Angeline Quinto hands-on sa pag-aalaga kay Baby Sylvio. Ayon sa singer, nagi-enjoy siya sa pagiging nanay kahit mahirap at nakakapagod ito.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Angeline Quinto enjoy sa pagiging first time mom kay Baby Sylvio
- Mensahe ni Angeline sa mga first time moms na tulad niya
Angeline Quinto enjoy sa pagiging first time mom kay Baby Sylvio
Image from Angeline Quinto’s Instagram account
Halos dalawang linggo matapos makapanganak ay nag-share ang singer na si Angeline Quinto sa buhay niya ngayong siya ay isang mommy na. Ayon kay Angeline, mula ng dumatiing si baby Sylvio ay marami ng nagbago sa buhay niya. Partikular na sa routine niya sa araw-araw na talaga nga namang nag-iba.
“Ang daming nagbago sa akin, ang daming nagbago sa itsura ko. Ang daming nagbago sa everyday na routine ko sa buhay bilang isang nanay.”
Ito ang sabi ni Angeline sa pinaka-latest niyang vlog na kung saan tampok a day in a life niya bilang isang ina.
Kuwento ni Angeline, maliban sa pagpupuyat para padedein si Sylvio ay maaga rin siyang nagigising para kumain at maibigay ang pangangailangan nito.
“Medyo puyat ako ngayon talaga kasi every 2 o 3 hours nagigising siya para dumede.”
“Maaga akong nagising ngayon para mag-almusal habang tulog si Sylvio. Kasi kapag nagising siya iiyak siya agad. Minsan wala sa oras yung kain ko, minsan mas maaga, minsan late na kasi nga binabantayan ko siya.”
Ito ang pagbabahagi ni Angeline sa buhay niya ngayon bilang first time mom kay Sylvio.
Dagdag pa ng singer, nagbawas narin siya sa pag-inom ng paborito niyang kape. Ito ay payo ng doktor dahil bine-breastfeed niya sa Sylvio. Bagamat pagbabahagi ng singer, noong una ay nahirapan siya sa pagpapasuso dito. Kaya naman sa ngayon ay nagmimix feed na si Sylvio.
“In-alternate ko yung pagpapagatas. Breastfeeding ako tapos at the same time may formula rin akong pinapainom sa kaniya. Kasi noong una nga after kong manganak siguro mga unang araw o pangalawang araw nahirapan akong magpadede sa kaniya.”
Ito ang sabi ng singer.
Sabi pa ni Angeline, naging malaking tulong sa unang araw ng kaniyang breastfeeding journey ang mga midwife na nag-assist sa kaniya sa ospital noong siya ay manganak.
Dahil ito ang mga nag-alalay sa kaniya at kasama niyang nagtiyaga hanggang sa lumabas ang breastmilk niya.
Image screenshot from YouTube video
“Pinilit naming mag-breast pump every day. Kahit masakit, tinitiis ko. Ngayon kahit papaano nakakapag-produce na ng milk ako. May lumalabas na unti-unti at dumadami.”
Sa bagong vlog na inilabas ni Angeline makikita kung gaano siya kasaya sa ginagawa niya. Kitang-kita na na-ienjoy niya ang pagpapadede, pagpapaligo at pagbabantay kay baby Sylvio. Syempre, nagagawa niya ito katuwang ang boyfriend at ama ng kaniyang anak na si Nonrev Daquina.
Makikitang ito ang umaalalay kay Angeline sa pagpapaligo sa kanilang baby. Ito rin ang in-charge sa paglilinis ng mga bote ng kanilang baby. Pati na sa paglilipat ng kaniyang breastmilk sa bote at pagsisiguro na maitatabi ito sa oras na kailanganin na ng kanilang baby.
Si Angeline, hindi iniinda ang puyat at pagod ng pag-aalaga sa kaniyang newborn baby. Ito ay dahil masaya siya at nag-eenjoy sa ginagawa niya.
“Masayang-masaya ako, nai-enjoy ko to. Parang kahit mahirap, nakakapagod, hindi ko nararamdaman.”
BASAHIN:
Angeline Quinto kinailangang i-CS para maisilang si Sylvio: “Nakatagilid ang ulo ni baby.”
Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”
Rocco Nacino at Melissa Gohing excited sa kanilang first baby: “We’ve been trying for months.”
Mensahe ni Angeline sa mga first time moms na tulad niya
Image from Angeline Quinto’s Instagram account
Para sa mga tulad niyang first time moms may iniwan pang words of encouragement si Angeline.
“Kakaantok pero kailangan naitin to for baby so laban lang tayo mga mommies. Lalo na sa mga tulad ko na first time mom medyo maninibago talaga tayo pero nakakatuwa nararanasan natin lahat ito. Nagi-enjoy talaga ako.”
Ito ang masayang sabi pa ni Angeline.
Ang mga mommy netizens naka-relate sa experience ni Angeline. Ang iba nga ay nagbigay pa ng payo at tips sa singer at first time mom.
“Congratulations!!! Im a first time mum too and CS like you po. Mahirap na masarap maging nanay, mas nakakatuwa when you see your Child growing, mabilis lumaki ang mga bata kata enjoy every single moment that you have with them . Advice ko lang, if the baby sleep, you can sleep as well kasi need natin maging malakas din for ourself and for the baby aswell. Stay safe and God bless.”
Ang iba naman ay bumati sa singer dahil sa ngayon ay legit mommy na ito.
“Happy Mothers Day, Angge. Wag spoilin si baby ng karga ok lang pag pinasususo mo kahit sa bottle, ‘pag nakaberb na ibaba na, para hindi ka mahirapan.”
“Welcome to Moms world ms. Angeline. Enjoy mo lng yang moments na yan. Mabilis sila lumaki. Good thing kahit celebrity ka, you have quality time with him. Enjoy! God bless.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!