Ano ba ang mga bagay na pinagdadaanan ng isang ama o ina sa pagpapalaki sa isang anak na mayroong autism o autismo sa isang lipunang marami ang hindi nakakaunawa’t nakakaintindi?
Narito ang isang kwento ng isang inang may anak na autism na nakaranas ng diskriminisasyon sa isang resort na kanilang pinuntahan sa Cebu.
Mababasa sa artikulog ito:
- Pagpapaliwanag sa kundisyong autismo
- Palatandaan ng pagkakaroon ng autismo
- Payo sa mga magulang kapag mayroon autismo ang kanilang anak
Photo by Alex Green from Pexels
“We need a friendly and empathetic environment for kids and families with special needs.”
Ikinuwento ni Mai P, hindi niya totoong pangalan mula sa Quezon city ang karanasan niya sa isang luxury resort sa Cebu. Inihayag niya ang kaniyang hinaing sa pamamagitan ng pagbibigay ng review sa online travel website. Nakaranas umano siya at ang kaniyang anak na si Fin ng diskriminasasyon sa resort.
Kung tutuusin naging masaya talaga ang kaniyang anak sa resort, sa sobrang saya ng kaniyang anak na si Fin hindi nito mapigilan ang sumigaw sa sobrang tuwa. Isa lamang ito sa mga normal reaksyon ng mga batang may autism. Ganito sila nakakapag-express ng kanilang saya. Lubos na unawa ito ni Mai pero ang iba na hindi alam ang ganitong kundisyon ay hindi ito unawa, at ganun din ang ilang mga staff sa resort. Hindi nila nauunawaan.
“It could’ve been the perfect getaway for Fin, my child with special needs. When something excites him or when he is happy, he makes it known by squealing with delight. Fin is happy! That is what I always tell him every time he does that.”
“I thought that was okay until we were told from afar (a lifeguard). As a mother, your initial action would be directed to your child. So, I told him not to squeal because it wasn’t allowed. Quite frankly it was a difficult moment. Another lifeguard came and told us the same thing. I had to explain that he is a child with needs.”
Bilang isang ina, lubos na nasaktan ang puso ni Mai para kaniyang anak, pakiramdam niya’y sila’y nadiskrimina. Kinailangan niyang ipalawanag sa mga staff na mayroong special needs ang kaniyang anak. Totoong mahirap para sa isang magulang o isang ina ang mag-alaga at magpalaki sa isang batang may special needs lalo na ang pagpapaliwanag sa ibang tao patungkol sa kundisyon ng iyong anak. Marami pa rin sa ating lipunan ang hindi ito nauunawaan at kinukutya pa ang mga batang may kundisyong ito.
Image screenshot from Trip Advisor
“It’s a discriminating experience. We often get this a lot.”
Ang pinakamasakit siguro para kay Mai ay ang kailangan niyang pagsabihan ang kaniyang anak na huwag i-express ang kaniyang ligaya, tinakpan pa niya ang bibig ng anak para mapigilan ang excitement nito. Subalit napagtanto niya na walang mali sa ginagawa ng kaniyang anak na si Fin. Ipinapakita o ine-express lamang ng kaniyang anak ang nararamdaman nito at walang masama rito. Subalit hindi iyon lubos na maunawaan ng mga staff ng resort. Bilang isang ina, mahirap na ang turing sa iyong anak ay iba at walang respeto na nakukuha sa ibang tao. Ito ang isa sa mga pinagdadaanan ni Mai.
Kaya naman na imbis na ipagpatuloy nila ang kanilang pagsi-swimming, napagdesisyunan na lamang niyang bumalik sa kuwarto ng kaniyang anak na si Fin. Isa umano itong discriminating experience para sa kaniya at kaniyang anak. Hindi na rin ito iba sa kanila. Maraming tao pa rin ang hindi maunawaan ang kundisyon ng kaniyang anak at mga batang may autism. Subalit kahit ilang ulit na itong nangyari kay Mai at sa kaniyang anak, hindi ka masasanay bilang magulang lagi kang masasaktan lalo na kung may panlalait at walang pang-unawa ang ibang tao sa iyong anak.
“The plan to swim the whole morning came to a halt. I asked Fin if we could go back to the room because we weren’t allowed to squeal and be merry the special way.”
“It’s a discriminating experience. We often get this a lot. When normal people who are ignorant of people with special needs, give us that stare of please control your child.”
Sa naranasan ni Mia at ng kaniyang anak na si Fin, nanawagan siya na sana’y magkaroon ng isang friendly at emphatic environment para sa kaniyang pamilya, para sa mga pamilyang katulad nila na mayroon anak na may special needs o autism. Nanawagan si Mai publiko na intindihin at unawain ang kanilang kundisyon. Higit sa lahat ang pagbibigay ng respeto sa mga bata at pamilya mayroong anak na autistic.
“My Fin is a happy child. He has autism. He is special. Very special! I will never consider staying here ever again. No luxury of this proportion can make this experience okay because that is not what we need.”
“We need a friendly and empathetic environment for kids and families with special needs.”
