X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Clutz ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby: “Franc Jirou is here!”

5 min read

Ipinanganak ng ng vlogger na si Anne Clutz ang kaniyang 3rd baby! Anne, kinabahan parin sa kaniyang naging scheduled CS delivery.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Anne Clutz gives birth to her 3rd
  • Pagbubuntis ni Anne sa kaniyang 3rd

Anne Clutz gives birth to her 3rd baby

anne clutz baby

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Ipinanganak na ng mommy vlogger na si Anne Clutz ang kaniyang third baby. Si Anne ibinahagi ang magandang balitang ito sa kaniyang Instagram kasabay ang pagpapakilala sa kaniyang anak at pagpapasalamat sa mga nagdasal sa kaniyang safe delivery.

“Maraming salamat po sa mga dasal niyo, Franc Jirou is here!”

Ito ang sabi pa ni Anne.

Samantala sa nauna niya ng IG stories ay ibinahagi ni Anne ang mga oras bago pa siya manganak. Ipinanganak niya ang kaniyang 3rd baby sa pamamagitan ng scheduled CS delivery na ayon kay Anne ay nakakaba pa rin para sa kaniya.

“Na-resched pala yung CS ko. Hindi na siya morning, 2pm na siya. Ok lang naman medyo na-relieve ako ng onti kasi kinakabahan ako. Si Papa, medyo disappointed siya. Sabi ko, “Sige ikaw na lang kasi gusto mo e. Ikaw nalang magpabiyak dun. Syempre nakakaba parin.”

Ito ang natatawang pagbabahagi pa ni Anne sa mga oras bago pa siya manganak.

Pagbubuntis ni Anne sa kaniyang 3rd baby

anne clutz baby

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Ang pagbubuntis ni Anne sa kaniyang 3rd baby ay parang roller coaster ride na pinuno ng sari-saring emosyon.

Si Anne nakaranas ng perinatal depression habang nagbubuntis.

Kuwento niya, sa isa niyang vlog episode, ang pagkaka-depress niya ay dala ng mga problemang dumating sa kanilang pamilya. Dumagdag pa ang pag-aalala niya sa kaniyang naging pagbubuntis.

Dahil pag-amin ni Anne natatakot siya na maaring baka may mali na naman sa pagdadalang-tao niya. Tulad ng nangyari sa pangalawa niyang anak na si Joo na natukoy na may Level 3 Autistic Spectrum Disorder.

“Siguro traumatic ‘yong last ‘yong kay Joo kasi never pumasok sa isip ko na magkakaroon ng something wrong. Kasi ang ganda ng feeling ko noon ng pinagbubuntis si Joo. Wala talaga akong problema. Physically, ok lahat.”

Ito ang sabi pa ni Anne Clutz sa kaniyang YouTube vlog na kalaunan ay nakumpirma niya ngang tama. Dahil ang pangatlo niyang anak ay natukoy na may bilateral cleft lip at posibleng may Down syndrome base sa congenital anomaly scan na ginawa dito.

“Puwedeng isolated finding dahil related daw sa bilateral cleft lip o trisomy marker siya. Possible na may down syndrome si baby. So yun ‘yong sabi, Trisomy 21.”

Ito ang sabi pa ni Anne noon sa kaniyang vlog.

Ang trisomy marker ay isa sa pinakakaraniwang chromosal anomaly sa mga baby. Kilala ito sa tawag na Down syndrome, isang genetic condition na dulot ng extra chromosome sa cells ng ating katawan.

Sa kaso nila Anne ay wala sa parehong pamilya nila ng mister na si Kitz ang may down syndrome. Kaya hindi pa nila matukoy kung may Down syndrome nga ang baby niyang ipinagbubuntis hanggang sa maipanganak ito.

Sa ngayon ay wala pang update si Anne kung kumusta ang kalusugan ng kaniyang baby. Pero bumaha na ang pagbati ng mga followers niya sa naging ligtas niyang panganganak.

Mga posibleng dahilan kung bakit nagkakaroon ng cleft lip ang isang sanggol

anne clutz baby

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Clutz

Ayon sa health website na Mayo Clinic, ang cleft lip sa sanggol ay nangyayari sa oras na hindi nag-form ng maayos ang mukha at kaniyang bibig.

Madalas, ang tinatawag na fusion ng labi at palate ng sanggol ay nangyayari sa pangalawa o pangatlong buwan ng pagbubuntis. Pero sa mga sanggol na may cleft lip ay hindi nito nangyayari kaya sila ay nagkakaroon ng opening sa kanilang mukha partikular sa kanilang labi.

Paliwanag ng mga eksperto, ang cleft lip ay dulot ng genetics ng sanggol at mga sari-saring environmental factors. Ito ay maaring namana ng sanggol at na-trigger ng environmental factor habang siya ay ipinagbubuntis.

Ang mga posibleng risk factors na maaring magdulot ng cleft lip sa sanggol ay ang mga sumusunod:

  • History sa pamilya na mayroong cleft lip.
  • Paninigarilyo, pag-inom ng alak o pag-inom ng ilang gamot na maaring makasama sa pagbubuntis.
  • Pagkakaroon ng diabetes.
  • Pagiging obese habang buntis.

Kaya naman payo ng mga doktor sa mga kababaihan, siguradong healthy ang katawan bago magbuntis para masigurong healthy rin si baby.

Perinatal depression sa buntis, paano maiiwasan?

Samantala, ang perinatal depression naman ay ang uri ng depression na nararanasan ng mga babaeng bagong panganak. Madalas ito ay dala ng pagod at pag-aalala sa bago nilang responsibilidad. Ito ay maiiwasan ng mga buntis sa pamamagitan ng maagang pagpapakonsulta sa doktor at ibahagi ang kaniyang nararamdaman. Ito ay para mabigyan siya ng atensyon medikal na kaniyang kailangan. Siya ay maaring bigyan ng mga anti-depressants na ligtas sa kaniyang pagbubuntis.

Siya ay maari ring sumailalim sa talk therapy o iba pang alternative treatments tulad ng massage o acupuncture. Dahil sabi pa ng mga eksperto, ang prolonged depression ay maaring makasama sa buntis at kaniyang baby. Kaya naman dapat hangga’t maari ay mabigyan sila ng early assessment at care na kanilang kailangan.

Instagram

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Clutz ipinanganak na ang kaniyang 3rd baby: “Franc Jirou is here!”
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.