Gregg Homan kay Angelica Panganiban: “Napakaganda mong buntis.”

Angelica at Gregg mukhang balak sundan agad ang first baby nila?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angelica Panganiban hiniritan ng kaniyang boyfriend na si Gregg Homan na sundan agad ang panganay nilang anak na ipinagbubuntis niya.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan sa nanalapit na pagdating ng kanilang baby.
  • Pagbubuntis ni Angelica Panganiban.

Angelica Panganiban at boyfriend niyang si Gregg Homan sa nanalapit na pagdating ng kanilang baby

Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban

Nalalapit na ang pangananak ng aktres na si Angelica Panganiban. Si Angelica na super excited at thankful sa bagong yugto na ito ng buhay niya ay kitang-kitang blooming sa mga pictures at videos na ibinabahagi niya sa kaniyang social media account. Bakas na bakas sa mukha ng aktres ang saya sa pinapangarap niyang role na malapit na malapit niya ng magampanan, ang pagiging isang ina.

Pero hindi pa naman naipapanganak ang panganay ni Angelica at boyfriend niyang si Gregg Homan ay tila nagpapahiwatig na si Gregg na sundan agad ang first baby nila. Ito ay pabirong sinabi ni Gregg kay Angelica sa pamamagitan ng isang IG story na kung saan pinuri niya rin ang blooming na buntis.

“Napakaganda mong buntis. Sundan kaya natin kaagad si Bean? Just teasin.”

Ito ang sabi ni Gregg na may kasamang kissing at laughing emojis.

Larawan mula sa Instagram account ni Gregg Homan

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kalakip ng IG story niyang ito ay ang larawan ni Angelica na makikitang fresh na fresh sa suot niyang puting bestida.

Samantala, hindi lang naman si Gregg ang tila gustong masundan agad ang panganay nila ni Angelica. Dahil pati ang aktres sa isa mga vlog nila kung saan tampok ang bago nilang bangka ay ito rin ang bukang-bibig.

“Dito ba natin susundan yung anak natin, Love?”

Ito ang mapang-asar na tanong ni Angelica kay Gregg habang ipinapakita ang loob ng bago nilang bangka.

Pagbubuntis ni Angelica Panganiban

Larawan mula sa Instagram ni Angelica Panganiban

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa parehong vlog ay nagbigay rin si Angelica ng update sa kaniyang pagbubuntis. Siya ngayon na nagbibilang na lang ng ilang linggo bago manganak ay hirap na daw talagang gumalaw. Lalo na ang mag-exercise na kailangan niyang gawin. Mabuti na nga lang daw at nandyan ang supportive boyfriend niyang si Gregg na nakaalalay sa kaniya.

“Kailangan ko mag-exercise more. But nahihirapan akong mag-walking o jogging kasi sumasakit yung likod ko. Then nahirapan din akong mag-yoga na walang professional na nag-aalalay sa akin. Kasi may backpain talaga ako. Kaya on days na walang yoga classes dinadala ako ng jowa ko sa beach para mag-swimming.”

Ito ang masayang sabi ni Angelica.

Sa kaniyang IG stories, ay ibinahagi rin ng soon-to-be-mom ang ginagawa niyang paghahanda sa nalalapit niyang panganganak. Siya daw ngayon ay nagsisimula na sa paglalaba at pag-aayos ang mga damit ng kaniyang baby.

“Making my last minute prep and laundry.”

Ito ang sabi ni Angelica sa kaniyang IG story.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mensahe ni Angelica sa mga taong todo suporta at masaya sa pagbubuntis niya

Pinasalamatan niya rin ang kaibigan niyang si Kim Chiu sa maraming baby things ang ibinigay sa kaniyang anak na future inaanak naman ni Kim.

“Momsy @chinitaprincess may contest po ba sa pagiging ninang? Baka hiramin ko na lang sayo ang baby ko? Iba ka magpaandar moms. Get inyo siyang ninang guys. Love you momsy! Queen Bean is very blessed to have you as her ninang.”

Maliban kay Kim Chiu ay pinasalamatan rin ni Angelica ang iba pa niyang celebrity friends. Pati na ang iba pang mahahalagang tao sa kaniyang buhay na nagpakita ng suporta sa kaniyang pagbubuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Alam ko may nagawa at ginagawa akong mabuti kaya naging ganito ako kapalad pagdating sa mga kaibigan ko. Salamat at sinamahan ninyo ko sa pinakamasayang siyam na buwan ng buhay ko.”

Ito ang sabi ni Angge na sinundan ng matatamis na sagot at komento mula sa mga taong nagmamahal sa kaniya at sa pamilyang kaniyang binubuo.

Bea Alonzo: We love you Angge!

Bela Padilla: Love you momsy!!! We’re so excited

Bianca Gonzalez: You will be an amazing mom

Glaiza de Castro: Mahal ka namin at maraming salamat sa kabutihan mo. Deseve na deserve mo yan!!

Maxene Magalona: I love you sooo much, sizzzy! Seeing you happy makes all of us sooo happy also because we know you deserve it. God bless you!

Chynna Ortaleza: We are praying for you! You will be the cooles mom ever!

 Sa panayam sa kaniya ng kapwa aktres na si Camille Prats ay ibinahagi ni Angelica kung paano nabago ang buhay niya ngayon. Syempre sa pamamagitan ng boyfriend niyang si Gregg at ang ipinagbubuntis niyang anak nila. Si Angelica sinabing nakita niya sa katauhan ng boyfriend na si Gregg ang peace of mind na matagal niya ng hinahanap.

“Tumahimik ‘yong buhay ko. Nagkaroon ng peace. Nagkaroon ako ng sense of security, finally.”

Ito ang sabi ni Angelica sa piling ngayon ng boyfriend niyang si Gregg Homan.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement