Anne Curtis umaming isa siyang ‘praning mother’ sa anak na si Dahlia. Kaunting lagnat lang ay ipapa-ER niya na ang anak. Relate ka ba kay Anne?
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Anne Curtis sa pagiging praning mother.
- Karanasan at pagbabago sa buhay ni Anne Curtis ng siya ay maging isang ina na.
- Bakit Dahlia ang ipinangalan ni Anne sa anak niya?
Anne Curtis sa pagiging ‘praning’ na mother
Image from Anne Curtis’s Facebook account
Aminado ang aktres at TV host na si Anne Curtis na isa siyang praning na ina pagdating sa anak na si Dahlia. Ito ang natatawang kuwento ni Anne sa isa sa mga panayam sa kaniya ng veteran talk show host na si Boy Abunda. Sabi pa ni Anne, kapag nilalagnat si Dahlia, gusto niya na agad ipa-ospital para makasiguro lang siya.
“I am a praning mother. Very praning ako in a sense na kunyare magka-fever lang ng konti, ‘Ano na to?’ Parang dadalhin ko na ba sa ER. They have to tell me ‘Calm down. Normal lang to. Baka nag-teething lang’. Ganoon ako. Taranta ako all the time.”
Dagdag pa ng aktres, ganoon daw siguro talaga ang mga ina. Dahil ang pagkakaroon ng anak ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ng isang tao tulad ng nangyari sa kaniya.
“Becoming a mother has been the most, I can’t even put it into words, how fulfilling it is for me to take on this new chapter of my life as a mother to Dahlia.”
“Everything changes in a good way. Like so many changes, so many good things happening. Everything is so fulfilling and you see yourself grow talaga.”
Ganito kung paano isalarawan ni Anne ang positibong pagbabago sa buhay niya na idinulot ni Dahlia.
Karanasan at pagbabago sa buhay ni Anne Curtis nang siya ay maging isang ina na
Image from Anne Curtis’s Facebook account
Kuwento pa ni Anne, pagdating sa priorities niya ay nagkaroon rin ng malaking changes at adjustments siyang ginawa. Kung dati sobrang busy ng schedule niya at very workaholic siya, parang biglang bumagal ang lahat ng dumating si Dahlia sa buhay niya. Dahil gusto niyang tutukan ang pag-aalaga dito at ang pagpaparamdam dito ng pagmamahal niya.
Noong una akala ni Anne ay hindi niya ito magagawa. Pero noong dumating si Dahlia ay nagawa at kinaya niya para sa anak. Tila nag-slowmo daw ang lahat na talaga namang nai-enjoy niya.
“Alam ng lahat yan I am such a workaholic. I am always on the go. I am doing Showtime, I am doing mall shows, I am doing films. And I am doing concerts and then all of a sudden quiet, as in. It was a huge change but I missed that phase and now I am actually very much enjoying that phase in my life.”
BASAHIN:
LOOK: Anne Curtis at Erwan Heussaff ipinagdiwang ang 2nd birthday at binyag ni Baby Dahlia
LOOK: Anne Curtis balik showbiz two years mula ng manganak kay Baby Dahlia
Bakit Dahlia ang ipinangalan ni Anne sa anak niya?
Kuwento pa ni Anne, ang pangalan ni Dahlia ay nakuha niya rin sa pagiging hardworking niya na siyang meaning daw ng pangalan ng anak maliban sa ito ay isang napakagandang bulaklak.
Memorable din daw para kay Anne ang pangalang Dahlia. Dahil sa ito ang pangalan niya sa pinakaunang pelikulang ginawa niya bilang artista.
“Aside from being such a beautiful flower, its being hardworking that’s what it means and represents. My first ever role in the industry of entertainment was Magic Kingdom and my character’s name is Princess Dahlia. Erwan and I was really thinking of different names that we like and this one really really stuck.”
Ito ang pagkukuwento ni Anne tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng anak.
Image from Anne Curtis’s Facebook account
Hinding-hindi nga daw makakalimutan ni Anne ang unang pagkakataon na makita niya si Dahlia. Sa tuwing inaalala niya nga daw ang tagpong ito ay naiiyak siya.
“When the baby was put into your arms, you look at your child, grabe talaga. All the pain na nararamdaman mo, it disappears and you are just in this cocoon of love.”
Ito ang sabi pa ni Anne. Kaya naman para masigurong healthy si Dahlia at maging maayos ang paglaki nito ay hindi nagdalawang isip si Anne na i-breastfeed ang anak. Bagamat ayon kay Anne hindi niya inakalang mahirap at magiging masakit ang pagpapasuso sa una.
“With breastfeeding, it’s always in my mind that I wanted to try. Hindi lang ako prepared talaga kung gaano pala siya kasakit. I knew that I wanted to give that to Dahlia and I wanted to at least try.”
“Hindi siya madali. It’s not for everyone. Every mother has their own personal journey. Every mother has their own struggle. It’s really a personal choice on what you think is best for your baby. And for me that’s what I think is best for Dahlia.”