Ibinahagi ni Anne Clutz ang struggle nila ng kaniyang mister matapos maipanganak ang kanilang 3rd baby.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Anne Clutz shares struggle sa unang araw ng panganganak niya sa 3rd baby niyang si Jirou.
- Feelings ni Anne sa sitwasyon ng kanilang pamilya at anak niyang si Baby Jirou.
Anne Clutz shares struggle sa unang araw ng panganganak niya sa 3rd baby niyang si Jirou
View this post on Instagram
Nitong nakaraang Linggo ay ipinanganak na ng vlogger na si Anne Clutz ang kaniyang 3rd baby. Ito ay pinangalanan nilang si Franc Jirou.
Nauna nang ibinahagi ni Anne na tulad ng kaniyang pangalawang anak na si Joo, si Baby Jirou ay may cleft lip rin. Pero ang kay Jirou ay bilateral cleft lip na sinamahan pa ng cleft palate.
“Meet Franc Jirou, born September 8, 2022 at 12:28pm 6.5lbs and 49cm long. Second child namin with cleft lip pero may additional surprise pala siya. Other than that, he is a very healthy baby boy and we fell in love with him instantly.”
Ito ang pagpapakilala ni Anne sa kaniyang Instagram account sa newborn baby niyang si Jirou.
Samantala, sa pinakabagong vlog ni Anne ay ibinahagi niya ang naging struggle nila ng mister na si Kitz sa unang 24 oras ng maipanganak si Baby Jirou. Number one nga sa naging mahirap at challenging sa kanila ay ang pagpapadede dito. Dagdag pa ang mahinang supply ng gatas ni Anne na nagdagdag pa ng frustration niya.
“The first 24 hour was TOUGH. Struggle ang pag-feed kay Jirou, pareho kaming nasa adjustment phase.”
“24 hours ‘di pa ako kumakain, ‘di pa ako nakakainom. Gutom na gutom na ako, ang sakit ng tahi ko. Hindi ako makabangon, nakahiga lang ako bawal akong maglakad. Namomroblema ako sa gatas ko.”
Ito ang sabi ni Anne sa kaniyang vlog.
Pagpapatuloy pa niya, naawa siya sa mister na si Kitz na siyang nag-aalaga muna kay Baby Jirou. Dahil si Anne hindi pa makagalaw ng maayos dahil sa kaniyang tahi.
“Felt helpless kasi di ko matulungan si Papa mag-alaga kasi masakit pa ‘yong tahi ko. Hirap mag-latch si Jirou sa akin dahil mahina pa milk supply ko. Halos hindi kami nakatulog magdamag pati na rin si Jirou, hindi kasi siya ma-satisfy sa milk ko.”
Ito ang dagdag pa ni Anne.
Anne very emotional sa unang araw matapos makapanganak
Si Anne, umaming naging very emotional ang first 24 hours ng maipanganak niya si Jirou. Sabi pa niya ay akala niya ay trained na sila ng mister na si Kitz sa anak na si Joo. Pero iba pa pala ang magiging karanasan nila kay Jirou.
“Saludo talaga ko sa mga nanay at tatay na may cleft ang babies. Kasi akala talaga namin nakapag-train na kami kay Joo. Ayun pala ibang level pala talaga kapag affected ‘yong palate ng bata. Talagang struggle siya sa pagpapadede.”
“Si Joo incomplete unilateral cleft lip ‘yong sa kaniya, isang side lang tapos hindi siya umabot sa nose. Hindi rin affected ‘yong palate. Itong kay Jirou bilateral cleft lip tapos cleft palate.”
Pagbabahagi pa ni Anne maswerte sila at napakabait ng mga doktor na nag-asikaso sa kanila ng anak na si Jirou. Dahil sa mahina ang gatas niya ay tinulungan pa nga daw sila ng mga ito na makapag-provide ng breastmilk para sa baby niya. Matapos makadede ay naging mabait na daw si Jirou. Doon kahit papaano ay naka-relax si Anne at mister niyang si Kitz.
“Akala ko ganoon ‘yong magiging buhay namin sa mga susunod na linggo saka buwan, ang hirap kagabi. Nagsi-celebrate na kami ni Papa kasi hindi pala ganoon ‘yong magiging sitwasyon.”
Ito ang nangingiting sabi ni Anne.
Pagbibiro pa niya dahil sa naging karanasan sa unang araw matapos maipanganak kay Jirou ay naisipan na nilang mag-divorce ng kaniyang mister. Sabi pa ng emotional na si Anne ay umabot nga daw sa puntong humingi na siya ng pasensya sa kaniyang mister.
“Muntik na kaming mag-divorce ni Papa kanina eh wala palang divorce dito. Ganoong level na kami kanina, to the point na nagsabi na ako sa kaniya ng, ‘Pasensiya ka na ganyan ‘yong mga anak na binigay ko sayo.’”
Ito ang naluluha pang pagbabahagi ni Anne.
Pero si Anne, sobrang nagpapasalamat sa suportang ibinibigay ng kaniyang mister sa kaniya. Pati na sa pagmamahal ng mga netizens na walang humpay ang pagbibigay ng encouraging at magagandang mensahe kay Anne.
Pagbabahagi pa niya ay ini-schedule na ang operasyon ng anak niyang si Jirou. At pakiusap niya tulad ng naging pagdadasal ng lahat sa pagbubuntis niya ay ipagdasal rin ang magiging tagumpay ng operasyon ng anak niyang si Baby Jirou.