Sagot at reaksyon ng resort
Samantala, sinagot ng administrasyon ng resort na tinuluyan nila ang panawagan ni Mai. Sa kanilang kanilang pagpapaliwanag sinabi nilang ang pagpapanatili ng katahimikan sa kanilang resort ay isang paraan upang masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga guest. Sapagakat mahalaga sa kanila na ma-monitor ang mga ingay na naririnig upang agad na makaresponde sa oras ng aksidente. Ganoon din ang pagsisiguro na mananatiling peaceful at relaxing para sa mga ito ang kanilang resort environment. Hindi rin nila pinapahintulutan ang pagsigaw bilang pag-iingat sa kumakalat na sakit na COVID-19.
Narito ang kopya ng kanilang buong pahayag.
Image screenshot from Trip Advisor
BASAHIN:
Kemikal na maaaring pagmulan ng cancer, nakita sa ilang gamit ng mga baby
Kakulangan ng zinc sa kinakain ng buntis, maaaring magdulot ng autism sa baby
5 early signs ng autism sa bata na kailangan mong bantayan
Sa isa pang pahayag naglabas ng isang apology letter ang pamunuan ng resort, sa kahiwalay na pahayag nagpaumanhin ang resort sa nauna na nitong sinabi’t humingi ang kanilang pamunuan sa hindi magandang pagtugon at pakikitungo ng staff kina Mai at sa sinabi nila noong nakaraan. Ito ang kanilang pahayag.
Ano nga ba ang autismo o autism?
Ayon sa Standford Children Organization, ang autism o tinatawag ring Autism Spectrum Disorder ay isang developmental disorder. Isa itong kondisyon na nakakaapekto sa social interaction, communication at behavior ng isang bata.
Ang mga batang may kondisyon na ito’y nagpapakita ng sintomas sa mura nilang edad na maaaring magpatuloy sa kanilang pagtanda. Isa sa mga tinitingnang dahilan kung bakit nagde-develop ang kondisyon na ito’y dahil sa kombinasyon ng kanilang genes at sa environment na nag-tritrigger sa mga genes na ito.
Ayon sa CDC, isa sa kada 68 na bata ang nagkakaroon ng autism. Mas madalas na nagkakaroon nito ang mga batang lalaki kaysa mga babae.
Mga palatandaan ng pagkakaroon ng autismo
Photo by Alex Green from Pexels
Hindi madaling matukoy kung ang isang bata’y may taglay ng kondisyon na ito. Subalit may mga tinatawag na hindi usual o normal na behavior ang sinasabing pangunahing palatandaan ng autismo. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
- Hirap na makipag-socialize o makipag-communicate sa ibang tao.
- Mayroon silang restricted interest o sa mga specific na bagay lang sila nagpapakita ng interes o reaksyon.
- Sensitive din ang kanilang pang-amoy, pandinig at paningin. Halimbawa may mga pagkaing ayaw nilang kainin dahil sa kulay nito.
- Mayroon silang repetitive behavior tulad ng pagpalakpak ng kamay o kaya pag-ikot-ikot.
- Labis na pagiging honest o pagsasalarawan sa itsura ng iba.
- Inappropriate touching o pag-invade ng space o lugar na kaniyang kapwa.
- Extreme display of affection o kasalungat nito.
- Hindi rin nila kayang kontrolin ang kanilang emosyon. Tulad ng pagsisigaw o pagtalon-talon dahil sa labis na kasiyahan. Madali rin silang magwala kahit na ito’y maliit o mababaw na dahilan lamang.
Ano ang maaaring gawin ng mga magulang na may anak na taglay ang autismo?
Photo by Alex Green from Pexels
Ang mga behavior na ipinapakita ng isang batang may autismo ay kadalasang hindi naiintindihan at lubos maunawaan ng iba. Maaaring hindi normal ang ipinapakita nilang pag-eexpress ng kanilang emosyon. Subalit hindi ibig sabihin nito’y hindi sila makakapamuhay ng normal at nang maayos.
Bilang magulang na mayroong anak na may kundisyong ito, narito ang mga bagay na maaari mong gawin upang matulungan ang iyong anak. Ayon ito sa website na Parent Coaching for Autsim:
- Turuan o ipakita sa iyong anak ang tamang behavior o reaksyon sa isang bagay.
- Alamin ang medium of communication na effective para sa iyong anak, ito ang gamitin upang turuan sila.
- Saka ulit-ulitin ang mensahe ng iyong itinuturo hanggang sa magaya o masimulan na nila ang bagong behaviour na dapat nilang ipakita.
- Makakatulong din na magdala ng mga stress relievers o favorite toy ng bata sa tuwing aalis ng bahay upang ma-distract ang kaniyang atensyon kung kinakailangan.
Maliban sa mga nabanggit na tips, ipinapayo rin nila kung maaari’y huwag pansinin ng mga magulang na may anak na may autismo ang mga nasa paligid nila. Sa halip, mag-concentrate sa kaniyang anak upang maibigay ang espesyal na atensyon at kailangan nito.
Walang gamot sa autism pero maaaring maisaayos o mamuhay ng normal ang isang batang taglay ang kondisyon sa tulong ng treatment. Mahalin at intindihin ang iyong anak, gabayan sila ng maayos. Tandaang walang masama sa pagkakaroon ng isang anak ng may autism, may autism man o wala hayaan nating maging bata ang mga bata, hayaan natin silang maranasan ang mga masasayang bagay at makaranas ng masasayang karanasan.
Source:
Medical News Today, Help Guide, Standford Childrens Org, Medicine Net
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!