Angeline Quinto sa pagiging bugnuting buntis: “Ang babaw kasi ng mga nagiging dahilan.. Ako nga minsan naiinis sa sarili ko e.”

Angeline umaasang maikakasal sa ama ng kaniyang dinadala soon. Ayon sa singer “mas gusto niya ng kasal”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Angeline Quinto, inaming live-in partner na ang ama ng ipinagbubuntis na sanggol.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Relasyon ni Angeline Quinto sa ngayong live-in partner na ama ng kaniyang dinadalong sanggol.
  • Angge umaming bugnutin habang nagbubuntis.

Angeline Quinto inaming live-in partner na ang ama ng ipinagbubuntis na sanggol

Image from Angeline Quinto’s Facebook account

Sa pinaka-latest na vlog entry ng komedyanteng si Vice Ganda ay naglaan siya ng oras para maka-heart to heart talk ang mom-to-be at singer na si Angeline Quinto.

Doon niya nga nalaman na ang ama ng dinadalang sanggol ni Angeline na kamakailan lang ay ipinakita na ng singer sa publiko ang itsura ay kasama na nitong naninirahan sa iisang bahay.

Ayon kay Angeline, nagsimula raw silang mag-live in noong nalaman nilang buntis siya. Napagdesisyon nila ito, hindi lang para may makasama si Angeline habang buntis. Kung hindi para may isang tao rin na papawi ng lungkot na dulot ng pagkawala ng Mama Bob niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Noong nalaman namin na buntis ako, ‘yon ‘yong napagsunduan na mag-stay siya. Simula noong nawala ang Mama Bob nalulungkot ako palagi. Malaking tulong sa akin na nandiyan siya.”

“Siyempre nung si Mama nawala malaking kakulangan sakin e. So nung nag-stay siya sa bahay parang may isang tao na gigising ka tapos siya yung magsasabi ng tungkol sa trabaho ko.”

Ito ang kuwento ni Angeline.

Angeline sobrang bugnutin daw ng simulang magbuntis

Kuwento pa ni Angeline, gustong-gusto daw ng partner niya na bantayan siya at siguraduhing ligtas ang kaniyang pagbubuntis. Ito ay sa kabila ng pagiging bugnutin niya na nagiging dahilan minsan ng pag-aaway nila.

“Ang babaw kasi ng mga nagiging dahilan namin. Lalo na nung mga siguro pangalawa o pangatlong buwan kong nagbubuntis. Ako nga minsan naiinis sa sarili ko.”

Isa nga raw sa mga dahilan ng pag-aaway nila ay kapag umaalis ng bahay ang partner niya at hindi nagpaalam sa kaniya. Umaabot pa nga raw sa punto na pinapauwi na niya ito sa kanila.

“Pagbalik niya sabi ko ‘saan ka galing?’, ‘bumili lang ako ng ganito’. Tapos hanggang sa dumating na sa point na ‘sige umuwi ka na lang sa inyo,” kuwento pa ni Angeline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabuti na nga lang daw at pasensyoso ang partner niya. Malawak din ang pang-unawa nito at iniisip na kaya siya bugnutin ay dahil sa buntis siya.

“Kapag naiinis ako nung time na ‘yon, alam ko naman sa sarili ko na kapag normal ako hindi ganyan. Tapos siya na lang nagsasabi na, ‘alam ko kasi buntis ka’. Lagi niya akong iniintindi.”

“Kapag hindi na siya nagsalita, doon ko nare-realize sa sarili ko na mali na ako. Ako na naglalambing sa kaniya,” sabi pa ni Angeline.

BASAHIN:

Angeline Quinto proud ng ipinakita sa publiko ang itsura ng ama ng kaniyang magiging anak

LOOK: Angeline Quinto nalaman na ang gender ng baby—it’s a BOY!

LOOK: Angeline Quinto, ipinakita ang maternity shoot

Angge umaasang maikakasal soon sa boyfriend

Image from Angeline Quinto’s Facebook account

Sa ngayon, ayon sa singer at mom-to-be ng si Angeline, may isang bagay siyang ina-aapply ngayon na hindi niya ginagawa noon sa mga dating naka-relasyon niya. Ito ay ang maging bukas sa pakikipag-usap para solusyonan ang problemang kinakaharap ng kanilang relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May ganyan ako dati sa ibang naging relationship ko. ‘Yong takot akong harapin lagi ‘yong isyu. So ang nangyayari mas lumalaki.

‘Yan ‘yong isa sa iniingatan ko kung anong meron kami. Kasi alam ko na ganun ako, baka isa ‘yon sa dahilan kung bakit hindi nag-work yung mga dati ko (ka-relasyon).”

Ito ang kuwento pa ni Angeline.

Sabi pa ni Angeline ay umaasa siyang soon ay maikakasal rin sila ng live-in partner at ama ng kaniyang anak. Ito ay hindi para sa kaniya kung hindi para sa kinabukasan ng kaniyang anak.

“Mas gusto ko ng kasal.”

“Simula noong nalaman kong buntis ako, alam ko naman na hindi magiging madali pero pinaghandaan ko kung paano ko haharapin ‘yong buhay na may anak na ako. Siyempre after niyan baka dumating sa punto na magpakasal kami.”

“Iniisip ko ‘yong bata, hindi lang sa sarili ko.”

Kung sakali man umano na dumating ang panahon na biglang hindi pa pala handa sa pagpapakasal ang kaniyang boyfriend, ito umano ang gagawin ni Angeline.

“Siguro ibibigay ko lang ‘yong oras din sa kaniya. Baka mas handa ako kaysa sa kaniya.”

“Kapag hindi siya nag-propose, ubos ‘yong limit ko sa sarili ko na panahon tatanungin ko na siya ng deretso.”

Sa huli, may ipinayo naman si Vice Ganda sa soon-to-be mom na si Angeline. Ito ay tungkol sa pakikipagrelasyon na dapat umanong i-apply ni Angeline lalo pa’t sa ngayon ay tumitingin na siya sa mas mahaba at committed na papel na pagiging ina at asawa.

“Sabi nila ang relationship daw every day is a decision that you will make kasi nagbabago siya. ‘Yong relasyon ninyo 5 years ago, iba na sa relasyon ninyo today at mag-iiba rin nyan 5 years from now.  Dapat open ka, open ang utak mo, ang buong pagkatao mo sa lahat ng maaring pagbabago.”

Ito ang payo ni Vice Ganda kay Angeline.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Angeline ay nakatakdang manganak ngayong Abril.

Image from Angeline Quinto’s Facebook account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement