Anne Clutz, sinagot ang mga netizen na pumupuna at nagco-comment ng hindi maganda sa pagbabago ng kaniyang timbang habang siya ay buntis.
Mababasa sa artikulong ito:
- Anne Clutz sa kaniyang weight gain habang buntis
- Paano mag-deal sa Body Shaming?
Anne Clutz sa kaniyang weight gain habang buntis
Youtube vlogger na si Anne Clutz, may sagot sa mga “insensitive” na taong pumupuna sa pagdaragdag ng kaniyang timbang habang siya ay buntis.
Nabanggit ni Anne Clutz sa isa sa kanilang family vlogs ang tungkol sa pag-haul niya ng maraming bagong gamit. Dahil sa pagbabago ng kaniyang katawan dulot ng pagbubuntis, kakaunti na lamang sa kaniyang mga lumang damit ang kaniyang nagagamit.
Hindi na raw kumakasya ang karamihan sa kaniyang gamit dahil lumalaki na rin ang kaniyang tiyan. Kaya naisipan niyang bumili ng panibagong mga short, t-shirt, panty, at bra. Mas prefer na ngayon ng vlogger ang mga oversized shirt na halos duster na ang datingan dahil mas komportable itong suotin.
Mula rito, naisip niyang pag-usapan ang tungkol sa usapin ito — ang kaniyang pag-gain ng timbang. Ito ay dahil sa kasalukuyan, may ilang mga netizen ang nagiiwan ng hindi magandang komento ukol sa kaniyang “pagtaba.”
Ayon kay Anne Clutz,
“Andon na ko sa point na tanggap ko na, tanggap ko na talaga, tsaka lalo na kasi buntis ako.”
Bukod sa natanggap na ito ng vlogger, inamin niya na ine-expect na rin niya na magbabago talaga ang itsura ng kaniyang katawan habang siya nagbubuntis sa pangatlo niyang anak. Never din naman daw siya nag-maintain ng weight kapag siya ay nagdadalang-tao.
Pagbabahagi pa niya,
“Siyempre ‘pag mga ganito ‘di mo na iisipin kung ano pang itsura mo. Ang importante, healthy ‘yong anak mo.”
Bilang ina, hindi na malahaga sa kaniya kung anuman ang maging itsura at maging pagbabago dulot ng kaniyang pagbubuntis. Ang tanging isinasaalang-alang na lamang ng vlogger ay maayos na kalulusugan para sa sanggol na kaniyang ipapanganak.
Sinagot din niya ang ilang mga insensitive comment na nagsasabing bago pa man siya magbuntis ay mataba na ang vlogger.
“I know. Hindi niyo naman na kailangang sabihin, alam ko na.” ang naging tugon ni Anne Clutz sa mga komentong ito.
Nilinaw naman ng vlogger na aware siya sa mga nangyayari sa kaniyang katawan. Ang mga ganitong klaseng bagay raw ay hindi na dapat sinasabi pa. Pagbabahagi pa niya,
“’Yong magko-comment ka ‘yong tungkol sa weight ng ibang tao, it’s not nice.”
Samantala, in-express naman niya ang kaniyang pasasalamat para sa mga taong nagbibigay ng oras upang sagutin ang hindi magagandang komento laban sa kaniya.
“We need more people like those.. ‘Yong mga nagsasabi na ‘dapat hindi kayo nagco-comment sa weight ng ibang tao.’ kasi unang-una parang pinapakita mo lang kung gaano ka ka-superficial,” saad ni Anne Clutz.
Kung mas may dapat daw na tignan, ito ay ang buong pagkatao ng isang tao at hindi dapat bumase sa itsura lamang. “Mas importante ang kalooban,” sambit niya.
Binigyang linaw naman niya na hindi siya nagpapabaya sa kaniyang pangangatawan. Kinailangan lamang talaga niyang magpahinga noong mga nakakaraan dahil sa naging hindi magandang kondisyon ng kaniyang pagbubuntis.
Bumuti na ang kaniyang kalagayan, at ngayo’y nakakakilos-kilos na. Ayon pa sa kaniya, kontrolado naman ang kaniyang pagkain. Bukod pa rito, pinayuhan na rin siya ng kaniyang doktor na mag-engage ilang mga activities na tama lang para sa kaniya at hindi mape-pwersa ang kaniyang katawan.
BASAHIN:
Vlogger Anne Clutz sa kaniyang pregnancy journey: “Ramdam ko na, kaya ang sakit-sakit ng likod ko.”
STUDY: Pagtaba ng buntis maaring sanhi ng depresyon matapos manganak
Paano mag-deal sa Body Shaming?
Hindi maitatanggi na isa ang body shaming sa mga isyu na kinakaharap ng maraming tao sa kasalukuyan. Lalaki man o babae, bata man o matanda, minsan sa buhay natin ay nakaranas tayong ma-body shame.
Subalit paano nga ba haharapin ang pangba-body shame ng ibang tao kung nararanasan mo ito sa kasalukuyan. Narito ang ilang mga bagay na dapat mong tandaan.
-
Acceptance: huwag kang magtago
Nakakalungkot man, subalit ilan sa mga taong nakakaranas ng body shaming ay pinipiling na lang magtago. Ina-isolate nila ang kanilang sarili sa mundo o sa mga tao upang hindi na makita ang klase ng katawan na mayroon sila.
Huwag mong hayaang pangunahan ka ng sasabihin ng ibang tao tungkol sa iyo. Simulan mo nang mahalin at tanggapin ang iyong katawan ng buong-buo.
Huwag kang matakot, huwag kang magtago. Huwag mong limitahan ang iyong sarili dahil sa sasabihin ng iba. Magsimula ka sa maliit na hakbang at darating ang araw na malalampasan mo rin ito.
-
Balance: Harapin ang iyong responsibilidad
Maging bukas ang iyong isipan sa kung ano talaga ang totoo at reyalidad. Maaaring nasa sitwasyon ka kung saan binabansagan ka ng iba’t ibang mga tawag dahil ikaw ay mataba o payat.
Subalit kailangan mo ring tignan ang iyong sarili. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang sobrang “kapayatan” o “katabaan” ay hindi maganda para sa kalusugan.
Maaaring kailangan mo ringg harapin ang responsibilidad na dapat panatilihing malusog at maayos ang iyong pangangatawan.
-
Kontrol: Alamin ang maayos na paggamit ng social media
Kakabit na ng ating pang-araw-araw na buhay ang teknolohiya, partikular na ang paggamit ng social media. Hindi rin maitatanggi na halos lahat ng bagay sa mundo ay makikita at matatagpuan sa social media, subalit hindi lahat ng ito ay maganda.
Maaaring marami itong magandang dulot, pero maaari din itong maging daan ang isang tao ay makaranas ng body shaming. Makabubuti kung iyong i-cut out ang mga toxic na tao sa iyong buhay o i-unfollow ang mga taong dahilan kung bakit hindi maganda ang iyong tingin sa iyong sarili.
Ang iyong social media account ay kabilang sa iyong pag-aari, kaya naman ikaw lang mag may kontrol dito. Mahalaga at mas makakatulong kung puro positibong bagay lamang ang hinahayaan mong mangibabaw sa iyong feed.