Nicole Caluag binahagi ang nangyari sa kaniya noong malaman na siya ay nakunan. Naging emosyonal ang content creator sa pag-share ng kaniyang miscarriage story.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Nicole Caluag nakunan sa kaniyang first pregnancy
- Message for her baby
- Paano ipakita ang suporta sa isang mommy na nakaranas ng miscarriage
Larawan kuha mula sa screenshot ng YouTube video ni Nicole Caluag
Nicole Caluag nakunan sa kaniyang first pregnancy
Matinding pagsubok ang pinagdaanan ng social media influencer na si Nicole Caluag, ito ay matapos malaman na siya ay nakunan sa kaniyang first pregnancy.
Sa YouTube video ni Nicole, sinabi niya na noong una ay hindi niya alam na siya ay buntis na pala. Ito ay dahil inakala niya na mayroon siyang period.
“We lost our baby. Sa totoo lang, hindi ko alam. Hindi ako aware na buntis ako. Akala ko, normal menstruation ko lang ‘yong bleeding ko.”
June 12 ay inakala niya na monthly period ang nararanasan niyang bleeding. Ngunit umabot na ito ng higit isang linggo at spotting na pala ito.
“Nagtaka ako. Sinabi ko sa mom ko, “Bakit may bleeding pa rin ako?” Hanggang umabot ng the next day, the eight day. Parang anlakas nung bleeding, tapos bright red ‘yong color.”
Kumonsulta siya sa sister-in-law niya na isang doktor, at doon siya inabisuhan na mag-take na ng pregnancy test. Inakala niya na magiging negative ang resulta ng pregnancy test. Ngunit nag-positive ito at ang kaniyang bleeding ay senyales na ongoing na ang miscarriage.
Larawan kuha mula sa screenshot ng YouTube video ni Nicole Caluag
Nagtungo siya sa ospital sa Los Angeles, California para alamin kung anong nangyari sa kaniyang pregnancy. Tumagal siya sa ospital ng limang oras.
“‘Yong paghihintay kung may baby pa ba or wala na? Hindi na ako masyado nag-hope pero mayroon konti sa akin na, baka malay mo may chance pa ‘yong baby.”
Ngunit sa ultrasound scan, hindi makita ang imahe ng sanggol. Doon na nalaman ang possibility na posibleng on going ang miscarriage ni Nicole Caluag.
Nicole Caluag gives message for her baby
Bumalik siya sa Pilipinas at dito ipinagpatuloy ang kaniyang pagpapakonsulta sa doktor tungkol sa kaniyang miscarriage.
Kinuwento ng vlogger na gagawin na sa kanya ang procedure na dilation and curettage. Ito ay ang pagtatanggal ng natitirang remnants sa kaniyang uterus dulot ng miscarriage.
Naging emosyonal din si Nicole Caluag, hindi niya maiwasang sisihin ang kaniyang sarili kung bakit siya nakunan. Ayon sa kaniya, dahil sa dami niyang ginagawa at stress ay posibleng dahilan kung bakit ito nangyari.
“Actually sinisisi ko ‘yong sarili ko… Baka fault ko kasi nag-stress ako, andami kong ginagawa sa life. Nag-travel ako na hindi ako aware na may baby na pala.”
“So I’m blaming myself. I’m sorry baby.”
Sa ngayon ay magpapaalaga siya sa mga espesyalista para sa kaniyang health.
“Kinausap ko naman si baby saka si God. Sabi ko, “Balik ka na lang ulit after healthy na, okay na [ako]. Ibalik ka na lang sa’kin ni God.”
Lubha rin siyang nahirapan dahil hindi niya kasama ang kaniyang partner na si Bong. Nagpapasalamat din siya na hindi siya sinisisi ng kaniyang mister sa nangyari.
“Hindi naman niya sinisisi sa akin. I’m just blaming myself. Which is okay din kasi pinapa-feel niya sa akin na it wasn’t my fault, na hindi ko ginusto.”
Larawan kuha mula sa screenshot ng YouTube video ni Nicole Caluag
Sa vlog ni Nicole Caluag, pinakita rin ang nangyari sa kaniyang procedure buhat nang siya ay makunan. Nakaramdam siya ng sakit sa kaniyang puson. Sinabi naman ng doktor na normal naman ito.
“I feel broken,” wika ni Nicole sa pagtatapos ng kaniyang video.
BASAHIN:
Kyla muling nakunan sa ikaapat na beses: “I can’t even put my feelings into words.”
Bettinna Carlos nabuntis ilang buwan matapos makunan: “Si God talaga ‘yong may hawak ng time.”
Early signs of miscarriage pregnant women should know
Paano ipakita ang suporta sa isang mommy na nakaranas ng miscarriage
Pinakamasakit para sa isang ina ang mawalan ng anak. Kaya naman kailangang maintindihan ang lungkot na pinagdadaanan ng mga mommy na nakaranas na makunan.
Kaya naman mahalaga na maiparamdam sa kanila na may sumusuporta sa kanila through difficult times.
Heto ang ilang pwedeng gawin para sa mga nanay na naka-experience ng miscarriage:
- Keep in touch – Posibleng gusto ng mga ina na magkaroon muna ng space habang nagdadalamhati. Sa mga ganitong pagkakataon, mapapakita ang inyong pakikiramay sa simpleng text message. Ipaalam sa kanila na andiyan ka sakaling kailanganin nila ng tulong.
- I-acknowledge ang kanilang nararamdaman – Iwasan na i-invalidate ang kanilang nararamdaman. Ang simpleng pagsabi ng ‘I’m sorry’ ay puwedeng sabihin sa mga dumadaan sa miscarriage.
- Irespeto ang privacy – Kung hindi pa sila handang ikuwento ang kanilang nararamdaman ay huwag silang pilitin. Pati na rin ang detalye tungkol sa ilang personal na bagay na may kinalaman sa kaniyang miscarriage ay huwag munang itanong.
- Tumulong sa mga gawain – Habang nasa greiving period ang isang nanay ay maari mong tulungan muna siya sa gawaing bahay. Tulad ng pagluluto, paglilinis ng kanilang bahay o pag-aalaga sa kanilang anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!