X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Anne Curtis ipinasyal si Dahlia sa isang amusement park sa Tagaytay: “Quick little getaway to celebrate love with my happy little lamb.”

5 min read

Aktres na si Anne Curtis nagbahagi ng mga larawan ng pamamasyal nila ng cute daughter niyang si Dahlia sa Tagaytay.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Anne Curtis and daughter Dahlia quick getaway in Tagaytay.
  • Pagbabago sa lifestyle ni Anne Curtis ng magkaroon na ng anak.

Anne Curtis and her daughter Dahlia quick getaway in Tagaytay

anne curtis quick getaway sa tagaytay kasama ang cute daughter niyang si dahlia

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Kaliwa’t kanan ang mga guesting at projects ng aktres at TV host na si Anne Curtis. Pero sa kabila nito si Anne hindi nawawalan ng oras sa anak niyang si Dahlia.

Sa pinaka-latest ngang Instagram post ni Anne ay ibinahagi niya ang naging pamamasyal nilang mag-ina sa isang amusement park sa Tagaytay. Sabi ni Anne Curtis sa caption ng post, ito ang paraan niya ng pag-cecelebrate ng love sa cute daughter niyang si Dahlia.

“Quick little getaway to celebrate love with my happy little lamb. Last pic tho cheeky girl!”

Ito ang caption ng post ni Anne na kung saan makikitang enjoy na enjoy ni Dahlia ang pamamasyal nila.

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
    A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Sa mga pictures na kalakip ng IG post na ito ni Anne, makikitang sumakay si Dahlia sa carousel at naglaro ng ilang games sa park. Si Dahlia masaya ring naglibot-libot hawak-hawak ang isang stuffed toy.

Ang mga celebrities at netizens aliw na aliw naman sa cute reactions ni Dahlia sa quick getaway nilang mag-ina. Lalo na sa larawan kung saan makikitang nakaupo si Dahlia katabi ang isang malaking stuffed toy at masama ang tingin niya dito.

anne curtis daughter na si dahlia katabi ang isang stuffed toy

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis

isabelledaza Little daldal girl❤

yassipressman Baaabbyyyyyy dolll 

missizacalzado Such a cutie!!!!

Ito ang ilan sa naging reaksyon nila.

Sa mga nakalipas na IG post ni Anne ay lagi niya ring ibinahagi ang mga quick getaways nila ng anak kasama ang mister na si Erwan. Kamakailan lang ay nag-beach getaway sila.

Pero ang pinaka-the best na bakasyon na na-enjoy talaga nila ngayong taon ay ang pamamasyal nila sa Tokyo, Disneyland. Sa naturang trip ay kasama nila Anne ang kapatid ni Erwan na si Solenn Heussaff.

Pati na ang mag-ama nitong sina Thylane at Nico Bolzico. Pagsasalarawan ni Anne sa kanilang pamamasyal sa Disneyland, tunay nga daw na isa ito sa mga happiest places on earth.

Pagbabago sa lifestyle ni Anne Curtis ng magkaroon na ng anak

anne curtis quick getaway sa tagaytay kasama ang cute daughter niyang si dahlia sa tagaytay

Larawan mula sa Instagram account ni Anne Curtis

Sa isa namang panayam ay ibinahagi ni Anne ang mga naging pagbabago sa lifestyle niya simula ng magkaroon na siya ng anak. Nangunguna na daw dito ang paglalagay ngayon kay Dahlia sa pinaka-una ng priorities niya. Kung dati daw ay sarili niya lang ang iniisip niya, nang maging ina ay lagi na daw ang anak ang una sa mga factors na iniisip niya bago mag-desisyon.

“The way that I save and the way that I work, I know that it’s no longer just for myself anymore. Honestly, it’s all about her ever since I became a mom. You really become so selfless once you become a mom.”

Ito ang sabi pa ni Anne.

Sa katunayan, dagdag pa ni Anne sa tuwing tumatanggap siya ng projects ngayon ay lagi niyang iniisip na kailangan niya ito para i-secure ang kinabukasan ng anak.

Kung dati nga raw ay magastos si Anne, ngayon ay natuto na siyang magtipid. Isa nga raw ito sa lagi niyang ipapayo sa anak na si Dahlia kapag ito ay malaki na.

Maliban sa pagtitipid at pagse-save, kaliwa’t kanan rin ang mga business investments na ginagawa ng aktres. Malayong-malayo na raw sa ngayon ang lifestyle niya noong siya ay dalaga pa.

“I definitely don’t live the same lifestyle that I had when I was a single woman. When I became a mom, I realized the value of what I have and what are the important things that I should be spending on.”

“When I stopped working, I learned to value more what I have. What you earn doesn’t grow on trees. You work hard for that so be careful of how you are going to invest and spend that.”

Ito ang sabi pa ng isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas tungkol sa kung paano siya binago ng pagiging ina.

Sa ngayon, pagpapatuloy pa ni Anne kahit 2 years old na ang anak na si Dahlia at madaldal na ay hirap parin siyang iwanan ito sa tuwing siya ay magtratrabaho.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Pero masaya raw siya na makita ang developmental milestones ng anak. Tulad nalang ng unang pagpasok nito sa eskwelahan. Ang mga experiences na ito ng anak ay mas nagpapasaya daw lalo sa kaniya ngayon. Ito rin ang mga patunay ng unconditional love niya bilang ina sa cute little daughter niyang si Dahlia.

ABS-CBN

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Marhiel Garrote

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Anne Curtis ipinasyal si Dahlia sa isang amusement park sa Tagaytay: “Quick little getaway to celebrate love with my happy little lamb.”
Share:
  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

    Bawal ba ang pabango sa buntis? Epekto pabango sa buntis

  • Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan   

    Maggie Wilson: Victor Consunji nagbayad ng 1M dollars para pabanguhin ang pangalan  

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.