TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Rocco Nacino at Melissa Gohing excited sa kanilang first baby: "We've been trying for months."

4 min read
Rocco Nacino at Melissa Gohing excited sa kanilang first baby: "We've been trying for months."

Sa kabila ng kaniyang PCOS, buntis na si Melissa Gohing sa first baby nila ni Rocco Nacino.

Excited na ibinahagi ng aktor na si Rocco Nacino na magkakaroon na sila ng first baby niya sa kaniyang volleyball player na asawang si Melissa Gohing.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Rocco Nacino at Melissa Gohing nahirapang magkaroon ng baby
  • Preparation ni Rocco Nacino at Melissa Gohing para sa kanilang magiging baby
rocco nacino melissa gohing baby

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Rocco Nacino at Melissa Gohing nahirapang magkaroon ng baby

Masayang isinapubliko ng aktor na si Rocco Nacino at asawa nitong si Melissa Gohing ang balitang magkakaroon na sila ng first baby. Ibinahagi nila ito sa pamamagitan ng pag-upload ng video sa kanilang Youtube channel na ‘Life with Nacinos’.

Sa simula pa lamang ng video, makikita na kaagad kung gaano kasaya ang dalawa bilang first time parents. Halata ang excitement kay Rocco nang sabihin nitong malapit na siyang maging ganap na daddy.

“Magiging daddy na ako at si Mel ay magiging isang mommy. Super happy kami, we’ve been trying for months.”

Ibinahagi rin ni Melissa na nagkaroon siya ng Polycystic ovary syndrome o PCOS, isang kondisyon kung saan maaaring maging dahilan ito para mahirapang magbuntis.

“We’ve been praying for this how many months kasi nagkaroon ako ng PCOS which is the polycystic ovary syndrome which means na hindi ako nagiging fertile kaya ‘yung matagal na kaming nagtatry ‘di ba? For many months pero ‘yun hindi kami nakakabuo.”

Sumailalim daw siya sa medikasyon para lamang mabuntis at masaya naman silang dalawa na nagtagumpay na ito. Kaya nga pinayo rin ni Melissa para sa mga babaeng nahihirapan ding magdalang-tao ay pumunta na sa kanilang OB-GYNE.

Pagkukuwento ni Rocco, wala raw siyang kaalam-alam na buntis na pala ang asawa nito. Una raw naisip ni Melissa na buntis siya nang makaramdam siya ng pagkahilo. Nag-iba rin ang kaniyang pang-amoy at labis na lumakas daw ang pagkain niya.

“Maybe this is it!”

melissa gohing baby

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Para raw makasigurado ay bumili si Melissa ng maraming pregnancy test kit. Matapos daw ang ilang beses niyang pagsubok ng pregnancy test ay nakumpirma niya ngang buntis siya.

Pagbabahagi naman ni Rocco, nasa taping daw siya nang malamang buntis si Melissa. Ipinakita pa nila sa vlog ang video call nilang mag-asawa nang i-take ni Melissa ang huling pregnancy test.

Dito parehong naging emosyonal ang dalawa ang naiyak nang malamang buntis na nga talaga si Melissa. Pagkukwento ni Melissa,

“It was super emotional kasi ako din ‘yun ‘yong parang ano ko eh, na magko-confirm kasi ‘yong mga test. Nag-test na ako eh. Pero parang gusto makita ‘yung word na “pregnant” doon sa digital test!”

Nahirapan din daw silang dalawa noong mga panahong ito kasi magkalayo sila sa isa’t isa dahil sa trabaho ni Rocco.

“Pero mahirap kasi malayo ako sa kanya. I was alone, she was alone. Kaya talagang ang pagsuporta sa isa’t isa ay double effort. Medyo takot ako kasi a few months before hindi tayo nakakabuo eh.”

Kaya raw nang finally makita na nila ang ‘pregnant’ sa pregnancy test ay labis daw na ligaya ang hati nito sa kanilang mag-asawa. Nag-iba na rin daw sila bilang couple magmula ng nabuntis na si Melissa.

“It’s different kapag ayon na buntis na parang mas nag-grow kami as a couple din. Tapos mas napi-feel mo ‘yong love ng husband.”

BASAHIN:

Winwyn Marquez ipinagdiwang ang birthday kasama ang anak: “Having you is the greatest gift of all.”

LJ Reyes to her children, Aki and Summer: “Kaya ko dahil kayo ang lakas ko”

Dennis Trillo to Jennylyn Mercado: “Napakaswerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya.”

rocco nacino melissa

Larawan mula sa Instagram account ni Rocco Nacino

Preparation nila para sa kanilang magiging baby

Bukod dito marami rin daw pagbabago sa katawan ni Melissa gaya na lang ng pagkain. Marami na rin daw siyang pagkain na dati ay paborito niya kainin pero hindi na ngayon gaya ng sea foods.

Ipinakita na rin ng mag-asawa ang mga ultrasound ng kanilang supling nitong buwan lamang ng Pebrero at Abril. Gumagalaw na nga rin daw ito sa sinapupunan ni Melissa. Pagbibiro pa ng dalawa athlete daw ang anak gaya ng kanyang mommy at daddy.

Hiniling naman ni Rocco Nacino na matulungan sila tungkol sa ilang tips at advice lalo’t sila ay unang beses pa lamang magiging parents.

“I hope you guys are inspired also at sana matulungan niyo din kami with your tips and advice bilang first time parents kami. We are looking forward na makapagcreate ng mga memories along with you guys.”

“Thank you, we’re gonna be a family!”

Sa ngayon ay abala ang mag-couple sa paghahanda para sa nalalapit na paglabas ng kanilang baby. Nakahanda na raw ang kanilang shopping list upang makumpleto lahat ng bagay na kinakailangan ng kanilang anak.

Youtube

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rocco Nacino at Melissa Gohing excited sa kanilang first baby: "We've been trying for months."
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko