LOOK: Anne Curtis balik showbiz two years mula ng manganak kay Baby Dahlia

Anne nakipagkita sa mga celebrity friends niya at masayang ibinahagi na nakilala na ng mga ito ang kaniyang baby Dahlia for the first time.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Anne Curtis showbiz comeback after 2 years ng manganak inaabangan na!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Anne Curtis showbiz comeback.
  • Buhay ni Anne Curtis bilang isang ina.

Anne Curtis showbiz comeback

Image from Anne Curtis' Instagram account

Magbabalik showbiz na si Anne Curtis! Ito ang masayang ibinalita ng aktres sa kaniyang mga fans nitong Linggo, February 27 sa kaniyang Instagram account.

Ang showbiz comeback ni Anne ay sisimulan niya sa pamamagitan ng isang pasabog concert na gaganapin nitong April 30, 2022. Ito ay isang special docu-concert ayon kay Anne na kung saan ipapakita niya ang kaniyang naging buhay ng makalipas na dalawang taon.

Ito ang mga panahon na kung saan saglit siyang namaalam sa pag-aartista para maging full-time mom sa kaniyang baby Dahlia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A very special docu-c%#^*rt for everyone I LUV! Join me as I share bits and pieces of my life in the past two years. Plus! I just might have some surprise fierce, fun and fab performances! G? LuvANNE na LuvANNE na! I’m vack mga vaaaacks!!! Luv-Anne”

“APRIL 30, 2022"

"8:00 p.m (Philippine Time)”

Ito ang bahagi ng pag-iimbita ni Anne sa gaganapin niyang concert.

Base pa rin sa kaniyang Instagram post, ang concert ni Anne ay gaganapin online sa pamamagitan ng sumusunod na streaming websites.

Para sa mga nais makasaksi ng concert ni Anne, ang regular ticket ay magsisimula sa halagang P999 at P1,750 naman sa mga VIP na may Virtual Meet and Greet mula sa kaniya.

Reaksyon ng mga netizens sa showbiz comeback ni Anne

Labis namang ikinatuwa ng mga kaibigan niyang celebrities ang balitang ito ni Anne. Ito ang ilan sa naging reaksyon nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

therealangellocsin

Pak!

iamsuperbianca

Amazing ka. Go Anne!!!

chiefilomeno

OMG AYAN NAAAA!!

Ang mga fans naman ni Anne hindi napigilang sabihin ang saya nila sa muling pagbabalik sa showbiz ng kanilang idolo. Ito naman ang ilan sa reaksyon nila sa showbiz comeback ni Anne.

“LITERALLY CRYING, you will never have an idea how you continuously make my dreams come true as well! I love you so much!!! And, I am so proud of you. I will be there, mahal kita huhu. P.s. THIS IS REALLY WORTH THE LONG WAIT!”

“Ayan na nga!!! THE QUEEN IS BACK!!!!!”

Anne nakipagkita sa mga celebrity friends niya

Image from Anne Curtis' Instagram account

Kasunod ng post niya tungkol sa nalalapit na concert ay nag-post din si Anne sa kaniyang Instagram account tungkol sa muling pagkikita nila ng kaniyang mga celebrity friends after two years.

Very happy si Anne na ibahaging nagkasama muli sila ng mga friends niyang sina Angel Locsin, Bea Alonzo, Dimples Romana at Angelica Panganiban kasama ang mga partners ng mga ito. Sabi pa ni Anne, first time rin ng mga ito na ma-meet ang kaniyang little na si Dahlia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Missed these ladies so much! Imagine 2 years worth of catching up!”

“They finally got to meet my little one too. Thank you tita Gel for showing her your cutie chickens! (Tita Bea, next time promise!).

Hindi naman pinalampas ni Anne na pasalamatan ang kaniyang mag-ama na si Erwann at Dahlia na pinayagan siya umanong magpaiwan at makapag-spend ng mas maraming oras kasama ang mga celebrity friends niya. Sa sobrang nag-enjoy si Anne ay hinihiling niya na sana makapagsama muli sila ng kaniyang mga kumareng celebrity.

”Thank you Dahlia and @erwan for letting me stay a little longer to have some chika/maritess time with this lot ?.”

“Till the next one mga mars. Let’s not wait too long x”

Ito ang sabi pa ni Anne.

BASAHIN:

Anne Curtis, laging nagtatanong sa pedia ni Baby Dahlia—”I’m a super praning mom!”

Anne Curtis opens up about her motherhood journey: “I can’t imagine my life without Dahlia anymore.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Chesca Garcia inalala ang mga panahon na hirap pa sila financially: “Those are one of happiest days of my life”

Buhay bilang isang ina ni Anne Curtis

Image from Anne Curtis' Instagram account

Taong 2019 ng iniwan ni Anne Curtis ang pag-aartista pati na ang paghohost niya sa programang It’s Showtime sa ABS-CBN. Nang mga panahong iyon si Anne ay buntis na at nais mag-focus muna sa pagdadalang-tao niya.

Disyembre ng parehong taon ay lumipad si Anne papunta sa Australia. Doon siya ay nanganak kay baby Dahlia noong March 1, 2020.

Nanatili si Anne sa Australia kasama ang mister na si Erwann at Dahlia hanggang sa makabalik sila dito sa Pilipinas Pebrero ng nakaraang taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isa sa mga panayam niya, ay nagkuwento si Anne tungkol sa naging pagbabago sa buhay niya ng maging isang ina.

Sa pagiging ina, may isang bagay nga daw na na-realize si Anne. Ito ay ang mas ma-appreciate pa ang Mommy niya.

“You appreciate every single thing. Magsisisi ka at one-point na naging pasaway ka sa nanay mo.”

So far sa buong buhay niya, ang mommy journey ang sobrang na-enjoy niya. Dahil sa ito ay puno lang ng happiness at pagmamahal.

“All I can say is that this journey has been filled with so much love.”

Ito ang pagsasalarawan ni Anne sa nararamdaman niya ngayon bilang isang ina.