngayon, very happy si Angelica sa blessing na mayroon siya. Very thankful din siya na dumating ito sa tamang oras at kasama ang tamang tao sa buhay niya. Dahil isa daw itong pangarap na matagal niya ng ninanais na matupad.

“Magmula kasi noong 25 years old ako nung malaman kong adopted ako tumatak na sa isip ko na sana ibalik naman sana sakin ni God magkaroon naman ako ng sarili kong pamilya.”

“Ang tagal ko tong hinintay.”

Mga pagbabago sa buhay ni Angelica Panganiban ngayong siya ay magiging mommy na

Bilang paghahanda sa pagdating ng kaniyang anak ay nagsimula na daw ang aktres sa panonood ng videos tungkol sa pagdadalang-tao at pag-aalaga ng baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagtatanong-tanong na rin siya sa ibang mga mommies na kakilala niya. Bagamat sa pagdaan ng kaniyang pagbubuntis ay may na-realize siya.

“Gusto kong matutong on my own. Tinigilan ko na yung panonood saka kakatanong kasi na-realize ko bawat magulang iba-iba talaga. Iba-iba ng experience. Iba-iba ang pamamaraan.”

Sabi pa ni Angelica, ini-enjoy niya ang moments ngayong buntis siya. Ayaw niya rin daw madaliin ang paglaki ng kaniyang anak. Gusto niyang bawat step sa development nito ay ma-enjoy at masaksihan niya. B

iro ng aktres, mukhang kapag naipanganak niya na ang kaniyang baby ay mahirapan na siyang mag-desisyon kung babalik pa siya sa pagtratrabaho bilang artista o hindi na.

“Di ko nga alam kung kaya ko pang bumalik ng work. Parang kaya ko bang umalis at kaya ko bang iwan ‘to.”

Ito ang sabi pa ng soon-to-be mom at aktres na si Angelica Panganiban.