Angeline Quinto na-CS sa panganganak kay baby Sylvio. Alamin ang birth story ng panganay ng aktres dito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Ang kuwento ng panganganak ni Angeline Quinto kay baby Sylvio
- Reaksyon at pagbati ng mga netizens sa new mom na si Angeline Quinto
Ang kuwento ng panganganak ni Angeline Quinto kay baby Sylvio
Image from Angeliners Facebook Page
Nitong Linggo ay naglabas ng kaniyang pinakabagong vlog episode ang singer at new mom na si Angeline Quinto. Tampok dito ang kaniyang naging panganganak sa kaniyang panganay na si baby Sylvio.
Base sa vlog post in Angeline, alas dos ng hapon ng April 26 ay nagsimula na siyang makaramdam ng pananakit ng tiyan.
Para hindi mainda ang paghilab ng kaniyang tiyan ay inaliw niya muna ang kaniyang sarili. Nakuha pa nga nitong gumawa ng TikTok video na kunwari ay nagle-labor na at humuhugot ng malalim na hininga.
Pero nang biglang nagbago ang background music ay napahataw ito at tila nawala ang sakit na iniinda. Ang video na ito ni Angeline ay ishinare niya sa TikTok na may caption na Pre-labor. Ito ay kinaaliwan naman ng marami partikular na ng mga kaibigan niyang celebrities.
View this post on Instagram
Maliban nga sa paggawa ng naturang TikTok video ay nakuha pa ni Angge na mag-photoshoot habang humihilab na ang kaniyang tiyan.
Bagamat makikita na sa expression ng kaniyang mukha na nahihirapan na siya. Kumain narin siya para masigurong may lakas ang kaniyang katawan para sa nalalapit niyang panganganak.
Kinabukasan, April 27, 4:30am dinala na si Angeline sa Medical City, ang ospital kung saan nakatakdang manganak ang singer.
Nag-share nga ng larawan ang singer sa kaniyang Instagram na kung saan nakasulat sa kaniyang tiyan ang mga salitang “Ready to pop” na tanda na malapit at ready na siyang manganak.
Image from Angeline Quinto’s Instagram account
Doon ay makikita namang bumaha ng prayers at message of support para kay Angeline mula sa mga celebrities para sa ligtas na panganganak niya.
Sa ospital ay makikitang bantay-sarado si Angeline ng kaniyang mga nurse at doktor.
Angeline na-CS sa panganganak kay baby Sylvio
Tumagal ang pagle-labor ni Angeline dahil sa nahihirapan daw makababa ang kaniyang baby sa puwerta kung saan sana siya lalabas.
“Nahihirapan si baby bumaba kasi medyo matagal na. So pinutok na ni Doc yung panubigan ko at hanggang ngayon kailangan nating mag-antay hanggang sa mas bumaba si baby. Konting tiis nalang.”
Ito ang mga linyang nasabi ni Angeline habang nagbibigay update sa paghihintay niyang makapanganak. Kasama niya noon ang live-in partner niyang si Nonrev Daquina na ama rin ng kaniyang anak na si baby Sylvio.
April 27, alas nuwebe ng gabi nag-desisyon na ang doktor ni Angeline na i-emergency caesarean section delivery na ito. Ito ay dahil sa posisyon ng ulo ng kaniyang sanggol na pumipigil na makapag-normal birth siya.
“According to my doctor, nakatagilid ang ulo ni baby kaya nahihirapan ako mag-normal birth. Kaya nag-decide kame na mag-caesarean section.”
Ito ang sabi ni Angeline sa kaniyang vlog.
BASAHIN:
Angeline Quinto nanganak na, sinalubong si Baby Sylvio: “Love at first sight.”
Hindi makatulog si baby? Alamin kung paano sosolusyunan ang childhood insomnia
Elisse Joson hindi mapigilang mai-stress: “There’s a lot more pressure when you’re a mom.”
Motherhood UNLOCKED: Ang masayang sabi ni Angeline matapos maipanganak ng ligtas si baby Sylvio
Image from Angeline Quinto’s Instagram account
Higit sa isang oras, 10:22 pm noong April 27 ay isinilang na ni Angeline si baby Sylvio. Ito ay may bigat na 2785 grams o 6 lbs at 2 oz at may haba na 19 inches.
Sa vlog ni Angeline ay makikita ang mga unang sandali na nakasama niya at ng boyfriend na si Nonrev si baby Sylvio. Ilang oras nga matapos ang naging panganganak ay agad nag-share si Angeline ng larawan niya sa Instagram na karga si baby Sylvio.
Ang caption ng kaniyang post “Motherhood UNLOCKED” na nakatanggap naman ng masayang pagbati mula sa mga celebrities at netizens.
Sa kaniya paring vlog ay hindi nakalimutan ni Angeline na magpasalamat sa mga taong tumulong at sumubaybay sa kaniyang naging pagbubuntis. Ganoon narin sa Panginoon sa naging ligtas niyang panganganak.
“Ang hirap pala ang dami kong pinag daanan pero salamat sa Diyos kasi ang sarap sa pakiramdam dahil finally naisilang ko na si baby Sylvio.”
“Gusto ko magpasalamat sa mga tao na di ako pinabayaan, ginawa lng nilang magaan pakiramdam ko para di ko maisip na may masakit na sakin.”
Ito ang sabi ni Angge na tumutukoy sa mga nursers, doktor at midwives ng ospital na tinulungan siya sa kaniyang naging panganganak.
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga netizens hindi naman napigilang batiin si Angeline sa bago at masayang yugto na ito ng kaniyang buhay.
“Congratulations Mommy Angie! You’ve made it!! Di ba wala kang naramdamang sakit kapag hawak mo na si baby at kasama mo pa si Daddy. May God bless you and your family.”
“Congratulations po Ate Ange welcome to the outside world baby ang cute ingat po kayo palagi and more blessing to come po ate Ange God bless po.”
“Parenthood is a life-changing phase. May you cherish each and every moment of it with your baby Sylvio. Your baby is really lucky to have become a part of such an amazing family. So happy for you always Ate Angge.”
Congrats Angeline Quinto and welcome to the outside world Baby Sylvio!