Anna Cay emosyonal nang ikwento kung papaano nila natuklasan ang karamdaman ng kaniyang tatay. Si Anna Cay ay kilala sa kaniyang mga lifestyle at beauty vlog.
Mababasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:
- Anna Cay binahagi na may cancer ang kaniyang ama
- Mga sintomas ng lung cancer
Anna Cay binahagi na may cancer ang kaniyang ama
Sa vlog na ini-upload ni Anna Cay, ibinahagi niya ang kuwento kung paano nila nalaman na may lung cancer ang kaniyang tatay. Ayon kay Anna, noong una ay hindi niya naisip na kailangan niyang isapubliko ang pinagdadaanan nilang pamilya.
“Nasa isip ko, ‘wag na, itago na lang siya or hindi naman sa itago, ibig sabihin ko, i-keep private. Kasi ‘di naman talaga kailangan sabihin. Pero alam niyo ‘yong pakiramdam na every time ako nagba-vlog, ayoko matanong about it kasi pag natatanong ako about it, feeling ko iiyak ako.”
Pagbabahagi pa ni Anna, ayaw nila magsalita sa camera noong kakaalam pa lang nila dahil sa kaniyang bugso ng damdamin. Aniya, baka may masabi at mai-share siyang hindi dapat sabihin. Kung kaya hinintay muna nilang maging stable ang kalagayan ng kanilang tatay. Sinabi rin ni Anna Cay sa kaniyang vlog na handa na rin siyang mapag-usapan ito.
Simulan ni Anna ang kuwento sa paglipat nila sa kanilang condo noong June 2020 sa pag-aakalang maikakasal sila ng kaniyang kasintahan bandang July o August. Nai-adjust ang kanilang kasal nang December 2020 dahil na rin sa mga lockdowns. Dagdag pa niya, January 2021 excited sila ng kaniyang asawa dahil sa lupang inalok sa kanila at February 2021, nagtitingin-tingin sila ng sasakyan at nalaman ding buntis na siya.
Kwento pa ni Anna, 2021 ng April nakaranas ng Covid-19 scare sa kanilang bahay. Kung kaya sa kanilang pagbibisita ay nagpapa-test sila. Dagdag pa niya, doktor ang magsa-swab sa kanila at nagtaka siya nang nagtagal ito sa kaniyang tatay. Ika pa niya, naisip niyang may ubo kasi ang kaniyang tatay kung kaya nagtagal dito.
Doon na raw sila sinabihan ng doktor na kakausapin sila nito ng pribado. Aniya, hindi rin ito sinabi sa kanilang tatay dahil baka ayaw magulat o parang nararamdaman na kinakabahan ang kanilang ama.
“Tapos sinabi niya sa aming magkapatid, dahil dalawa lang kaming magkapatid, na i-try niyong ipa-check ‘yong ganito, may C-ray, marami siyang ni-request na laboratory. And then he told us to seek an advice sa doktor, kasi nga meron siyang parang nakakapa ata na bukol.”
Ayon pa kay Anna, nang ipa-biopsy ang kanilang tatay, doon nalaman ang resulta.
“Biniopsy si tatay, pagka-biopsy lumabas yung resulta na it’s lung… it’s lung cancer and medyo advanced na.”
“Ang sabi nung doktor, is parang ‘yong mga doktor na yung naghahabol sa sakit ni tatay. Wala naman sinabi ga’no katagal, hindi na ata gano’n ngayon. Walang sinabi ga’no katagal pero technically walang bawal kainin, parang mag-enjoy ka lang.”
Naging emosyonal si Anna dahil din buntis pa siya noong malamang may lung cancer ang kaniyang ama. Umalis din muna sila sa kanilang condo at lumipat para makasama ang ama na may sakit.
“’Yong feeling mo na parang sobrang blessed mo, sunod-sunod lahat ng blessing. Tapos biglang, para saan pa lahat yun.”
Pagbabahagi pa niya, ikinatatakot nila kapag dumating yung oras na kailanganin ng kanilang tatay na mag-swero, ‘di nila alam kung papayag ito. Ibinahagi rin ni Anna na noong una, ayaw magpagamot ng kanilang tatay.
“Every 3 months kasi kailangan mo magpa-CT scan… So far, nakiki-cooperate naman si tatay ngayon, meron lang talagang times na pag-oras na mag-CT scan talagang ayaw nanaman niya, pilitan na naman.”
Ani rin ni Anna, sa ngayon ay maayos ang lagay ng kaniyang tatay at malakas ito.
“So far, so good. Okay naman siya, malakas naman si tatay. ‘Pag nakita niyo talagang parang wala lang talaga sa kaniya.”
Pagbabahagi pa niya ay binabalak din nilang magkapatid na magpa-test dahil pangatlo na ang kanilang tatay sa magkakapatid na nagkaroon ng cancer.
BASAHIN:
Nicole Caluag nakunan: “Sinisisi ko ‘yong sarili ko… Hindi ako aware na may baby na pala.”
Anne Clutz sinabing last baby na nila ang kaniyang pinagbubuntis: “Nalulungkot, nagsisisi tuloy ako…”
Bettinna Carlos nabuntis ilang buwan matapos makunan: “Si God talaga ‘yong may hawak ng time.”
Mga sintomas ng lung cancer
Ayon sa Cleveland Clinic, ang mga sintomas at senyales ng lung cancer ay hindi parating nakikita hanggang ang sakit ay hindi pa nagiging malala. Gayunpaman, may mga tao pa rin na mas maagang nagkakaranas ng sintomas nito.
Ang ilan sa mga sintomas na maaaring maranasan ay:
- Ubong hindi gumagaling
- Pamamaos o pamamalat
- Dugo sa plema na mula sa pag-ubo
- Panghihina
- Pagkahingal
- Impeksyon na bumabalik o hindi nawawala
- Paglala ng pagsakit ng dibdib kapag umuubo o tumatawa
Ang mga sintomas din ng advanced lung cancer ay pag-ubo, kinakapos na paghinga, pagsakit ng dibdib, pagkahapo at hindi sinasadyang pagbabawas ng timbang. Ang ilang sintomas kapag ang cancer ay kumalat na sa ibang bahagi ng katawan ay sakit ng ulo, paghina ng mga muscles, at/o nakalaylay na talukap ng mga mata.