Angelica Panganiban kay Gregg Homan bilang ama ng anak niyang si Amila: “Napaka swerte ni Amila at ikaw ang una nyang pag ibig”

Alamin dito ang reaksyon ni Gregg Homan sa post na ito ni Angelica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban thankful na si Gregg Homan ang ama ng anak niyang si Amila.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Mensahe ni Angelica Panganiban kay Gregg Homan bilang ama ng anak niyang si Amila.
  • Reaksyon ng mga netizens.

Mensahe ni Angelica Panganiban kay Gregg Homan bilang ama ng anak niyang si Amila

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Nitong nagdaang Father’s day ay hindi pinalampas ng aktres na si Angelica Panganiban na batiin ang ama ng kaniyang anak na si Gregg Homan.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post si Angelica ipinaabot kung paano siya nagpapasalamat na si Gregg ang ama ng baby girl niyang si Amila. Ayon kay Angelica sa katauhan ni Gregg ay natukoy niya kung paano ba talaga ang pagmamahal ng isang ama.

“Mula noon pa, kung saan saan ako naghahanap ng ibig sabihin ng pagmamahal ng isang ama. Madalas napapanood ko lang sa mga pelikula, nababasa sa mga libro, o paminsan nakikita ko sa mga kaibigan ko. Hindi ko akalain na magiging mapalad ako ngayon, na nakikita at nararamdaman ko na siya.”

Ito ang bungad ni Angelica sa kaniyang IG post na tumutuloy kay Gregg.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 

Sinundan niya ito ng maikling mensahe kay Gregg na kung saan pinasalamatan niya ito sa pagganap sa mahalagang papel sa buhay ng anak niyang si Amila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Napaka swerte ni amila at ikaw ang una nyang pag ibig, kalaro at dada. Maraming salamat sa pag ganap ng buong buo at higit pa. Mahal na mahal ka namin. Happy Father’s day daddy. 💕”

Ito ang sabi pa ng aktres na ni-replyan naman ni Gregg at sinabing naiyak siya sa post na ito ni Angelica.

Reaksyon ng mga netizens

Ang mga netizens hindi rin naitago ang saya sa buhay may pamilya ngayon ni Angelica. Ang iba nag-agree pa nga sa sinabi ng aktres sa kung paano isang blessing ang magkaroon ng asawa na mabuting ama rin sa kaniyang mga anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Tunay ngang napakaswerte nating mga Nanay kapag nakahanap tayo ng asawa na mabuting ama sa ating mga anak. Hindi kasi lahat maswerte sa pagpili.”

“You’re a loving person angelica kya ka ni blessed.”

Ito ang ilan sa reaksyon ng netizens sa post na ito ni Angelica para kay Gregg.

Larawan mula sa Instagram account ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement