Ano ang Cyberbullying at masamang epekto nito sa biktima

Ang cyberbullying ay uri ng pambubully na ginagawa sa digital space tulad ng social media. Alamin sa article na ito ang epekto nito sa biktima at paano protektahan ang iyong anak mula rito.  

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ano ang cyberbullying? Hindi dapat balewalain ang cyberbullying dahil maaari itong magdulot ng seryosong physical at psychological na epekto sa biktima. Ngunit ano nga ba ang cyberbullying at paano ito maiiwasan?

Ano ang cyberbullying? 

Ano ang cyberbullying? |Larawan mula sa Pexels kuha ng Rodnae Productions

Ang cyberbullying ay uri ng bullying na ginagawa gamit ang digital devices tulad ng cellphone, computer, at tablet. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng text message, social media posts and direct messages, forums, or gaming kung saan maaaring mapanood, mag-participate, o magbahagi ng content ang mga tao.

Maituturing na cyberbullying ang pag-send, pag-post, pag-share ng mga negatibo, masama, at maling impormasyon tungkol sa isang tao.

Kabilang na rito ang pagbabahagi ng mga personal at pribadong impormasyon na maaaring magdulot ng kahihiyan at pangmamaliit sa iba.  Ang ilan pang cyberbullying ay humahantong sa criminal behavior.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kadalasang nagaganap ang cyberbullying sa mga sumusunod na cyber space:

  • Social media, tulad ng Facebook, Instagram, Snapchat, and Tiktok
  • Text messaging at messaging apps sa mga mobile device at tablet device
  • Instant messaging, direct messaging, at online chatting sa internet
  • Online forums, chat rooms, at message boards, tulad ng Reddit
  • E-mail
  • Online gaming communities

Ano ang cyberbullying: Iba’t ibang uri ng cyberbullying

Ano ang cyberbullying? | Larawan mula sa Pexels kuha ni Porapak Apichodilok

Dahil sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya, dumarami rin ang paraan kung paano naisasagawa ang cyberbullying.

  • Cyber Lynching

Kilala rin sa tawag na group bullying o cyber mob. Karaniwang nangyayari ito matapos i-call out ang isang tao dahil sa actual abuse o injustice, nakaka-offend na opinion, o dahil sa pagpapakalat ng fake news.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Canceling

Ito ay uri ng pagtanggal ng sense of acceptance o belongingness mula sa isang tao.

  • Impersonating

Paggawa ng mga pekeng account o pag-hack sa original account ng biktima at paggamit nito upang ipahiya o atakihin ang biktima. Kilala rin sa tawag na identity theft.

  • Flaming

Ito ay tumutukoy sa paggamit ng masasakit, bulgar, at bayolenteng mga salita laban sa biktima.

  • Text bullying

Pagpapadala ng negatibong mensahe gamit ang SMS o MMS.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Dark Social

Katulad ng text bullying ngunit isinasagawa sa pamamagitan ng messaging o chat apps.

  • Creative bullying

Paggamit ng creative arts at deep fakes upang magdulot ng damage sa biktima. Kabilang na rin dito ang paggamit ng fan pages bilang hate pages, pag-alter ng image, posters, at videos.

  • Outing o social engineering

Uri ng cyberbullying kung saan ay minamanipula ang biktima na kusang maglabas ng kahiya-hiyang impormasyon o gumawa ng nakakahiyang bagay. Pagkatapos ay gagamitin ito para ipahiya at i-harass ang biktma.

  • Cyberbaiting

Special form ito ng cyberbullying dahil karaniwang biktima nito ay ang mga guro at ang mga gumagawa ay estudyante. Gumagamit ang estudyante ng taktikang tulad ng “outing,”, kung saan ay ise-set up ang guro upang mag “snap” o magalit at irerecord ang senaryo upang gawing katatawan sa social media.

Hindi sakop ng cyberbullying ang protected speech dahil protektado ito ng freedom of speech and expression sa Philippine Constitution.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman ang mga written, verbal, artistic, at creative expression na inihayag virtually o sa personal ay protektado ng Konstitusyon maliban na lamang kung ito ay maikokonsiderang cyber libel.

Ang karapatan natin sa free speech at expression ay hindi dapat maging daan para masira ang reputasyon ng iba. Hindi rin ito dapat na magdulot ng mental, pisikal, at materyal na pinsala sa ibang tao.

Ano ang cyberbullying | Epekto ng cyberbullying

Larawan mula sa Pexels kuha ng Rodnae Productions

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Kaspersky Lab at iconKids & Youth, maaaring magdulot ng seryosong physical at psychological na epekto ang cyberbullying. Ilan nga sa mga ito ay ang nightmare, depression, at anorexia.

Nasa 37% umano ng mga biktima ng cyberbullying ang mayroong mababang self-esteem, 30% ang nakaranas ng deterioration sa kanilang performance sa school, at 28% ang nagkaroon ng depresyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Bukod pa rito, 25% ng mga magulang ang nagsabing nasira ang sleeping pattern ng kanilang mga anak, at 21% ang nagbahagi na binabangungot ang kanilang mga anak.

Dagdag pa rito, 26% ng mga magulang ang nakapansin sa pag-iwas ng kanilang mga anak na makihalubilo sa ibang tao, habang 20% naman ang nagkaroon ng anorexia ang mga anak.

Ayon sa nabanggit na pag-aaral, sa 20% na mga kabataang nakasaksi ng online bullying, nasa 7% ang nakiiisa o nakisali rito.

Patunay ang mga numerong ito sa kung paano nakaaapekto ang cyberbullying sa mga nagiging biktima nito. At hindi lang mga bata at teenager ang maaaring maging biktima ng cyberbullying.

Maging ang mga nakatatanda ay kadalasang biktima rin ng mga uri ng cyberbullying. Tulad ng epekto nito sa mga bata, maaari ding magdulot ng masama sa pisikal at psychological na aspeto ang cyberbullying sa matanda.

Kung ang mga bata at teenager ay inaabisuhang lumapit sa mga nakatatanda tuwing makararanas ng cyberbullying, ipinaaalala rin sa mga matatanda na maaari silang lumapit sa kapwa nila adult kung makaranas nito. Puwedeng lumapit sa mga awtoridad at paimbestigahan sa mga pulis o organisasyon ang cyberbullying na dinaranas.

Kung sa social media nararanasan ang bullying, maaaring i-report ang offensive comments, posts, at profiles. Puwede ring i-block ang mga ito.

Maaari ring direktang ipaalam sa dedicated pages ng Facebook, Twitter, o Instagram ang bullying o harassment na naganap sa kanilang platform.

BASAHIN:

7 rason kung bakit hindi mo dapat gawan ng social media account ang anak mo

STUDY: Mga batang mahilig sa gadgets, maaaring magkaroon ng eating disorder

3 ways your social media addiction is killing your soul

Ano ang cyberbullying | Epekto nito sa mental health

Paano nakaaapekto sa mental health ang cyberbullying? Ayon sa artikulo ng UNICEF na may pamagat na Cyberbullying: What is it and how to stop it, maaaring makaapekto ang cyberbullying sa mental health ng isang tao.

Kapag nakaranas daw kasi ng cyberbullying, maaaring makaramdam ang isang tao ng pagkapahiya, nerbyos, anxiety at insecurity. Lalo na tuwing naiisip nito kung ano kaya ang iniisip ng ibang tao tungkol sa kanya. Ang mga pakiramdam na ito ay maaaring magdulot ng paglayo sa mga kaibigan o pag-iwas sa mga kapamilya. Bukod pa rito, narito pa ang mga posibleng epekto ng cyberbullying sa mental health:

  • negatibong pag-iisip tungkol sa sarili
  • Pakiramdam ng guilt sa mga bagay na nagawa o hindi nagawa
  • Pag-iisip na hinuhusgahan ka ng iba sa negatibong paraa
  • Pakiramdam na nag-iisa at overwhelmed
  • Madalas na pagsakit ng ulo
  • Pagduwal at pananakit ng tiyan dulot ng anxiety
  • Kawalan ng motibasyong gawin ang mga dating kinagigiliwang gawain

Para naman sa mga bata, posibleng maging sanhi ng kawalan niya ng interes sa pagpasok sa school ang pagkaranas ng cyberbullying. Bukod pa rito, posible rin itong mag-udyok ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alcohol sa mga kabataan. Kaya mahalagang kumustahin ang ating mga anak at protektahan ang mga ito mula sa epekto ng cyberbullying. Ngunit paano nga ba natin sila maproprotektahan?

Paano protektahan ang iyong anak sa cyberbullying

Larawan mula sa Pexels kuha ng Rodnae Productions

Hindi madali para sa mga magulang na protektahan ang kanilang mga anak mula sa cyberbullying. Lalo na at kadalasang itinatago ng mga bata ang isidente ng cyberbullying sa kanilang mga magulang.

Narito ang mga maaaring gawin para maprotektahan ang iyong anak sa cyberbullying:

  1. Alamin kung ano ang ginagawa ng iyong anak online, pati na rin kung sino ang mga nakakausap nito.
  2. Limitahan ang mga impormasyong ibinabahagi nito sa social media tulad ng photos, status, at apps. Sa pamamagitan nito mapapanatiling secure ang mga importanteng data ng iyong anak.
  3. Kilalanin ang senyales ng bullying tulad ng pagkawala ng interes ng iyong anak sa mga paboritong gawain, pagliban sa klase, at pagbabago ng sleeping at eating habits.
  4. Gawing accountable ang bullies. Kailangang maintindihan ng mga nambubully na may karampatang parusa ang kanilang mga aksyon.
  5. Alamin ang karapatan ng iyong anak sa ilalim ng Anti Bullying Act.

Simulang ipinatupad ang Anti Bullying Act noong 2013 upang maprotektahan ang mga estudyante mula sa pang-aabuso ng kapwa nila estudyante.

Sa ilalim ng naturang batas, ang bullying ay maaaring nasa porma ng verbal, physical o electronic at online actions ng isang tao o grupo ng mga estudyante. Ikinokonsidera sa batas na ito na bullying ang mga sumusunod:

  • Kapag ang estudyante ay natatakot sa posibleng pisikal at emosyonal na pananakit, o damage sa kaniyang mga gamit.
  • ‘Pag ang tingin ng bata sa kaniyang school ay hindi ligtas na lugar.
  • Kapag ang karapatan ng bata ay na-violate o naapakan.
  • ‘Pag nawala sa kaayusan ang learning process, at security and order sa loob ng eskwelahan.

Malinaw na nakasaad sa batas na higit sa pisikal na pananakit ang bullying. Kabilang dito ang verbal abuse o pagbibitaw ng masasakit na salita na maaaring magdulot ng pinsala sa emosyonal at psychological na estado ng bata.

Bahagi rin ng batas na ito ang cyberbullying lalo na at karamihan ng mga estudyante ngayon ay may access na sa internet at mobile device.

Lahat ng bullying na magaganap sa school grounds ay sakop ng batas na ito. Saklaw din nito ang mga school functions o programs, nasa loob o labas man ng eskwelahan.

Pati na rin ang mga school bus, carpools ay sakop ng Anti Bullying Act, kung ito ay pag-aari o accredited ng paaralan. Protektado rin ng batas ang iyong anak mula sa acts of bullying mula o sa pamamagitan ng technological o electronic devices na pag-aari ng school.

Sa kabilang banda, mahalaga ring balansehin ang pagiging protective sa iyong anak. Mahalagang matutunan din nila kung paano i-handle ang stress at kung paano ito solusyunan.

Overprotectiveness masama ba para sa iyong anak?

Larawan mula sa Pexels kuha ni Ketut Subiyanto

Para maintindihan kung paanong nakaaapekto ang pagiging overprotective ng magulang sa kaniyang anak, mahalagang malaman na mayroon iba’t ibang uri ng stress.

Mayroong dalawang uri ng stress: short term o acute stress, at sustained o chronic stress. Ipinaliwanag ito ni Nathan H. Lents, Ph.D, propesor ng molecular biology sa John Jay College ng University of New York.

Ang chronic stress sa mga bata ay maaaring mula sa pang-aabuso, kawalan ng pakialam, sensory deprivation, labis na pag-aalala, at regular na exposure sa karahasan.

Ang mga batang nakararanas ng chronic stress ay maaaring tumandang may anxiety, depression at iba pang mood and adjustment disorders.

Sa kabilang banda, ang acute stress naman ay response sa nakakatakot, competitive, o dangerous stimulus na madaling maresolba sa loob lamang ng ilang minuto o segundo. Nagdudulot ng acute stress ang karamihan sa pisikal na laro tulad ng sports, video grames, at iba pang kompetisyon.

Dapat lang na protektahan ang iyong anak mula sa chronic stress ngunit ang acute stress ay beneficial sa childhood development.

Ayon sa doktor-propesor, wala umanong masama sa pagiging cautious at protective ng mga magulang. Ito ay dahil bahagi ito ng kanilang parental duty at parental instincts.

Subalit, tiyakin lamang na balanse ang pagprotekta sa iyong anak dahil ang overprotectiveness ay maaari ding magdulot ng hindi maganda sa bata kapag siya ay tumanda na.

Normal na protektahan ang iyong anak mula sa chronic stress, ngunit kung kusang ilalayo rin siya mula sa healthy forms ng safe stress, maaaring mahirapan silang lalo sa pag-handle sa iba’t ibang uri ng stress kapag sila ay adult na.

 

Sinulat ni

Jobelle Macayan